Chapter 93

38.3K 1.3K 581
                                    

Isang buhay na naman ang napabayaan ko. Nakakalungkot, lagi na lang akong natatalo ni Helga.


Umihip nang malakas ang hangin at biglang sumara ang aking mga bintana.


"Huwag mong sisihin ang sarili mo, ginawa mo naman ang makakaya mo 'di ba?" sambit ng isang tinig na nakatayo malapit sa may bintana.


Napagitla ako nang makita ko siya. Isang lalaking butas ang noo at may umaagos na dugo sa kaniyang mukha. Nakaputi siyang damit at duguan din ang kaniyang magkabilang kamay. Ang bawat dugo niya'y pumapatak sa aking sahig.


Napatalukbong ako kaagad ng kumot dahil sa kaba. Hindi naman siguro siya masama.


"Lakasan mo pa lalo ang loob mo, makakaya mo ang lahat nang 'to," pahayag naman ng isang lalaking nakatayo sa aking paanan.


Napasiksik akong bigla sa may ulunan ng kama ko dahil dumoble ang nerbiyos ko sa kanila.


In fairness, may itsura itong si kuya na nakatayo sa may paanan ko. Maganda ang katawan. Kaso, may mga itak na nakatarak sa kaniyang ulo, leeg, dibdib, at tiyan. Mistulang naka-pwesto ito na parallel lines. Nakalinya, balance na balance kumbaga.


"Nalalapit na ang pagtatapos, ngayon ka pa ba susuko?" turan naman ng isang lalaking nakalutang sa may pintuan.


Tumaas bigla ang mga balahibo ko sa katawan dahil napapalibutan ang kwarto ko ng tatlong multo.


Ang lamlam tumingin ng lalaking nakalutang, para bang ang lungkot-lungkot niya. Napansin kong butas ang kaniyang ulo na para bang binaril siya.


"Kaunting hugot pa ng lakas, Morixette. Anim na letra pa ang natitira..." segunda naman ni Ethel na nakalutang sa ibabaw ko.


Para akong aatakihin sa kaniya sa gulat. Apat na multo ang kumakausap sa akin ngayon para palakasin ang loob ko. Kaso, hihimatayin yata ako sa kaba nang dahil sa kanila.


Mayamaya, nawala na ang tatlong lalaki kaya gumaan na ang pakiramdam ko. Nakakahinga na ako nang maluwag.


"Nagliliwanag ang libro, Morixette!" giit ni Ethel.


Kusang bumukas ang libro at lumutang ito sa ere.


Lulukubin ang iyong puso hanggang sa ito'y dumugo. Harapin ang katotohanan kahit na ika'y masasaktan.


Napatingin akong bigla kay Ethel dahil mukhang may nais pabulaan sa akin ang libro.


"Mas matindi at mas masakit ang pagdaraanan mo ngayon. Handa ka na ba?" aniya.


Handa na nga ba ako?


Kung anim na letra pa ang natitira, at ang isa ay nasa akin, sino pa kaya ang natitira limang biktima?


Muling nagliwanag ang libro at ito'y tumungo sa sumunod na pahina.


Kayo'y pinagbuklod-buklod,

Hindi nagpapatinag sa alululod.

Sama-sama at nagkakaisa,

Masaya kahit may problema.


Matanda na,

Uugud-ugod pa.

Dugo niya'y kumukulo sa iyo,

Siya sayo'y perwisyo.


Naghirap para iluwal ka,

Lagi mong kasangga.

Siya ang takbuhan,

Ilaw ng tahanan.


Nagbibigay ng luho mo,

Madalas strikto.

Lagi mong nasasandalan,

Haligi ng tahanan.


Kumirot ang puso ko matapos mabasa 'to.


"Kaya mo iyan, Morixette! Laban lang..." aniya at kusa na siyang naglaho.


Paano ko 'to haharapin? Ang sakit isipin at kay hirap tanggapin. Sila'y mapapahamak nang dahil sa akin.


"Ding dong!" tunog ng door bell sa baba.


"Ding dong!"


"Ding dong!"


Tatlong beses na itong tumunog pero parang wala pa ring nagbubukas.


Tiningnan ko ang orasan sa aking cellphone at 8pm pa lang pala. Imposible naman na magulang ko iyon dahil may susi naman sila ng bahay. Sino kaya iyon?


"Ding dong!"


"Ding dong!"


Mukhang natutulog na si Lola at naka-headset na naman siguro si Jaycee kaya walang nagbubukas.


Minabuti kong bumaba na lang upang tingnan kung sino ang aming bisita. Amiga lang siguro 'to ni Mama.


Nang makarating ako sa baba, kaagad ko namang binuksan ang pinto.


Nanlaki ang mga mata ko.


Isang lalaki...


Naka-gown ng kulay itim...


Si Ej...

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon