Chapter 9

68.9K 2.6K 684
                                    

Hindi na ako nagpahatid pa kay Charlie pauwi. Baka kasi malaman pa nila na may boyfriend ako kaya minabuti ko na lang na mamasahe pauwi.


Pagkarating ko sa aming tahanan, nagulat ako kasi nandoon sa harap ng gate si Lola Alette at nakahalukipkip pa. Mukhang ako sa kaniya dahil hindi ako nagpaalam na aalis ako.


"Hija, saan ka ba nagpunta? Kanina pa ako alalang-alala sayo hindi ka man lang nagpaalam." Mahinahon niyang sambit pero alam kong nagngingitngit na siya sa galit.


Napayuko na lang ako dahil ayoko namang sagutin siya. Pero bilang paggalang, mahinahon kong sinagot ang tanong niya.


"Pasensya na po kung hindi ako nagpaalam sa inyo. Namasyal lang naman po ako saglit kasi naiinip na ako sa loob eh." Palusot ko.


"Sa susunod, magpapaalam ka kapag gagabihin ka. Tarantang-taranta ako at hindi ko alam kung saan kita hahagilapin eh." Aniya.


"Opo, hindi na po mauulit." Pahayag ko.


"Sige, pasok na sa loob." Turan niya kaya pumasok na kami.


"Lola, anong oras po ba uuwi sina Mama at Papa?" Bungad ko pagkapasok namin sa loob ng bahay.


"Tumawag kanina yung Mama mo, sabi niya mag-oovertime raw sila ng Papa mo kaya gagabihin na sila ng uwi." Paliwanag niya.


"Halika na kumain na tayo bago pa lumamig itong pagkain." Dugtong niya sabay tungo roon sa kusina.


"Ay sige po busog pa po ako Lola. Bababa na lang po ako mamaya kapag nagutom ako." Paliwanag ko.


"Sigurado ka?" Tanong niya. Tumango na lang ako bilang pagsagot.


"O sige, umakyat ka na muna at mukhang napagod ka." Aniya at tinungo ko na nga ang daan patungong hagdan.


Pagkarating ko roon, nagulat ako dahil sa unang baitang ay mayroong piraso ng cake at may nakasulat dito na letter I.


Nacurious ako sa papel na nakaipit dito kaya kinuha ko iyon. "I wanna grow old with you." Ang nakasulat. Wow, ang sweet!


Pagkapanhik ko sa susunod na baitang, letter L naman ang nakasulat sa piraso ng cake. Tiningnan ko ang papel na naka-ipit dito. "Love me like you do." Ang nakasulat. Iih, nakakakilig naman! Kanino kaya ito galing?


Sa sunod na baitang, letter O naman ang nandoon. Pagkabasa ko sa sulat, "Open the eyes of my heart." Bakit ba ganito? Kinikilig talaga ako! Para sa akin kaya ito?


Then, letter V naman. Ang nakasulat sa papel ay "Victors crown." Para saan kaya ito?


Sino kaya ang may pakulo nito? Hindi naman pwedeng si Charlie kasi hindi naman kami legal. Baka sulaklakin ako ng parents ko kapag nalaman nilang may boyfriend na ako. Bakit ba kasi ang sarap ng bawal?


Pagkahakbang ko, letter E naman. "Every move I make." Sino nga ba kasi ang may pakana nito? Hindi ko na kaya, gusto ko ng sumigaw sa kilig.


Letter Y. "Your guardian angel." Wahh! May admirer ba talaga ako?


Hindi ko magawang mag-ingay dulot ng kilig dahil nandoon lang sa baba si Lola. Kung sino man ang may gawa nito, ang sweet mo!


Sumunod naman ay letter O ulit. "Our song." Grabe ah! Ang romantic talaga nito lalo na kung may petals sa hagdan hehe. Mapapakasalan ko yung guy nang wala sa oras.


At expected ko na nga, letter U. "Unfaithful." Hala, bakit naman nagkaroon nang ganito bigla?


Akala ko tapos na pero hindi pa pala. Letter T, "This love is like.." bakit ganun? Parang ang sakit na sa pakiramdam? Parang I feel betrayed?


Sumunod naman ang piraso ng cake na mayroong letter I pagkahakbang ko. "Invisible." Parang nakakadurog na ng puso. Nakakaheartbroken tuloy.


At last, letter N. "No good in goodbye." Awts. Ang lakas humugot, feel na feel ko.


Nang pagtagmi-tagmiin ko ang mga letra, ang nabuo ko ay "I Love You Tin." Sino si Tin? At sino kaya ang may gawa nito?


"Minahal ko siya pero hindi niya ako minahal. Ang hirap talagang mamuhunan sa pag-ibig. Madalas, malulugi ka pa dahil hindi ka nasuklian." Bungad ng isang lalaki na nakaupo sa pinakadulong baitang.


Nang lingunin ko siya, nakayuko lang siya. Napansin ko ang mga luhang umaagos sa kaniyang mukha kahit sunog na sunog siya. Ramdam na ramdam ko ang sakit at hinanakit niya sa kaniya puso. Nakakadugo ng puso. Heartaches everywhere.


Nagulat ako nang bigla niya akong lingunin. "Kaya kapag nagmahal ka, huwag mong ibibigay ang 100% magtira ka para sayo para kapag sinaktan ka niya, hindi ka mahihirapang magmove on." Aniya at bigla na lang siyang nawala.


Napatigagal lang ako sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko, ako siya. Nasasaktan ako para sa kaniya. Parang hindi man lang siya sumaya dulot ng pag-ibig.


Napa-isip tuloy akong bigla. Si Charlie na nga kaya si 'The One'?

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon