Chapter 70

48.7K 1.4K 586
                                    

Jerico's POV


Ano nga ba ang crush? Ang crush, siya 'yong taong hinahangaan mo. Maaaring panloob na anyo, pero madalas ay sa panlabas.


Ang mga babae, mabilis mong malalaman kapag crush niya ang isang tao. Kaming mga lalaki, kailangan mo pang pilitin para mapaamin depende sa kung anong ugali ang mayroon kami.


Ang sarap pumasok sa eskwelahan kapag naiisip mo ang crush mo. 'Yong tipong nakaw-tingin ka pa sa kaniya. Sulit na ang araw mo makita lang siya.


Sa tuwing nakikita mo si crush na may kasama siyang iba, nasasaktan ka. Kapag masaya siya sa piling ng iba, parang gusto mo nang mawala sa mundo.


Ngayon ko lang napagtanto na crush pala ang unang stage kapag nagugustuhan mo ang isang tao hanggang sa lumalim nang lumalim ang pagtingin at nararamdaman mo para sa kaniya.


Crush, siya 'yong taong kahit kailan ay hindi mapapasaiyo.


Mahirap mang isipin, masakit mang tanggapin, siya sa aki'y walang pagtingin, o 'di kaya'y pinipigilan lamang ang damdamin.


Ang hirap pala kapag na-inlove ka sa crush mo. Pero masarap sa pakiramdam kapag naging kayo.


Sa sitwasyon ko ngayon, alam ko naman na ako'y talo. Pinili na ni Morixette si Charlie at iniwan ako. Ang sakit, para bang ginugupit ang bawat ugat sa puso ko.


Umuwi akong luhaan. Para bang puso'y napaglaruan.


Para akong hilong talilong na nakaupo ngayon dito sa loob ng aking kwarto. Maliit lang ang bahay na tinitirhan ko, kasinglaki lang ng dalawang classroom ang bahay ng tita ko.


Oo, nakikitira lang ako sa tita ko. Ang mga magulang ko ay nasa probinsiya. Laking pasasalamat ko nga dahil pinag-aaral ako nina tita. May utak naman ako kahit papaano kaya hindi nagdalawang-isip ang tita ko na pag-aralin ko.


Pero totoo nga talaga ang sabi nila. Kahit na ano pang talino mo kung napana ka naman ni kupido, katangahan ang iiral sa iyo.


Mahirap umasa pero masarap magpakatanga.


Kaibigan, ang katagang masakit pakinggan kapag mahal mo'y ito'y pinabulaan.


Hanggang kaibigan na lang ba talaga? Wala na ba talagang pag-asa?


Walang ibang tao rito sa bahay. Parehong nasa trabaho pa sina tito at tita at mga 10pm pa sila umuuwi. Wala pa silang anak dahil bago pa lang silang mag-asawa. Mabilis ko silang nakasundo na parang ate at kuya lang kaya parang barkadahan lang ang turingan namin dito sa bahay.


Ang kwartong inuukupa ko ay ang kwarto ng kanilang magiging anak, soon.


Hindi ko pa rin maisipang kumain dahil nasasaktan ako kapag iniisip kong magkasama na ngayon sina Charlie at Morixette na masaya. Sobrang sakit.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon