Chapter 37

54.4K 1.9K 46
                                    

Hanggang ngayon ay nagugulumihanan pa rin kami sa kung saang hospital ba namin pupuntahan yung bata. Hindi naman namin kilala kung sino ang santong tinutukoy ng ABaKaDa na pinugutan ng ulo.


"Morx, dapat alam mo ang sagot sa tanong na iyan dahil Christian ka 'di ba? Maalam kayo sa mga ganiyan." Singit ni Jerwel habang ako'y nagninilay-nilay.


Nakahinto ang sinasakyan namin ngayon sa isang convinience store malapit sa school. Si Divine at Thirdy na ang bumili ng ibibigay namin sa bata habang kami ni Jerwel ay naiwan dito sa sasakyan.


Napangalumbaba na lang akong bigla dahil sa tinuran ni Jerwel. Oo, Christian ako pero hindi ako kagaya ni Ate Roxette na active sa church. Hindi ko kasi trip sumali sa mga ginagawa nila. At dahil wala na si Ate Rox, malimit nang magsimba ang mga magulang ko habang ako naman, nakikisimba sa mga Katoliko.


"Uy, natameme ka riyan?" Untag sa akin ni Jerwel.


"Wala 'to. Huwag mo na akong intindihin. Iniisip ko pa ang sagot kaya huwag mo muna akong guluhin." Palusot ko habang nakabusangot at nakatingin sa malamlam na kalangitan.


Kung gising na sana si Padre Santiago, malamang matutulungan niya kami. Kaso hanggang ngayon ay comatose pa rin siya.


"Guys! Guys! May good news ako sa inyo dali!" Panggugulantang ni Divine habang nagsisisigaw papalapit sa kinaroroonan namin.


"Dibina, maghunos-dili ka nga! Nagugulat ako sa mga paganiyan-ganiyan mo eh!" Pahayag ko habang nakahawak sa aking dibdib. Nagulat ako kanina sa pagratsada niya ng ganoon.


"Sorry na, excited lang naman akong ibalita sa inyo na alam ko na kung sino ang tinutukoy ng ABaKaDa." Paliwanag nito habang naghahabol ng hininga.


"Talaga? Sino?" Tanong ko habang hindi mapaglagyan ng saya ang nalukot kong mukha sa sobrang kaiisip kanina.


Humalukipkip muna si Divine bago nagsalita. "Noong tinawagan ko ang pinsan ko kanina, ang sabi niya si Juan Bautista raw yung pinapugutan ng ulo doon sa biblia." Pahayag niya.


Juan Bautista? John the Baptist? May hospital ba rito na ganun ang pangalan?


"Ah alam ko na! Sa St. John pala natin matatagpuan ang bata." Singit ni Jerwel habang nakadekwatro pa sa kaniyang kinauupuan.


St. John! Iyon nga! Kaso, medyo malayo iyon dito. Mga tatlumpung minuto ang biyahe. Lord, thank you talaga!


"Ang galing mo Jerwel!" Turan ko. Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko siya. Syempre, saglit lang. Walang malisya.


"Guys, okay na ba itong pinamili ko? Prutas, gatas at tinapay?" Bungad ni Thirdy nang makabalik na siya rito sa sasakyan.


"Oo naman, tara na, huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Para hindi tayo masyadong gabihin." Pahayag ko.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon