Chapter 68

47.3K 1.5K 980
                                    

Charlie's POV


Hindi man lang ako nagawang replyan ni Morixette. Wala na ba talaga akong halaga para sa kaniya? Gano'n na lang ba iyon? Itatapon niya ang lahat ng memories namin at para bang hindi niya na ako kilala? Multo na lang ba ako para sa kaniya na hindi niya nakikita?


Ang sakit. Sobrang sakit. Para bang wala akong kwentang lalaki. Lumalabas pa na ako ang naghahabol sa kaniya. Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang takbo ng isipan ng mga babae. Akala ba niya'y siya lang ang nasasaktan? Ako rin! Durog na durog na ang puso ko!


Isa lang naman ang hiling ko sa kaniya e. Makipagkita lang para malaman ko kung may dapat pa ba akong asahan. Tatanggapin ko naman nang buong puso kung ayaw niya na, kung ayaw niya na sa akin. Gaano ba kahirap na pagbigyan ang huli kong hiling?


Bwiset na buhay 'to! Wala na nga si Ate, nawala pa 'yong taong inaasahan kong masasandalan ko! Sana pala, namatay na lang din ako gayong halos oras-oras, minu-minuto ay pinapatay naman niya ang puso ko.


Wala talaga e. Gano'n talaga ang buhay. Hindi lahat ng taong mahal mo'y magtatagal sa iyo. Iiwan at iiwan ka rin nila. Kaya heto, alak na naman ang kaharap ko. Mabuti pa ang alak, tinutulungan akong makalimot kahit sandali lang.


"Mahal na mahal kita, Morixette! Miss na miss na kita, baby!" sigaw ko sabay lagok ng aking iniinom.


"Ahhh!"


Hindi ko mapigilang hindi magalit at maawa sa aking sarili kaya ibinato ko ang hawak kong bote sa may pader. Sa sobrang lakas ng impact nito sa pader, kung saan-saan nagtalsikan ang mga bubog nito. Mayroong dumako sa aking tabi.


Dinampot ko ito. Naisipan kong maglaslas na lang. At least, hindi na ako mahihirapan pa.


Habang hawak ko ang bubog, bigla kong nakita rito na nagliliwanag ang aking noo. Letrang Sa ang kumikinang-kinang mula roon. Hindi ko maintindihan kung para saan ba iyon. Kinusot-kusot ko ang aking noo pero hindi pa rin iyon nawala.


Tumayo ako para tumungo patungong banyo nang biglang gumalaw-galaw ang alak na natapon sa sahig. Naguguluhan ako dahil pakiramdam ko ay namaligno na ako.


Pinagmasdan ko ang unti-unti nitong pagkilos. Para bang may sariling buhay ang alak sa sahig at bigla itong nagkumpulan hanggang sa may mabuo itong pangungusap.


Mag-ingat sa basa kung buhay ay ayaw rumagasa.


Natuliro ako nang mabasa ko iyon. Ano ang ibig sabihin nito?


"Hindi ka na niya mahal, Charlie. Ipinagpalit ka na niya sa iba," bulong ng isang tinig sa aking kanang tainga.


Nagpalinga-linga ako sa loob ng aking silid ngunit wala naman akong natagpuang ibang tao rito.


"Sino ka? Magpakita ka sa akin!" sigaw ko.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon