Chapter Fifteen

1M 19.4K 3K
                                    


"WHAT condition?"

 Nakamulagat pa rin si Kira kay Callan. Dinagundong ng pananabik at kaba ang dibdib niya. Pananabik dahil sa offer nito. Kaba para sa kung ano man ang kondisyon na hingin nito. Hindi niya maitago sa binata ang pagnanasa niya sa lote sa tabi ng Shakira's.

 Gustong-gusto niya na maangkin ang lote na iyon. Kahit kailan ay di pa siya naging desperado na makuha ang mga bagay na ginugusto niya. Ngunit nang sandaling iyon ay tila nais niyang gawin lahat ng kondisyon na hingin ni Callan para maibenta nito sa kanya ang loteng 'yon sa murang halaga.

 "Puwede ba muna akong pumasok? Gusto kong mapag-usapan natin ng maayos ang tungkol sa bagay na 'yon."

 "O-Okay." Napalunok siya nang bumaba ang mata niya sa maskuladong pangangatawan nito. Sa tingin ni Kira ay hindi siya makakapag-isip ng ayos kung mag-uusap sila na wala itong pang-itaas. Tila nananariwa sa isipan niya ang nangyari ng gabing iyon tuwing nakikita niya ang katawan nito na paarang nililok ng apoy at init para maging ganoon katigas.

 "Puwede ba'ng magdamit ka muna bago tayo mag-usap?"

 He made a delicious chuckle that sent seductive heat through her body. Parang may bumara sa lalamunan ni Kira at napalunok siya. Hindi niya alam kung paraan ba 'yon ng pang-aakit ni Callan o sadyang ganoon lang talaga ang tunog ng tawa nito.

 "Well, if that's what you want.." Nakangiti ang kulay asul na mga mata nito na tumingin sa kanya. Muntikan na malaglag ang puso niya sa paraan ng pagtingin nito. Oh, gawd. Those blue eyes could melt her. "Give me five minutes. Babalik lang ako sa bahay para magdamit."

 Tumango si Kira. "H-Hihintayin kita."

 He flashed a mischievous smile before leaving her. Nang mawala na ito sa paningin niya ay tila lumuwag ang dibdib niya at nakahinga na siya. Ngunit kahit nawala man saglit si Callan sa harap niya, naiwan pa rin nito ang mabangong amoy nito. Geez.

 Pagbalik ni Callan ay may pang-itaas na ito na tila yumayakap sa matipuno nitong katawan. Parang nakikita pa rin niya na wala itong pang-itaas dahil hapit na hapit iyon. His shirt couldn't hide the well-defined muscles of his torso. Simple lang gumayak si Callan. Pero masasabi niya na ang kawalan nito ng kaartehan sa pananamit ang nagpatingkad sa pagkalalaki nito.

 Lihim na napabuntong-hininga si Kira. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi magbigay ng magagandang komplimento sa lalaki. Wala naman kasi siyang mahanap na malalait kay Callan. He was a supermodel handsome. Iyong kahit makita lang niya sa magazine ang litrato nito ay mapapatili na siya at mapupugpog ng halik ang page ng magazine.

 Mabilis na tumibok ang puso ni Kira at hindi niya alam kung paano pigilan iyon. And she hated that feeling.

 Nagtungo sila ni Callan sa kanyang sala at umupo sa kulay rosas na sofa, magkaharap.

 "Sigurado ka ba talaga na ibebenta mo sa akin 'yong lote? O baka nakikisabay ka lang sa April Fools?" Umangat ang kilay niya ng ngumisi ito.

 "Bakit naman kita lolokohin? No, Kira. I'm not kidding. I'm serious." "Kung ganoon, ibebenta mo na talaga sa akin 'yong lote?"

 "Yes, and that's serious."

Napatango siya. "So, puwede ko na ba malaman kung ano ang kondisyon mo?" tanong ni Kira.

 "Be my girlfriend."

 Nalaglag ang panga ng dalaga sa sinabi ng lalaki. Saglit na tumigil ang mundo niya sa pag-ikot, at ang mata niya ay ilang segundong tumutok sa kulay asul na mga matang nakatitig rin sa kanya.

 "A-Are you serious?" Halos dumagundong ang boses niya sa buong kabahayan pagkatapos umukit sa utak niya kung ano ang sinabi ng lalaki.

 "I'm damn serious, Kira." seryosong sagot ng lalaki. And true enough, walang halong kapilyuhan ang mukha nito. Sa totoo nga ay parang spotlight na nakatutok lang sa kanya ang mga mata nito at hindi niya malaman kung nagbibiro ba ito. "That's my condition. So, nasa iyo ang desisyon kung tatanggapin mo o tatanggihan. But if you're going to accept my condition, baka hindi ko na lang ibenta sa 'yo ang lote."

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon