Chapter One

1.1M 21.8K 2.2K
                                    


"KIRA, sweetheart. I'm really sorry, pero hindi na ako makakasipot sa usapan natin."

 "Oh? Bakit hindi na naman?"

 "Paperworks. May hinahabol akong deadline at kailangan na kailangan ko na itong tapusin. I'm sorry, sweetheart. Pangako, babawi ako sa 'yo sa oras na matapos ko na ang lahat ng humahadlang sa date natin. Okay?"

 Inintindi ni Kira ang mga dahilan ng nobyo niyang si Jiro kahit na labis-labis na ang pagtatampong nararamdaman niya dito. Anniversary nila kagabi bilang magkasintahan. Dapat ay pinagdidiwang nila iyon ng magkasama, nagde-date sa isang mamahaling restaurant. Three years na sila ng nobyo.

 Kung tutuusin ay napakatagal na ng relasyon nila kumpara sa ibang mag-jowa na wala pang kalahating taon ay naghihiwalay na. Masuwerte sila ni Jiro na nakatagal sila ng tatlong taon.
 

 Ngunit sa bawat pagdaan ng araw napapansin ni Kira na tila unti-unting nawawalan ng oras sa kanya ang nobyo. Hindi naman ito ganoon dati. Kahit sangkatutak ang trabaho nito sa opisina ay nagagawa pa nito na isingit ang date nila. Nagagawa pa nitong tawagan siya ng mahabang oras.

 Hindi tulad ngayon.

 Kung hindi siya ang tatawag dito, hindi siya nito maaalala.

 Hindi alam ni Kira kung bakit parang nararamdaman niya na nababalewala na siya ni Jiro. May hinalang nabubuo sa dibdib niya, ngunit ayaw niyang bigyan iyon ng ibang kahulugan. Alam niyang hindi ganoong uri ng lalaki ang nobyo niya. Kaya nga sinagot niya ito noon. Sa lahat ng lalaking nakilala niya, si Jiro ang pinakamatino.

 Alam niyang malabo na magloko ito. Siya lang ang nasa puso nito at wala ng iba pa.

 Bumangon siya sa kama at tinawagan ang nobyo. Nang hindi ito sumagot ay itinext na lang niya ito.
 

Good morning, sweetheart! Busy ka pa rin ba mamaya? 

 Natutulog pa ito panigurado kaya hindi na siya naghintay na magreply agad ito. Lumabas muna siya sa bahay para mag-jogging. Naka-ugalian na niyang gawin ang bagay na 'yon para mas gumanda ang kalusugan niya.

 At saka iyon ang bilin sa kanya ng doctor niya para hindi madaling ma-stress. Sa dami ng kailangan niyang asikasuhin sa resto, dapat din niyang ingatan ang kalusugan niya.

 Napangiti si Kira nang dumampi sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng pang-umagang hangin. What a beautiful mor---.

 "Mukhang maganda ang gising ng binibini."

 Awtomatikong nawala ang ngiti ni Kira nang marinig ang boses na 'yon. Lumipad ang tingin niya sa lalaking nakatayo malapit sa kanya. Bad morning, nasabi niya sa sarili. The man is no other than Callante Fontanilla, ang blue-eyed devil niyang kapitbahay forever.

 Umasim ang mukha na pinadaanan niya ito ng tingin. Wala na namang pang-itaas ang mokong kaya nakabalandra na naman sa kanya ang matipunong pangangatawan nito. Walang araw yata na hindi niya ito nakikitang walang pang-itaas. Malapit na nga niyang masaulo ang bawat sulok ng katawan ni Callan.

 And damn those hard muscles!

Tuwing kaharap niya ito, pakiramdam niya ay nanliliit siya.

 "Ingat lang sa pagtitig. Baka matunaw ako n'yan."

Tumaas ang kilay ni Kira sa nakakalokong ngisi na gumuhit sa labi ni Callante. Sinalubong niya ang kulay asul na mga mata nito at pinameywangan. "Sa totoo lang, hindi ako ang dapat na sinasabihan mo n'yan."

 "And why?"

 "Dahil hindi naman kita tinitingnan ng malagkit gaya ng mga babae mo na kung saan-saan mo lang napupulot, Callan. At kung ayaw mo na may natitig sa 'yo, magsuot ka ng damit."

 Nginitian niya ito at nagsimula nang tumakbo. Bago pa tuluyan siyang mawala sa mood. Ayaw na ayaw talaga niya ang nakakausap si Callante. Pakiwari niya ay walang matinong patutunguhan ang mga pag-uusap nila. Minsan na niyang natagpuan ang sarili kasama ang lalaki sa barangay hall.

 Mula pa noon ay inis na inis na siya sa lalaki. Hindi niya alam kung ano ang malala na ginawa nito sa kanya para mainis siya ng ganoon dito.

 Parang gusto lagi niyang burahin ang mukha nito, lalo na kung lantaran itong nakikipaglandian sa mga babae nito sa harap ng bahay nito. Magkaharap ang kanilang bahay kaya tuwing nakabukas ang bintana niya. Ang nakakainis pa sa lalaking ito, hindi yata alam ang salitang privacy.

 Aba, minsan na niya itong nakita na naghuhubad sa loob ng kuwarto nito. Saktong napasilip siya sa bintana nito na kaharap lang ng kwarto niya. At ang nangyari, nakita niya ang hindi dapat makita! Ang malala pa, nakita siya ng lalaki na nakatingin dito. Nagawa pa siyang kindatan ng hudyo!

 Hanggang ngayon kapag naalala niya, parang nag-aapoy sa init ang mukha niya. Dalawang buwan na ang nakakaraan mula ng mangyari iyon, pero siya itong hindi maka-move on.

 Naramdaman ni Kira ang pagsabay sa kanya ni Callante. Tanginang lalaki to. Hindi talaga siya nito lulubayan hangga't hindi siya nito nakikitang asar talo. Pinukol niya ng matalim na tingin si Callante.

 "Agang-aga, bakit ba ang init ng ulo mo, babe?"

 "Don't call me babe, Callante. I'm not your babe." madiing sabi niya.

Ngumisi lamang ang binata. "Ayos, kanta 'yon ni Lady Gaga, di ba? Fan ka pala?" anito na sinundan ng pagkanta ng "Alejandro".

 Napabuga ng hangin si Shakira, nagsimulang manggigil sa inis.

 Tumigil siya sa pagtakbo at hinarap ulit ang lalaki.

 "Ano bang problema mo sa buhay, Fontanilla?"

 "Problema ko? Wala naman. Baka ikaw, may problema d'yan." Then, he chuckled. Napatiim-bagang si Kira. "Tungkol ba sa love life? Or sex life? Puwede mo akong kausapin 'dyan. O hingan ng payo kung paano magkakaroon ng healthy sex life."

 Nagsalubong ang kilay niya. "That's bullshit! Kung may problema ako sa love life ko, wala ka na doong pakialam!"

 "E, sa sex life?" namimilyong tanong nito.

Nag-init ang pisngi niya. "Wala ka rin doong pakialam!"

 Malakas na humalakhak si Callante. "Hindi naman sa gusto kong makialam. Nag-aalala lang ako sa 'yo. Ayaw lang kitang nakikitang ganyan."

 Naningkit ang mga mata ni Kira. "Anong gusto mong sabihin? Anong ganyan?"

 "You know what i mean, babe."

 "Sinasabi ko sa 'yo, don't call me babe."

 "E, di sweetheart na lang."

 "I'm not your sweetheart. Alam mo, Callan, kung wala kang malandi--" Pinutol ni Callante ang balak niyang sabihin.

 "Look, Kira. I'm not flirting with you, okay? I'm just worried. Lagi na lang mainit ang ulo mo kapag nakikita ako. Ano ba ang kasalanan na nagawa ko sa 'yo? Wala naman, di ba?"

 Natameme siya. Mga ilang segundo ang lumipas bago niya magawang makapagbitaw ng salita. "Okay. Wala ka na bang ibang sasabihin?"

 "Meron pa."

 "Ano 'yon?"

 "I saw your boyfriend last night... with another woman."

Pekeng tumawa si Kira, malakas. Seryoso ang mukha ng binata, ngunit hindi niya magawang maniwala.

 "Bakit ka tumatawa?"

 "Bakit hindi? Hindi ba joke 'yon?"

 "I'm not joking, Kira."

She laughed again. "Alam mo, Callan. Minsan nakakatawa ka. Madalas nakakairita. May tiwala ako sa boyfriend ko. Kumpara sa 'yo, matinong lalaki 'yon at hindi magloloko. Kaya huwag mo siyang sirain sa akin. Dahil hinding-hindi ako maniniwala sa mga pakulo mo. Okay? Good morning."

 Pagkatapos ay nilagpasan na niya ito. Walang dahilan para maniwala siya sa pinagsasabi ni Callan. Kung meron man siya na dapat pagkatiwalaan, si Jiro lang 'yon. Wala ng iba.

 Bago pa siya tuluyang makalayo ay narinig niyang nagsalita ulit ito. "Nanakawan ka na, hindi mo pa alam."

 Napakunot-noo si Kira.  Anong ibig nitong sabihin?

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon