Chapter Sixty Seven

438K 10.3K 813
                                    


 PAULIT-ULIT ang naging paghingi ng tawad sa kanya ng ina. Kahit ang kanyang ama ay kinausap siya upang buksan ang isipan niya at maging bukas sa pagpapatawad sa kanyang mama. Napakatagal na nga siguro buhat ng mangyari ang pagkakamali nito. Wala siyang kamalay-malay. Nasaktan siya ng sobra dahil inakala niyang hindi nito magagawa 'yon.

But she was still her mother.

Kahit ano pa ang pagkakamaling nagawa nito, hindi pa rin magbabago na ito ang kanyang ina. Ito ang nagsilang sa kanya sa mundo at gumabay sa kanya sa pag-aaral. Kung hindi dahil dito, wala siya sa mundo. So, she forgive her.

Nagawa ng kanyang ama na patawarin ito at bigyan ng pangalawang pagkakataon. Siya pa ba naman na anak nito ang hindi tatanggap sa kamalian nito? Besides, she couldn't hate her. She couldn't hate her beloved mother. Doon na nananghalian ang mga ito. Ang kanyang ama pa ang nagluto para sa kanila ng kanyang mama.

 Bago tuluyang magpaalam ang mga ito para umuwi na sa Palawan ay nagka-usap at nagka-ayos na sila. No more secrets. No more hiding..

Alam na niya ang totoo.

At ang katotohanan na nalaman niya ang nagbigay linaw sa kanya tungkol sa isang bagay.

 Hindi sila puwede ni Callan. Hindi sila magiging masaya ni Callan bilang mag-asawa habambuhay. Dahil sa naging nakaraan ng mga magulang nila, alam niya na kahit anong gawin nila karugtong ng nakaraan ang magiging hinaharap nila. Kahit hindi ito magsalita, alam niyang nasaktan din ito sa nalaman.

Dahil kung siya ang nasa pwesto nito, kamumuhian niya ang kanyang ina sa pakikipagrelasyon nito sa ama ni Callan. Ngayon, alam na niya kung bakit tila hindi na magkasundo ang mga magulang ng asawa.

Iyon ay dahil sa kanyang ina..

Nanginginig na humugot siya ng hininga at pinilit na huwag maluha. Pagod na ang mata niyang umiyak. Pagod na rin ang utak niyang mag-isip pa. Ramdam niya ang kawalan ng lakas ng kanyang katawan. Konti na lang ay parang bibigay na siya.

 God. Ano ba ang ginawa niyang kasamaan at nararanasan niya ito? Sa bawat sandaling maalala niya ang pagkamuhi sa mukha ng ina ni Callan at ang mga sinabi nito, parang nanghihinata siya. Naiisip niya na kasama siya sa kasalanan ng magulang niya.

At hindi sila nararapat ni Callan para sa isa't isa.

"Kira.." Bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang asawa. He was wearing his uniform, at kahit mukhang pagod na pagod ito sa trabaho, para sa kanya ay ito pa rin ang pinakagwapong lalaki na nakita. Tila lumiwanag ang mukha nito nang makita siya. Niyakap agad siya ng nito at hinalikan sa noo nang makalapit. "Pasensya na. Ginabi ako sa trabaho at di na ako nakapagpaalam sa 'yo. Anong nangyari?"

 Hinaplos nito ang pisngi niya na may bakas pa rin ng luha. "Umiyak ka. May nangyari ba? Tell me, hon. Anong nangyari?"

 Pilit na ngumiti si Kira. "Nandito kanina sina Mama. Nagkausap na kami."

 "You mean, dumating sila kanina? Bakit hindi mo ako tinawagan? Sana nakausap ko din sila. Nakaalis na ba sila?"

 "Kanina pa. Hindi na kita naalalang tawagan. I'm sorry."

 "No, it's okay, hon." Pinisil nito ang pisngi niya at kinintalan ng halik sa labi. Oh, God. Parang bigla niyang na-miss ang paghalik nito sah kanya. How he kissed her and touch her.. Ilang araw din silang halos walang physical contact. Tuwing naalis at nauwi ito, yayakapin lang siya nito at hahalikan sa noo. At ngayon, nangungulila siya sa maalab at mainit na halik nito. Ang init ng hubad na katawan nito sa kanya.

 Shit. Ano ba ang iniisip niya? Kumurap siya at nag-iwas ng tingin dito.

 "Ano'ng mga pinag-usapan n'yo?" tanong nito, seryoso ang tinig nito. "M-May nalaman ka ba?"

 "Marami akong nalaman. And yes, pareho natin na hindi magugustuhan ang mga 'yon." Sinalubong niya ang mga mata nito. May malalim na emosyon sa likod ng asul nitong mata. "Your mother is right. She's just telling the truth."

 Natahimik si Callan. Napaisip.

 Muli siyang humugot ng hangin at tumingin sa kisame. Pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin kay Callan. "Sa pagkakaintindi ko sa sinabi ni Mama, bata pa lang tayo nang magkaroon sila ng unang relasyon ng Papa mo. Dinala niya ang bunga ng bawal na relasyon nila at isinilang ang batang 'yon sa Batangas. Kaya siguro hindi nalaman agad ng Mama mo ang tungkol sa kanila. Nagtapos na tayo sa high school nang mabunyag 'yon." Mapait na ngumiti si Kira. "So, that means.. Malaki ang naging kasalanan ng mama ko sa pagkakaroon ng lamat ng relasyon ng mga magulang mo."

 Rinig niya ang mabigat na paghinga ni Callan. Parang nanikip ang dibdib niya nang makita itong mapatungo. For the first time, nakita niya sa asawa ang isang lalaki na walang magawa. Helpless. Hurt. Nararamdaman niya ang hirap ng kalooban na dinaranas nito.

 She wanted to hug him, to make him feel better. Ayaw niyang makita rin itong nasasaktan. Dahil noong nakunan siya, natatandaan niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Ayaw lang nitong magsalita, but she could feel he was hurt, too. Anak rin nito ang nawala. Isang buhay na sana'y di nawala kung nag-ingat siya.

 Nakagat niya ang ibabang-labi at tumabi kay Callan.

 Dahan-dahang niyakap niya ito. At nang magawa niya, tila hindi nagpapigil ang kanyang emosyon. Kusang pumatak ang luha niya.

 Bakit? Bakit sa kanila pa ito nangyayari ngayon?

 Tila nagiging hadlang pa ang nakaraan sa kung ano ang meron sila.

 Ilang sandali silang ganoon bago magsalita si Callan. "Sinubukan kong tanungin si Papa. Ganyan din ang sinagot niya sa akin. I'm not really surprised.. Pero ang malaman na nagawa 'yon ni Papa kay Mama.. It makes me want to kill him." May galit sa mga mata nito. "Wala siyang karapatan saktan si Mama. My mom doesn't deserve that. Oo, naging hadlang si Mama sa atin, Kira. Ipinagtanggol kita sa kanya. Wala siyang dapat na ikagalit sa 'yo. Pero dahil sa mga nalaman ko.. Somehow, naiintindihan ko siya.. Nasaktan lang siya sa nangyari noon kaya hanggang ngayon ay galit pa rin siya."

 "Alam ko 'yon." Parang napaso na humiwalay siya kay Callan. "At damay ako sa galit niya sa ina ko."

Napatiim-bagang si Callan. Hindi ito nagsalita, pero malinaw sa kanya ang gusto nitong sabihin. Galit din ito sa ina niya. She couldn't blame him.

 Her mother was a home-wrecker. Masakit man tanggapin, ngunit iyon ang totoo. Ang mahal niyang ina ang sumira sa relasyon ng magulang ng lalaking minamahal at pinakasalan niya.

 Tumayo si Callan. "D-Doon muna siguro ako sa bahay ko tutulog, hon. Kailangan ko lang mag-isip." Walang sulyap sa kanya na tumalikod ito at nagtungo na palabas.

 Bahay ko. Umalingawngaw sa isip niya ang dalawang salitang 'yon.

 Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya at ang pagkirot ng puso niya. Tulad na din ba ng ina ni Callan ito? Galit na rin ba ito sa kanya dahil sa naging relasyon ng ina niya at ama nito?

 Siguro nga.

Tila pinipiraso ang puso niya. Mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang silid at nagkulong. Siguro nga ay hindi sila nababagay ni Callan. Hindi sila ang nakatadhana para sa isa't isa.

 Kakailanganin din nila ang maghiwalay. Kakailangan niya na lumayo sa lalaki.

Iyon ang nararapat niyang gawin para matapos na ang lahat ng ito.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon