Chapter Forty Nine

474K 11.6K 618
                                    


 TULOG pa si Callan ng magising si Kira kinaumagahan. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nasa byahe kagabi. Napansin niya na ang manipis na pantulog na suot niya. Malamang ay pinalitan ni Callan ang suot niya kagabi.

Napangiti si Kira. How sweet of him.

 Hinalikan niya ito sa pisngi bago bumaba ng kama. Natungo siya sa banyo para magsepilyo at maghugas ng mukha. Fresh pa rin sa isipan ng dalaga ang nangyari kagabi. Hindi siya naipakilala ng ayos ni Callan sa parents nito. The night turned out to be the worst night ever. Hindi man lang sila nakatagal doon ni Callan. Hindi man lang din niya nakausap ang mga magulang nito tulad ng gusto niyang mangyari.

 Kahit di magsalita si Callan, alam niya na nag-iisip rin ito dahil sa inakto ng ina nito. Alam niya na naguguluhan ang binata.

 She just don't want to talk about that last night kaya pinili niyang ipikit ang mga mata. Ayaw niyang ma-stress.

 Napakunot-noo si Kira nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng bahay niya. Sinong bisita niya? Unang naalala niya ay si Jiro. Hindi maganda ang naging behavior nito last time na nagpunta sa bahay niya.

"Kira!" tawag ng kumakatok sa pintuan. Pamilyar ang boses..

 It took five seconds for her to realize it was her mother's voice!

 Awtomatikong nanlaki ang mata ni Kira. Nandito ang kanyang mama? What! Paano? Pagtingin niya sa isang bintana sa baba ay nandoon nga ang kanyang ina. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito ang kanyang papa!

Bigla niyang naalala na natutulog pa si Callan sa silid niya. Patay tayo dyan! Natutop niya ang bibig.

"Kira, nandyan ka ba?" malakas ang tinig ng kanyang ina. "Kira!"

"Baka naman tulog pa ang anak natin," sabi ng kanyang ama.

"Tulog pa? Sanay na 'yon magising ng maaga. Alas singko pa lang nagigising na ang anak natin. Saka, may trabaho 'yon. Ano bang oras na? Malapit na mag-alas otso. Imposible namang natutulog pa 'yon." Muli tinawag ng kanyang pangalan.

 Parang nawalan ng kulay ang mukha niya. Kung pagbubuksan niya ang mga ito, wala naman magiging problema. Pero paano kung biglang lumabas ng kuwarto si Callan? Kung minsan ay naka-boxers lang na lumalabas ng silid ang binata. Tiyak na kokomprontahin siya ng mga magulang. At malalaman ng mga ito na nagsasama na rin sila ng binata sa isang bubong.

 Nakagat niya ang ibabang-labi. Kung hindi naman niya bubuksan ang pintuan, siguradong hindi titigil kakatawag sa labas ang mama niya. Diyos ko! Bakit ba hindi nagsabi ang mga ito na luluwas pala sa Maynila at bibisitahin siya?

"Kira! Alam kong nandyan ka pa buksan mo---"

"H-Hi, Ma!" Sa wakas ay naglakas-loob na rin siyang buksan ang pinto. Bahala na si Batman. Hindi naman siguro basta-basta magigising si Callan.

 Parehas na napangiti ang mga magulang niya nang makita siya. "Kira!" Ang mama niya ang unang yumakap. Ilang buwan na din sila nitong hindi nagkikita. Sa telepono lang sila nag-uusap. Minsan lang naman sila nakakapag-usap sa Skype. Kadalasan lang talaga ay sa text at tawag.

"Namiss kita anak. Parang mas gumanda ka pa yata ngayon kumpara doon sa huling pagkikita natin." Tila nanggigil na pinisil ng kanyang ina ang pisngi.

"Parang medyo nagkakalaman na ang anak natin." pagpansin ng kanyang papa.

"Aba, oo nga ano? Wala naman pala kaming dapat ipag-alala ng papa mo. Mukhang kumakain ka naman ng tama at hindi nagpapakagutom."

Pinigilan ni Kira ang mapangiwi. Kung alam lang ng mga ito kung ano ang katotohanan.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon