Chapter 79

42.1K 1.4K 108
                                    

Kaagad namang dinala sa ospital sina Jerico at Jerwel. Maging ako ay sumama na roon para magamot ang mga gasgas sa aking binti, braso at kamay. Medyo mahapdi ang mga galos na natamo ko mula sa baliw na Angelika na iyon.


Alam kong wala pa itong kirot na nararamdaman ko sa sakit na tinamasa ng dalawa kong kaibigan. Naaawa ako sa kalagayan nila dahil hindi biro ang natamo nila. Mapalad ako sapagkat babae ako, mukhang may habag pa si Angelika sa kababaihan kaya hindi niya ako masyadong nasaktan.


Kung tutuusin, ma-swerte lang pala ako dahil naagapan ni Jerwel ang pagpapahirap sa akin ng katulong nila. Marami pa akong haharaping problema na dala ng ABaKaDa kaya kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi ako dapat manghina. Para sa ate ko, mga kaibigan ko, at mga taong nagmamahal sa akin, hindi ako susuko.


Pagkarating sa ospital, kaagad naman nilang inaksyonan ang dalawa kong kaibigan. Ako, kaunting pahid lang ng betadine ang kailangan sa natamong gasgas ng aking balat, malayo naman iyon sa bituka.


Nang matapos linisin ng nars ang natamo kong galos, napagpasyahan kong mamasyal na muna sa loob ng ospital, maglakad-lakad kumbaga.


Alas nuwebe y medya na ng gabi, hindi ko na inisip pang umuwi sa bahay dahil sermon na naman tiyak ang aabutin ko kay Lola kapag nakita niya akong ginabi na naman ng uwi. Makakarinig na naman ako ng mga nakakarindi at masasakit na salita mula sa kaniya. Maayos naman at mabait sa akin si Lola noon pero nang mamatay si Ate, naging mainit na ang dugo niya sa akin. Minsan iniisip ko, bakit kaya nag-iba halos ang lahat nang pumanaw si Ate? May kasalanan ba ako sa kanila?


Ang ikinatutuwa ko lang sa bahay ay nakahanap ako ng kakampi, ang pinsan kong si Jaycee. Oo, noong una ay hindi ko gusto ang asta niya pero nang higit ko siyang makilala, nagkaroon ako ng kasangga sa bahay.


Tinext ko si Jaycee na hindi uuwi ngayon at kunwari ay makikitulog ako kina Divine. Hindi ko na lang sinabi na nandito sa ospital ngayon at dito na rin magpapalipas ng gabi, baka mag-alala pa iyon at mapasugod dito ang lola nang wala sa oras. Alam naman niya na kung anong palusot ang sasabihin kapag hinanap ako sa bahay. Mabuti na lang, hindi ako chinecheck ng mga magulang ko sa kwarto pagkauwi nila galing sa trabaho.


Habang naglalakad ako, hawak ko ang cellphone ko at ka-text si Jaycee. Hindi ko namalayan ang daanan kaya ilang hakbang ko lang ay may naka-bungguan ako. Dahil sa ka-enggotan at hindi pagtingin sa dinaraanan, nabitawan ko pa tuloy ang cellphone ko at nalaglag sa sahig.


"Ay sorry," sabay naming sabi.


Hindi ko siya kaagad pinansin dahil kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa may sahig. Mabuti na lang at may casing ang cellphone ko kaya hindi magagasgasan.


"Morixette?" aniya na wari mo'y nagtataka.


Kaagad ko namang iniangat ang ulo ko para malaman kung sino siya.


"Thirdy?"


"Anong ginagawa mo rito?" sabay ulit naming sambit.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon