Chapter 95

36.4K 1.3K 308
                                    

"Oo nga pala, nakalimutan nating hindi nagla-lock ng pinto si Lola! Ano gagawin natin ngayon? Kailangan natin siyang tulungan!" giit ko kay Jaycee.


"Sige, ako na bahalag umisip ng paraan. Sa ngayon, nagpalit ka muna ng damit," aniya.


Kumuha siya ng puting t-shirt sa kabinet niya at pinahiram sa akin.


Habang nagpapalit ako ng damit, nakatalikod naman siya sa akin at nakaupo siya sa ibabaw ng kama niya at nag-iisip.


"Uy, Jaycee! Ano na?" bungad ko nanag makapagpalit na ako.


"Ganito, ang plano..."


"Ahh! Tulong!" sigaw muli ni Lola.


"Jaycee! Morixette!"


"Ahh!"


"Go!" sambit naming pareho nang mabuo na namin ang plano.


Kaagad kaming lumabas ng kwarto at tinungo namin ang silid ni Lola Alette.


Nang makarating kami roon, nakabukas ang pinto at gulo-gulo ang loob ng silid niya.


Si Ej... nakapatong sa ibabaw ni Lola at may nakatakip na unan sa mukha niya na pilit na idinidiin ni Ej.


"Pagkabilang ko ng tatlo, isasagawa natin ang plano. Ready?" ani Jaycee.


"Ready!" tugon ko.


"Isa..."


"Dalawa..."


"Tatlo!"


Nang marinig ko ang tatlo, kumilos na kaagad si Jaycee papasok sa loob ng silid ni Lola at binigwasan niya si Ej.


Matapos ang pangyayaring iyon, ginawa ko na ang part ko. Tinulungan kong makatayo si Lola at kaagad na inilabas sa loob ng kaniyang silid.


Dinala ko siya sa silid ni Jaycee kaagad para maka-recover siya. Dinadaga mana ng aking dibdib, sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa pagkakataong ito.


Mabigat ang paghinga ni Lola nang dahil sa halos kapusin na siya ng hininga kaya kinuha ko siya kaagad ng tubig.


"Morixette, ano bang nangyayari a?"


"Mamaya ko na po ipapaliwanag," ani ko at kaagad na lumabas ng silid para kumuha ng tubig.


Naririnig ko ang pakikipagbuno ni Jaycee kay Ej kahit na parang nahihirapan siya.


Kaagad kong pinuntahan si Lola nang makakuha ako ng tubig. Kaso, nasa bukana palang ako ng pinto nang mapansin kong nagliliwanag ang noo niya.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon