Chapter Forty Eight

452K 10.9K 373
                                    


 "ANO ang ginagawa ng babaeng 'yan dito?"

Nanigas ang katawan ni Kira sa biglang pagtaas ng boses ni Mrs. Fontanilla. Awtomatikong napakapit siya kay Callan, tila batang nagtatago mula sa kaaway. Sunod-sunod na napalunok siya habang dinadagsa ng kaba ang dibdib niya. Ito na ba ang sinasabi ng kanyang ina? Mukhang hindi ito nagkakamali.

 Naramdaman din niya ang paninigas ng katawan ni Callan, waring nabigla sa disgustong nakalarawan sa mukha ng ginang. Noon lang niya napansin ang talim sa mga mata ni Mrs. Chavelly Fontanilla. May pagkamuhi na nakaguhit sa mukha nito. Para saan? Ano ang ginawa niya dito?

 Nagsalita si Callan. "'Ma naman. Anong klaseng tanong 'yan?"

 Naningkit ang mata nito. "Tinatanong lang kita kung ano ang ginagawa ng babaeng 'yan sa pamamahay natin, Callan."

 Nahigit niya ang hininga. Kahit hindi siya humarap sa salamin para tingnan ang sariling mukha, nakikita niya sa isip ang pagtakas ng kulay doon.

 "Chav, don't do this. Calm down." Hinawakan ni Mr. Fontanilla sa braso ang asawa at binigyan ng nagbababalang tingin. "May bisita tayo. Huwag ngayon."

Tiningnan ni Chavelly ang asawa at marahas na humigit ng hininga. Tumalikod ito at hindi nagsalita. Lumipad ang tingin ni Mr. Fontanilla sa kanya, binigyan siya nito ng tingin na tila humihingi ng pasensya.

 Nanginginig na humugot ng hininga si Kira at tumingin kay Callan. May tensyon pa rin sa mukha nito at sa paraan nito ng pagkakatiim-bagang, alam ng dalaga na may problema. Ofcourse, there's a problem. She's not idiot. Base sa reaksyon ni Chavelly Fontanilla, hindi siya nito gusto. Hindi lang sa anak nito kundi sa pamamahay nito.

 Napansin din ni Kira ang kakaiba sa paraan ng pagtingin ng dalawang bisita sa kanya. They looked at her like she was just a maid. Oo, naging katulong sila sa bahay nina Callan years ago. Pero hindi na ngayon.

 Parang gusto niyang umatras.. Tumakbo paalis sa lugar na 'yon. Subalit mahigpit ang hawak ni Callan sa kamay niya. Tila nangangako na hindi siya bibitawan hanggang sa huli at hindi aalis sa tabi niya kahit na ano pa man ang mangyari.

 "I'm sorry for that, hijo. Nabigla lamang ang Mama mo."

 "Why?"

Sumulyap si Mr. Fontanilla sa dalawang bisita. Pagkatapos ay pinasunod sila sa sala. "Because Brena and Brittany is joining us tonight.."

 "What's the problem with that? Hindi naman makakaapekto si Kira kung nandito silang dalawa. You tell me to bring my girlfriend in our family dinner, Dad. Pero bakit ganoon pa ang reaksyon ni Mama?"

 Nag-iwas ng tingin si Mr. Fontanilla.

 "Pa, tell me if there's a problem. Tell me what's wrong?"

 Hindi nakasagot si Mr. Fontanilla. Pakiramdam niya ay may itinatago ito o di kaya ay ayaw nitong ipaalam ng diretsahan sa kanila na ayaw ng mga ito sa kanya.

 Hindi na napigilan ni Kira ang tensyon. "Callan,  okay lang naman kung ayaw ng Mama mo na makita niya ako dito sa bahay n'yo. Uuwi na lang ako."

 Tumingin sa kanya ang binata at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "You're not leaving alone, Kira." Muli itong humarap sa ama, may galit siyang nakikita sa mga mata nito. "Hindi ako naniniwalang walang problema si Mama kay Kira. She wouldn't react that way kung wala. Kung ayaw niyo sabihin sa akin ang totoo, aalis na kami."

 Ngunit bago sila makalabas ng mansyon, pumihit pabalik si Callan. Dahil hawak nito ang kamay niya at tila wala siyang balak bitawan, nagpatianod na lang ang dalaga. "Bakit?" tanong ni Kira. Napansin niya ang maliit na ngisi sa labi ni Callan.

 "Oh, i forgot to tell you the good news, Dad."

 Nagsalubong ang kilay ni Mr. Fontanilla. "What is it?"

 "Kira's already pregnant. You are going to be a grandfather. Cheers to that!"

Pareho yatang nalaglag ang panga nila ng ama ni Callan.




"WHY DID you have to tell him that?"

"Tell him what?"

"Tell him that i'm pregnant. I'm pretty sure mas silang magugulat." pagkompronta ni Kira kay Callan habang nasa kotse na sila pauwi sa bahay. Maluwag na rin ang dibdib niya nang makalayo sa mansyon. She realized now that her mother was right. Pero may mga tanong pa rin sa isip niya.

 Why? Kilala naman siya ni Mrs. Fontanilla. Pero kung tingnan siya nito kanina ay parang may atraso siyang nagawa. Wala siyang naaalala na may nagawa siyang mali noon sa mansyon ng mga Fontanilla.

 "Mabuti na 'yong alam nila na wala na silang magagawa kung sakaling ipilit nila ako kay Britanny."

Nagsalubong ang kilay ni Kira at bumaling sa nobyo. Seryosong nagmamaneho ang lalaki. Walang kislap sa kulay asul na mga mata nito tulad ng lagi niyang nakikita. His blue eyes were dark, it reminded her of a beast silently stalking it's prey.

 "They are not ready. Gulat na gulat ang papa mo bago tayo umalis."

 "I know, hon. Intensyon ko na gulatin sila. Tulad ng sinabi ko, mas makakabuti na alam na nila ang bagay na 'yon. Hindi na nila ako mapipilit pa kay Britanny."

 "Britanny? Siya ba 'yong isang babae kanina na kasama ng parents mo? She's pretty." Prettier than her. Saglit lang na sinulyapan niya ang babae. Pero masasabi niyang maganda ang babae. Bagay dito ang pangalan nito dahil halata naman sa mukha nito na may lahing banyaga ang babae. Isa pa, kulay asul ang mga mata ng babae.

 Hindi na siya nagtataka kung gusto ito ng mga magulang ni Callan. The two of them looks perfect together. They would be a lovely couple.

 Napalunok si Kira. Iniisip pa lang niya ay parang tinatarakan na ang dibdib niya ng isang libong punyal.

 "Yes. And the other woman is her mom, Tita Brenda."

 "Mukhang close sila ng Mama mo."

 "Yeah. She's my mom's bestfriend when she was still living in California. Nawalan lang sila ng kontak noong maging sila na ni Dad. Pero nagkita ulit sila after eleven years sa U.S nang magbakasyon si Mama mag-isa."

 Tumango si Kira. "At hindi na ako magtataka kung bakit ayaw nga siya sa akin." pabulong na wika niya, may pait sa tinig.

 Hindi nagsalita si Callan. Hindi niya alam kung narinig nito ang sinabi niya o talagang pinili na hindi na sumagot.

 Mas gusto siguro ng ina ni Callan na mapapunta ang anak nito sa anak ng bestfriend nito. Alam niyang mahal siya ni Callan. Nakakasigurado na siya sa pagmamahal nito. Ngunit hanggang saan kaya ang magagawa nito para sa kanya? Dadating din ang oras na kakailanganin ni Callan na pumili. Kung siya o ang ina nito. Aminado siyang wala siyang laban sa mga magulang ng binata kung sakaling magkagipitin. Ano ba ang mayroon siya? Isang maliit na negosyo.

 Eh, ang mga magulang ni Callan? They have empire. They have everything. Magagawa ng mga ito ang kahit anong gusto.

 Nag-init ang mga mata niya. Bumaling siya sa labas ng bintana ng kotse, pinipilit ignorahin ang tensyon sa dibdib.

 Ngiti. Kailangan niyang ngumiti. Hindi maganda sa baby niya kung magpapadala siya sa mga negatibong isipin. Banayad na hinaplos niya ang tiyan.

 Then, she closed her eyes.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon