Chapter Twenty Seven

903K 17.7K 3.1K
                                    


 "S-SINO KA?" Malinaw ang takot sa boses ng dalaga. Bumangon siya, ngunit inihiga ulit siya ng lalaki. Magtititili na sana siya nang marinig niya ang masarap sa pandinig na tawa nito.

 "C-Callan?"

 "Ako nga, hon." Binuhay nito ang lampshade at nakita niya ang gwapong mukha nito. Nakahinga siya ng maluwag ng makuha ang kumpirmasyon.

 "D'yos ko. Tinakot mo ako! Akala ko kung sino na ang nanloob sa akin."

 "I'm sorry. Hindi na kita ginising at pumasok na lang ako."

Nagsalubong ang kilay ni Kira. "Paano ka nga pala nakapasok?"

 "I have your duplicate key. Iyon ang ginamit ko para mabuksan ang pinto ng bahay mo at silid."

Mas lalo siyang nagtaka. "Paano ka nagkaroon no'n?" Wala siyang natatandaan na binigyan niya ng duplicate key si Callan. Si Jiro nga na matagal niyang nakarelasyon ay hindi niya nabigyan niyon.

 Ngumisi ang binata. "Mahalaga pa ba'ng malaman mo 'yon? Ofcourse, i have my ways." Then, he claimed her mouth is a hungry kiss. Yumakap siya sa binata, inihuhulma ang katawan sa mainit na katawan nito at ubod ng pananabik na tinugon ang mga halik nito. She felt his hot arousal against her belly.

 "W-Wait," marahang itinulak niya ito sa dibdib at inilayo ang mukha sa kanya. Bigla niyang naalala ang hindi nito pagtawag o pag-text man lang sa kanya. "Bakit buong araw kang hindi tumawag sa akin?" Hindi lang siya nainis sa kawalan nila ng komunikasyon. Nag-alala din siya ng husto dito.

 "Oh. I'm sorry for that, hon. Nawalan ng signal sa kinaroroonan namin."

Umismid siya. "E, di dapat humanap ka ng paraan para makatawag man lang sa akin kahit saglit. Hindi mo man lang inisip na may naghihintay sa 'yo dito."

 Nakita niya ang pagkislap ng tuwa sa kulay asul na mata ni Callan. Ubod ng tamis na napangiti ito. "Sa susunod, hindi na 'yon mangyayari pa ulit. Pangako." Pagkasabi niyon ay akmang hahalikan ulit siya nito, ngunit maagap na pinigilan niya ito.

 "What's the matter?" nagtatakang tanong.

She slowly smiled, she put his arms around his neck with a wicked smile on her lips. "I missed you, Callan," she whispered, her emotions right there in her eyes for him to be pleased.

 Wala ng dahilan para itanggi niya kung ano ang nararamdaman. She really missed him. Dalawang araw lang na hindi niya ito nakita, ngunit dinaig pa ang isang buwan na hindi niya ito nasilayan. Bigla ang dating ng isang realisasyon kay Kira na noon pa man ay hindi niya maamin-amin. She cared for Callan.

 His smile was radiant. "I missed you, too, Kira."

 Hinalikan ulit siya nito ng buong pagsuyo. She clung to him, molding her soft body against his rock-hard body. Uhaw na uhaw ang mga labi nito na sumasalakay sa kanya, tila bumabawi sa dalawang araw na hindi sila nagkita. Akmang huhubarin nito ang manipis na pantulog niya. Subalit pinigilan niya si Callan.

 Napakunot-noo ito. "Callan?"

 "May problema ba?"

Tumango siya. "I think you badly need a shower, hon." Bagaman masarap sa pakiramdam ang mainit na pangangatawan nito. Hindi masarap sa ilong ang amoy nito ngayon dahil siguro sa trabaho at pinanggalingan nito.

 He let out a delicious chuckle. "Oo nga pala. Muntikan ko nang makalimutan 'yon. Buti ipinaalala mo."

 Umangat ang katawan nito mula sa pagkakadaiti sa katawan niya at bumaba sa kama. Nabigla siya ng walang kiyemeng hinubad nito ang lahat ng saplot sa katawan.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon