Chapter 21

62.6K 2.2K 215
                                    

Pagkahatid nila sa akin sa aming tahanan, kaagad kong nadatnan sa labas ng pinto si Lola Alette na nakahalukipkip habang nakaupo sa kaniyang tomba-tomba.


Pagkasara ko ng gate, kaagad akong lumapit sa kaniya para magmano. Pagkamano ko, balak kong pumasok na sa loob pero pinigilan niya ako.


"Huwag ka munang aalis." Aniya kaya hindi ko na inihakbang pa ang aking mga paa.


"Ginabi ka na naman. Saan ba kayo galing ng mga kaibigan mo?" Tanong niya habang nakapikip pa at dinarama ang bawat ugoy ng kaniyang upuan.


"Lola, nagpunta po kasi kami ng mga kaibigan ko sa simbahan. Nakipaglamay po kami sa guro naming namatay." Paliwanag ko.


"Aba, ang pakikipaglamay ay sandali lang. Isa hanggang dalawang oras lang. Inabot na kayo ng alas-otso roon." Giit niya. Dumilat siya ngayon at tinitigan ako.


"Kung may iniisip po kayong masama patungkol sa mga kaibigan ko pwes, nagkakamali kayo." Pahayag ko. Inunahan ko na siya dahil nababasa ko ang ipinapahiwatig ng kaniyang mga mata.


"Hindi ko gusto ang mga kaibigan mo. Mukha silang bad influence! Mas mabuti pang wala kang kaibigan dahil mapapahamak ka lang sa kanila." Turan nito.


"Lola! Hindi sila ganung klaseng tao! Mababait sila! Huwag niyo naman po silang husgahan kaagad dahil hindi niyo pa po sila lubusang kilala." Pahayag ko. Ayoko siyang sagutin pero hindi naman tama na paratangan niya ang mga kaibigan ko ng masama.


Napatayo siyang bigla. "Inaalala ko lang ang kaligtasan mo! Ayokong magaya ka sa ate Roxette mo kaya pinagsasabihan kita!" Giit niya habang nagngangalit ang kaniyang pustiso.


"Malaki na po ako! Alam ko kung ano ang tama at mali! Alam ko rin kung sino ang dapat samahan at pagkatiwalaan! Hindi na po ako bata!" Sigaw ko kay Lola. Nagulat ako nang biglang lumapat ang kaniyang kamay sa aking kanang pisngi.


"Lola mo ako! Sundin mo kung ano ang gusto ko! Lahat naman ng ito ay para sa ikabubuti mo!" Turan niya.


Napahawak na lang ako sa namamanhid kong pisngi habang siya'y nagsasalita. Hindi ko namalayang ako pala'y lumuluha na.


"Iyon na, Lola lang kita! Hindi ikaw ang masusunod para sa buhay kong ito! Pinalaki nila akong independent kaya kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ako ang magdedesisyon sa aking sarili dahil buhay ko ito! Hindi niyo ako mapipigilan!" Sigaw ko sa kaniya. Nakita kong nagulat si Lola sa mga katagang binitiwan ko kaya naman naupo na lang siya sa tomba-tomba. Minabuti kong umakyat na sa aking kwarto dahil ayoko nang makipagtalo pa.


Nasanay na akong mag-isa lagi dahil ang mga magulang ko'y busy sa kanilang mga trabaho. Noon pa man, alam kong mas paborito nila si Ate kaysa sa akin. Si Ate kasi, matalino at tiyak na malayo ang mararating habang ako, bobo at walang pangarap sa buhay.


Kaya naman noong namatay si Ate, todo-todo ang kanilang paghihinagpis. Ni hindi nga nila napansin na may isa pa silang anak na inaasam ang kanilang kalinga.


Mahal na mahal ko si Ate kasi siya lagi ang nasasandalan ko at napagsasabihan ng lahat ng aking problema. Wala akong maipipintas sa kaniya dahil mayroon siyang mabuting kalooban.


Ngayong mga kaibigan ko na nga lang ang nasasandalan ko eh nais pang ilayo ako sa kanila ni Lola. Hindi kasi niya ako naiintindihan. Wala siyang tiwala sa akin.


Kaya nga gusto kong mabuhay muli si Ate dahil gusto kong makita ang pamilya mong masaya, buo at nagkakaisa. Si Ate lang kasi talaga ang nakakagawa ng daan at mga pakulo para magkaroon ng bonding moment ang aming pamilya. The best Ate ever.


"Tahan na." Banggit ng isang tinig. Nararamdaman kong may humahagod sa aking likuran kaya napatigil ako sa pag-iyak habang nakasubsob sa aking kama kaya naman bumangon kaagad ako para tingnan kung sino ang umaalo sa akin.


"Ate?" Turan ko.


Hindi ko maipaliwag ang aking nadarama. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon. Yung taong tagapagtanggol ko, yung taong karamay ko lagi, yung taong laging nasa aking tabi, yung taong nakikinig lagi sa bawat hinaing ko. Walang mapaglayan ang aking ligaya sa tuwina ngayong kaharap ko na siya. My super bestfriend.


"Ate Roxette!" Sambit ko at dali-dali akong bumaba sa akimg kama para yakapin siya.


"Ate.." sambit ko habang humahagulgol sa tuwa't saya na aking nadarama. Hindi ko man siya totally na nayayakap ngayon, ramdam ko naman ang init ng kaniyang presensiya.


"Tahan na Momo." Aniya habang hinahaplos ang aking buhok.


Naalala ko tuloy yung tawag niya sa akin. Momo ang tawag niya madalas lalo na kapag alam niyang malungkot ako. I miss her voice so much.


"Mahal na mahal ka ng Ate kaya huwag ka nang umiyak. Nandito lang ako, laging nakagabay sayo." Aniya.


Hindi ko mapigilan ang aking pagluha. Mas lalo akong naiiyak dahil sa mga katagang binibitwan niya. Napakaemosyonal ko pa naman lalo na kapag kaming dalawa lang lagi ni Ate ang magkausap.


Lagi ko kasing sinasabi sa kaniya na hindi ako mahal ni Mama at Papa dahil siya lang ang mahal nito. Siya lang kasi lagi ang pinagtutuunan nila ng pansin habang ako, ni katiting na pagmamahal ay hindi ko naramdaman. Marami silang pagkukulang sa akin kaya lagi kong sinasabi kay Ate na walang nagmamahal sa akin.


Pero kahit na ganun ang aking nararamdaman, ipinapaalala sa akin ni Ate na mahal niya ako at hindi ako nag-iisa. Kaya mahal na mahal ko ang Ate ko kasi siya ang nagpapalakas ng loob ko.


"Miss na miss na miss na kita Ate Roxette. Gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang." Turan ko.


"Mag-iingat ka ah? Mahal na mahal ka ng Ate. Tahan niya." Litaniya niya.


Nagulat ako nang biglang may sumirit na kakaibang liwanag. Kinukuha na nito si Ate pero nakangiti lang siya sa akin habang siya'y papalayo nang papalayo.


Nais ko siyang sundan pero hindi ko maikilos ang aking katawan.


"Alam kong mapagtatagumpayan mo iyan. Laban lang." Aniya at bigla na siyang nawala.


"Ate!"

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon