Chapter Fifty

459K 10.9K 368
                                    



 NANIGAS ang katawan ni Kira at parang tinakasan ng kulay ang buong mukha niya. "M-Ma.. P-Pa.." nauutal niyang sambit.

 Maang nakatitig sa kanya ang ina, namumula ang buong mukha nito. Her mother's eyes were asking. Nag-iwas siya ng tingin. Ang atensyon naman ng kanyang ama ay na kay Callan. Parang gusto niyang takpan ng kumot si Callan at itago sa mga magulang niya.

 Ngunit huli na ang lahat.

 Nahuli na sila ng mga ito. Buking na siya. Nakagat niya ang ibabang-labi.

 Kill her now please.

 Alam niya na kahit hindi siya magpaliwanag, may namumuong hinala na sa utak ng mga ito. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano 'yon. Parang lalamunin ng kaba niya ang buong paligid. Kung maaari lang bumukha ang lupa at kainin na siya niyon upang matakasan niya ang eksenang iyon. God, she's not ready for that!

  Nagsalita ang kanyang ama. "Anong ibig sabihin nito, Kira?" Puno ng kaseryosohan ang mukha nito, pati na rin ang boses nito.

  "Pa, magpapaliwanag ako." mabilis na sabi niya. Bumaling sa kanya si Callan. Kung may takot na nakalarawan sa mukha niya, may nakikita naman siyang tila pigil na ngiti sa labi nito. Damn him! Nag-eenjoy ba ito sa sitwasyon niya? Ang walanghiya!

 Pigil-pigil niya ang sarili na irapan ito.

 Tumango ito, seryoso pa rin. "Mabuti. Sumunod na kayo sa kusina. Mag-almusal muna tayo." 

 Inakbayan nito ang mama niya na parang natulos na yata sa kinatatayuan, at pinihit pa sa balikat para sumabay na dito sa pagbaba.

 Malalim na humugot si Kira ng hininga. Ipinikit niya ang mga mata at tinakpan ng palad ang pisngi. 

 Ano na ang gagawin niya?

 "So, wala kang balak na ipakilala ako sa mga magulang mo bilang nobyo mo. Gusto ko tuloy isipin na ikinakahiya mo ako."

Lumipad ang tingin niya kay Callan. May mapanganib na ngiti sa labi nito at parang hindi nagugustuhan ang inaakto niya. Bigla ay parang inatake siya ng konsensya niya.

 "Hindi kita ikinakahiya," mabilis na tanggi niya.

 Bumaba ito sa kama at puno ng kaseryosohan na tumitig sa kanya. "Kung hindi mo ako ikinakahiya, bakit hindi mo pa ako ipakilala? You want me to hide. Hindi ako ipinanganak kahapon, Kira. Malinaw sa akin na kaya gusto mo akong magtago ay dahil ayaw mo akong ipakilala sa mga magulang mo."

 Napalunok siya. Rinig niya ang pagtatampo sa boses nito. Nagbukas-sara ang bibig niya. Damn it, she don't know what to say. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kay Callan.

 "C-Callan..."

 Tinalikuran siya nito at pinulot ang pantalon sa ibaba ng kama. Isinuot nito iyon, pagkatapos ay hinagilap sa ibabaw ng side table ang itim na sando. Tinapunan siya nito ng isang sulyap. His eyes could melt steel at kapag ganitong hindi maganda ang mood ng binata, parang gusto niyang takasan ito. Tila kulay asul na apoy ang nakikita niya sa mga mata nito.

 "Sumunod na tayo sa kanila. Your parents are waiting for us." Walang lambing sa tono nito at parang gusto niyang magsisi na pinagtatago pa niya ito kanina.

 He's mad at her.


 "KAILAN pa ang relasyon n'yo?" malumanay na tanong ng kanyang Papa. Tahimik lamang ang kanyang mama habang kumakain. Pero nararamdaman niya na gumagana ang tenga nito at pinakikinggan ang mga sagot nila ni Callan.

 Nasa hapag sila at kasalukuyang nag-aalmusal. Hindi lang alam ni Kira kung almusal ba iyong matatawag o komprontasyon. Hindi niya manguya ng husay ang kinakain. Pinakikiramdaman niya si Callan. Inalalayan siya nito sa pag-upo. Ang binata pa ang naglalagay ng pagkain sa plato niya at inaasikaso siya nito na parang tunay na maybahay nito. Sa mga mata ng magulang niya, sweet ang gesture nito.

 Pero ramdam pa rin ng dalaga ang tensyon sa pagitan nila ni Callan. Nararamdaman pa rin niya ang paghihinakit nito sa mga nasabi niya kanina.

 "M-Malapit na po kaming mag-two months pa," nag-stammer pa si Kira sa pagsagot.

 "Dalawang buwan?"

 "Yes, Sir." magalang na pagkumpirma ni Callan.

 "At nagsasama na kayo?"

 "Yes, Sir."

Nanlalaki ang mata na napatingin siya kay Callan. Nagkatingin ang kanyang mga magulang, kapwa may gulat sa mga mukha.

 "And Kira's already pregnant, Sir."

Napasinghap si Kira. "Callan."

 Bumaling ito sa kanya. "What? Hon, napag-usapan na naman natin ito, di ba? Sasabihin na rin natin sa kanila na buntis ka na?"

 "T-Totoo ba 'yon, anak?" tanong ng mama niya.

Lumunok siya bago tumango. "Totoo 'yon, 'Ma."

 Katahimikan. Ilang segundong tila tumigil ang pag-ikot ng mundo.. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Pero naririnig niya ang paghinga ng tatlong taong kasama niya doon.

 Mariin siyang napapikit.

"Excuse me." Tumayo ang kanyang ina at lumabas ng kusina.

She called her mother. Hindi ito lumingon. Tumingin si Kira sa ama at kay Callan bago sundan ang ina. Naabutan niya ito sa harap ng bahay, sa maliit na hardin niya kung saan nagkakape siya tuwing umaga.

 Nakatayo ito at nakatungo, waring nag-iisip ng malalim.

"'Ma." tawag niya.

 "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo ito, Kira. Pero nakakasigurado ako na hindi ka matatanggap ni Chavelly. Kinamumuhian niya tayo. Hindi niya kayo hahayaan na maging masaya."

 Naguguluhan na hinarap niya ito. "Ano ba'ng problema, 'Ma? Bakit siguradong-sigurado ka sa bagay na 'yan? Iyan ang hindi ko maintindihan. Bakit hindi puwede? Wala akong nakikitang mali sa relasyon namin ni Callan. Wala kaming tinatapakan ibang tao para tumutol siya."

 Malalim na humugot si Reina ng hininga at tiningnan siya ng tuwid sa mga mata. "Dahil galit siya sa akin."

 "Huh?" Napakunot-noo ang dalaga at mas lalo pang naguluhan. "Bakit siya magagalit sa 'yo, 'Ma? Di ba, okay naman kayo noong umalis na ka na sa pagsisilbi sa mga Fontanilla?" Gusto niyang sabihin dito na muli niyang nakita ang mga magulang ni Callan at hindi naging maganda ang resulta nun. Pero mas nanaig ang kuryosidad n'ya na malaman ang mga dahilan ng ina niya.

 Nag-iwas ito ng tingin. "May mga bagay na hindi ka na dapat pang malaman, anak. Mabuti pa na huwag mo na lang alamin dahil hindi ako sigurado kung mas makakabuti 'yon para sa 'yo."

 "'Ma!" Napailing si Kira."Mas lalong hindi ko maiintindihan kung bakit ayaw sa akin ni Mrs. Fontanilla kung ayaw niyong sabihin sa akin kung ano ang nalalaman mo. Mas lalo akong naguguluhan. Right now, i'm totally clueless! Hindi ko sinabi sa inyo agad na buntis na ako dahil inaasahan ko na ang magiging reaksyon n'yo."

 "Iyon na ang tinutukoy ko, 'nak. Buntis ka. Hindi makakabuti sa 'yo kung malalaman mo pa ang puno't dahilan ng lahat ng ito."

 Napatiim-bagang si Kira. "Malaki na ako, 'Ma. Kung ano man yang itinatago mo, siguradong makakarating din sa akin." Walang sekretong hindi nabubulgar. Gusto sana niyang isundo pero itinikom na niya ang bibig.

 Natatakot siya na baka ang usapan na 'yon ay pagmulan pa ng di nila pagkakaunawaan.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon