Chapter Sixty Five

449K 9.9K 1K
                                    


 PARANG huminto ang tibok ng puso ni Callan. Sigurado siya doon. Sobrang naging mabilis ang pangyayari. Tumakbo papunta ang kanyang asawa. Hindi agad niya nahabol dahil sa pagpigil ng kanyang ina. Ngunit sa paglingon niya, nakita niya itong nahulog sa hagdan. Umalpas ang tili sa kanyang ina, pero parang hindi niya iyon naparinig.

"Kira.."

"Aray ko.." Nakapikit ang mga mata ng asawa at bakas ang sakit sa magandang mukha nito. Tila namanhid ang buong pagkatao niya. Nanginginig ang kamay niya, at nararamdaman niya ang pagdaloy ng lamig sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Sa nanginginig na boses ay tinawag siya nito. "C-Callan.."

"Oh, my God!" boses ng kanyang ina sa likod niya. "Dinudugo siya!"

Nanlaki ang mata na napatingin siya sa hita nito. Tama ang ina. May dugong dumadaloy sa mga hita nito. Mabigat na bumuos ang dugo sa ulo ni Callan at tinudyo ng takot ang kanyang sikmura. Pero hindi niya pinansin ang nararamdaman. Hindi niya iyon dapat bigyang pansin. Kailangan niyang mag-focus sa sitwasyon ng asawa.

"Anong masakit? Kira, answer me. Anong masakit?"

"Ang tiyan ko.." Napapangiwi na hinaplos nito ang tiyan. Nakita din niya na tumama ang ulo nito sa tiles kaya nakakasigurado siyang nahihilo ito. Mabilis na binuhat niya ito. "Dadalhin kita sa ospital. Please, don't close your eyes, hon. Look at me." he said, his voice rough but trembling.

Tumango ito. Isinakay niya ito sa kanyang kotse. Nakita niya na nakaparada pa rin ang sasakyan na dala ng kanyang Mommy. Sumunod ito sa labas. Nang tingnan niya ang mukha ng ina, nakita niya ang guilt na nakalarawan sa mukha.

Mapait na ngumiti si Callan. Hindi iyon ang tamang oras para sumbatan n'ya ito. Nanganganib ang buhay ng mag-ina niya. Iyon ang dapat niyang isipin.

Dinala niya si Kira sa malapit na ospital. He waited outside the room. Lihim na nagdarasal. Ang tanging konsolasyon na lamang niya sa sarili na hindi mapapahamak ang kanyang mag-ina ay ang isipin na malakas ang kanyang asawa. Hindi niya alam kung ilang oras siyang naghintay.

"Mr. Fontanilla.." tawag ng isang boses na nagpaangat sa kanyang mukha. Napatayo siya nang makita ang doctor na sumuri kay Kira. Agad niyang naramdaman ang lamig na dumaloy sa kanyang mga ugat. Parang bumuhol ang kaba sa puso niya, pumulupot ang takot doon.

"Doc, k-kumusta na po ang asawa ko?"

"Maayos na ang kalagayan ng asawa mo, Mr. Fontanilla. But unfortunately, hindi maganda ang resulta ng pagkakahulog niya sa hagdan."

Napakurap siya. "W-What do you mean, Doc?"

Bumuntong-hininga ito at nagsalita, "She lost the baby. I'm sorry."

Tila punyal na tumarak sa dibdib ni Callan ang sinabi nito. Nanginginig ang kamay na naisuklay niya ang buhok at marahas na bumuga ng hininga.

 Parang gusto niyang manuntok at manakit.

 Ngunit nangibabaw ang sakit na naramdaman niya sa pagkawala ng buhay na binuo nila ni Kira. Namalayan na lamang niya ang pag-iinit ng mga mata, kasunod niyon ay ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi niya.


 UNANG bumungad sa paningin ni Kira ang puting kisame sa pagmulat niya ng mga mata. Humugot siya ng hininga at remihistro sa pang-amoy niya ang nakakahalinang panlalaking pabango na tanging sa asawa niya naaamoy. Slowly, bumaling siya sa kaliwang bahagi ng kama.

Naroon si Callan. Nakapikit ang mga mata at natutulog. Napakunot-noo siya nang makita ang bakas ng natuyong luha sa pisngi nito.

 Umiiyak ba ito?

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon