Chapter Thirty Nine

727K 14.3K 769
                                    


 "CALLAN, stop it!" Natatawang itinulak ni Kira si Callan habang nakapatong ito sa kanya at pinaliluguan siya ng halik sa leeg. Hindi lang pala sa leeg, kundi pati na sa dibdib niya. At ang walanghiya, sinasadya talagang mag-iwan ng marka sa bahaging iyon ng katawan niya.

 Pagkatapos ng namagitan sa kanila ng binata sa likod ng sasakyan nito, nawala na ang tampuhan sa pagitan nila. Tanggap naman niya kung nagseselos si Callan. Tanggap niya kung sino ito at kung ano ang kaugalian ng lalaki. Pero sa itinagal ng pagkakakilala niya dito. Ngayon lang niya napatunayan na may pagkaseloso pala talaga ito.

 Wala naman siyang problema doon. Siguro, dapat lang na bawas-bawasan ng binata 'yon. Isa pa, may kasalanan rin naman siya. Hindi na siya dapat sumagot. Hindi na niya dapat pinagtanggol si Hunt dahil tunay naman ang sinabi ni Callan. May gusto sa kanya ang kaibigan.

 Ayaw lang siguro niya na mawala ang respeto niya kay Hunt. He was still a friend.

"Ano ba, Callan! Tumigil ka nga!" Napahagikhik siya nang kilitiin pa siya ng mokong. Malakas ang kiliti niya sa tagiliran.

 Nakapatong si Callan sa kanya habang patuloy ito sa kapilyuhan. Wala silang saplot habang nakahiga sa kama nito, sa loob ng kwarto nito sa bahay baksyunan na pag-aari nito.

 Ngayon lang niya nalaman ang pagkakaroon nito ng rest house sa Laiya.

 Noong sila pa ni Jiro, madalas nila mapag-usapan ang tungkol sa pagbabakasyon doon. Bukod kasi sa kilala ang beach resorts doon, maganda naman talaga ang lugar na 'yon. Minsan na siyang nakapunta doon nang umattend siya ng team building noong nasa kolehiyo siya. Hindi niya malilimutan ang experience niya sa Blue Coral. Binabalik-balikan pa rin niya ngayon ang mga pictures na kuha n'ya noon.

 Napatili si Kira nang bumaba ang labi ni Callan sa pusod niya at pugpugin siya ng halik doon. "Callan, tama na! Hindi ka na nakakatuwa, ha!" saway niya sa binata, pero nasundan pa rin ng tawa. She couldn't help it. He was teasing her so bad.

Nakangising nag-angat ng mukha si Callan. "Hindi ako nakakatuwa? Talaga lang?"

"Oo!"

 Muli nitong kiniliti ang tagiliran niya kasabay ng pagpugpog nito ng halik sa sikmura niya. Umalpas na naman ang tawa sa bibig niya.

 Mayamaya pa ay gumanti na din siya ng kiliti sa binata hanggang sa mauwi iyon sa isang mainit na sandali.

 Every second, every minute, every moment with him is precious. Hindi niya maitatanggi iyon. Sa mga titig nito, alam niyang ganoon din ang nararamdaman nito para sa kanya.

"Kailan mo nabili 'yong property ng rest house mo?" ang tanong ni Kira kay Callan habang kumakain sila ng hapunan sa isang restaurant. Kung hindi pa yata narinig niyang tumunog ang tiyan, hindi pa niya maaalala na hindi pa siya kumakain. Mabuti na lamang at may bagong tayo na resto na malapit sa bahay bakasyunan ni Callan.

"One year ago." kaswal na sagot ni Callan pagkatapos lumunok. "Unang kita ko pa lang kasi sa bahay, nagustuhan ko na 'yon. At malapit din siya sa dalampasigan kaya naisip ko na bilhin agad sa may-ari 'yon."

"Nasaan na ba 'yong may-ari?"

"Nasa ibang bansa na nakatira. Kaya nga mabilis na naproseso ang pagbili ko sa property na 'yon. Actually, di pa nga alam nina Mama ang tungkol doon. Hindi ko pa nasasabi."

"Bakit naman?"

 Ngumisi ito. "Lagi lang nila akong tatanungin kung may dinadala akong babae doon. Tulad na lang nang bigyan nila ako ng condo unit noong college ako, lagi nila akong kinukulit. Si Mama pa ang nangungunang nag-uusisa." Tumawa ito at umiling-uling.

"Eh, meron ka ba namang dinadala sa rest house mo?"

"Hmm.. Marami-rami na din."

 Dumiin ang hawak ni Kira sa kutsara't tinidor at pinaningkitan ng mata si Callan. Mabilis na nagdilim ang mukha ng dalaga. "Anong sinabi mo?"

Nakakalokong ngumiti si Callan. "Narinig mo ang sinabi ko."

"Nagdadala ka ng mga babae mo doon, tas dadalhin mo din ako doon? Kung saksakin na kaya kita ng tinidor?" asik niya sa binata.

 Kumikislap sa kapilyuhan ang asul nitong mga mata at parang kaysarap nga nitong tusukin. Kung hindi lang siya nanghihinayang sa mukha nito at hindi siya patay na patay doon, baka nagawa na niya.

 Kaso ang problema nya, napapansin niya lately na parang gusto niyang panggigilan ang pisngi ni Callan tuwing nakikita nya ito, o di kaya ay tumingin sa kulay asul nitong mga mata.

 Ganoon lang siguro ang senyales kapag gusto mo talaga ang isang tao, di ba? At ngayon na narinig niya mismo sa bibig nito na may dinadala itong mga babae noon sa rest house nito, parang gusto niyang pumatay ng human being.

"Sagutin mo ako, Callan. Ano?"

Amused na ngumuso ang binata. "Kapag sinabi kong oo, magseselos ka?"

"Hindi. Makakatikim ka lang sa akin!"

"You're jealous." That's not a question. Palagi naman. "With the idea na may dinadala akong mga babae sa rest house."

Nag-init ang pisngi niya. Para siyang mamatay sa pagkahiya. Pero hindi ba iyon naman ang totoo? Tila biglang tumaas sa ulo niya ang lahat ng dugo nya sa katawan nang marinig n'ya dito iyon.

"Kung nagseselos nga ako, do you have problem with that?" asik pa niya sa binata.

"I have no problem with that, honey. I would be happy if you are because that only means one thing. You love me as much as i love you." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya at mabilis na kinintalan siya ng halik sa labi.

Napatanga siya.

Nag-init ang pisngi niya kapagkuwan. He was just so sweet. "Is that true?" tanong niya. Tila hindi kasi tanggapin ng utak niya kung totoo man ang sinabi nito kanina.

Umiling si Callan. "Sinabi ko lang 'yon para malaman ko kung ano ang magiging reaksyon mo."

Sumimangot siya. "Sinadya mo 'yon sabihin para pagselosin ako?"

"Well.." Napakamot si Callan sa batok. "Let's say i did that to make you jealous."

"And it was successful. Nanalo ka, bwisit 'to." Inis na tinadyakan niya ito sa paa. Humalakhak si Callan.

Inirapan niya ito, pinipilit itago ang ngiti. Letse, naisahan siya doon ng mokong, ah?

Ngunit hindi niya maiwasan ang tila kamay na dumadampi sa puso niya habang pinapanood ito na masayang tumawa. Muli niyang naramdaman na parang gusto niyang panggigilan ang pisngi ng binata.

Hay, malakas na talaga ang tama mo, Kira, sa lalaking 'yan.

"Puro ka talaga kalokohang lalaki ka. Naku, pasalamat ka na lang at wala akong dalaw ngayon kung hindi.." Natigilan siya sa kalagitnaan ng pagsasalita.

Napansin iyon ni Callan. "Kung hindi, ano, hon?"

Napalunok si Kira. Tila nawalan ng kulay ang mukha niya nang may mapagtanto. Marahang napasinghap siya.

"Oh, my God."

"What's wrong, hon? Tell me.."

She would like to think na na-delay lang an pangyayaring 'yon ng pagiging babae niya. Her period was late. Biglang narinig niya sa loob ng utak niya ang boses ng guro niya noon sa Sex Education..


"Kapag nagkaroon ng physical contact ang isang babae sa isang lalaki na walang anumang proteksyon, isa sa puwedeng mangyari ay ang mabuntis ang babae..."

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon