Chapter Twenty Five

923K 16.7K 2.6K
                                    


 MUNTIKAN nang maibagsak ni Kira ang kanyang cellphone sa sinabi ni Callan. Mabuti na lamang ay naagapan niyang hawakan iyon ng mahigpit at pinanlabanan ang biglang panlalambot ng mga buto. "A-Ano kamo?" di makapaniwalang bulalas ng dalaga.

 Mula sa kabilang linya, narinig niya ang malakas na halakhak ni Callan. "Kidding!"

She gritted her teeth when she realized he was just toying her. "Buwisit ka talaga! Nagawa mo pa akong paglaruan! Ano bang kailangan mo?" tanong niya. 

Ang katawan niya ay hindi pa rin nakarecover sa mga salitang namutawi sa bibig nito kanina. His delicious chuckle sent shivers through her body.

 "Oh, i just want to hear your voice, honey. Bakit ba napakainit ng ulo mo?"

 "Sa tingin mo, sinong hindi maiinis sa mga pinagsasabi mo kanina?" Para dito, biro-biro lang 'yon. Pero para sa kanya, hindi 'yon magandang biro. Hanggang ng oras na 'yon ay malakas pa rin ang pagkabog ng dibdib niya. Nanginginig na humigit ulit siya ng hininga. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang ginawa 'yon.

 "Nagbibiro lang naman ako. Gusto lang kitang kumustahin."

 "Wala pang eight hours na hindi tayo nagkikita, kukumustahin mo na agad ako. Nasaan ka ba talaga ngayon?"

 "Nandito pa rin sa Cam Sur. Nakahiga sa ilalim ng puno."

 "Tsk. Akala ko ba may operation kayo? Eh, bakit parang nagbabakasyon ka lang d'yan?"

She heard him laughed. "Hindi ba puwedeng nagpapahinga lang ako, bebe ko?"

 "Yuck! Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng ganyan. Ano tayo, teenager pa rin?" Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit napangiti siya. Naloloka na yata siya. Kahit alam niyang nang-aasar lang ito, natatagpuan pa rin niya ang sariling nakangiti. Mabuti na lamang at hindi siya nito nakikita ng sandaling 'yon.

 "Wala namang masama kung hindi na tayo teenager. That's just unfair to us. May mga ginagawa rin naman ang teenager na ginagawa ng mga tulad natin."

 Umangat ang kilay niya. "At ano-ano naman 'yon, aber?"

 "Tulad na lang ng mga kabataan na sa hagdan pa nagpaparaos."

 "Callan! Ang bibig mo!" napahumindig na sabi ni Kira. Tila naeskandalo sa sinabi ng nobyo.

 "What?" natatawang wika nito. "Hindi ba totoo naman na may nangyaring ganoon? May video pa nga. Gusto mong panoorin natin paminsan-minsan."

 "Yuck! Ayoko nga! Hindi ako nanonood ng ganyan 'no!"

 "Hindi ka pa nanonood ng p0rn?" nakakalokong tanong nito.

Nag-init ang pisngi niya sa tanong nito. "Well.. M-Minsan lang."

 Malakas ang naging tawa ni Callan sa kabilang linya. Nainis siya. "Kung di ka pa titigil kakatawa, papatayin ko na 'tong cellphone ko. Sinasayang mo lang oras ko. Tinatawanan mo lang din naman ako."

 But for some reason, hindi maitatanggi ni Kira na nasasarapan siya sa tuwing naririnig ang tawa ni Callan. Puno ng sigla ang tawa nito at parang walang pinoproblema sa buhay. May positibong outlook ito sa buhay at hindi yata niya ito nakitaan ng pagkalungkot at pagiging negatibo.  "Kumain ka na ba?" tanong nito kapagkuwan.

"Oo naman, ikaw ba?"

"Hindi pa ako nagugutom."

"Kaya di ka pa kumakain ng tanghalian?"

"Oo. Mahirap kumain kapag di gutom."

"Geez! Kahit di ka nagugutom, kumain ka pa rin, Callan. Magaling kung tambay ka lang sa kanto. But you're a working man. May operation kayo at kailangan mong kumain para malakas lagi ang katawan mo." Kung nakikita lang niya ito ngayon, masasapak niya ang binata. Hindi maganda sa katawan ng tao ang nagpapaliban ng pagkain. Iyon ang itinuro sa kanya ng magulang niya. Kaya nga kahit wala siyang ulam noon, kumakain siya ng kanin.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon