Chapter Sixty Four

504K 10.2K 1.2K
                                    


 Malakas na napasinghap si Kira. Nasapo niya ang mukha kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga mata. Puno ng galit ang mga mata ni Mrs. Fontanilla habang nakatingin sa kanya.

Mula sa gilid niya ay tumakbo palapit sa kanya si Callan. "Ma! Bakit mo ginawa 'yon?" galit na bumaling

"Bagay lang 'yan sa mga haliparot na tulad niya!"

Tila magkasabay na marahas na napasinghap sila ni Callan. Hinila siya ng asawa papunta sa likod, na parang pinoprotektahan siya nito mula sa mabangis na hayop. Nakagat ni Kira ang ibabang-labi sa pagpipigil na maluha. She could still feel his mother's hand on her face. Hindi pa niya naranasan ang masampal ng kung sino. Hindi siya kailanman napagbuhatan ng kamay ng kanyang ina o ama.

"Bawiin mo 'yong sinabi mo kay Kira, 'Ma."

"Bakit ko babawiin 'yon? She's deserved it. Ang sampal na 'yon ay para talaga sa kanya. Hindi siya tumupad sa usapan namin."

Mariin niyang naipikit ang mga mata.

Naramdaman niya ang tensyon sa katawan ni Callan. "So, talagang pinaplano mo talaga na manatili muna ako sa America, Ma? For what? Para sa sinasabi mong naluluging business natin doon? Our business there is doing good. Maayos na napapatakbo iyon ni Papa at tumutulong din ako sa kompanya. Bakit mo ba ginagawa ang mga ito? Why do you need to lie? Ano ba'ng gusto mong mangyari?"

"Gusto kong hiwalayan mo ang babaeng 'yan!"

"Hindi ko magagawa ang gusto mo, 'Ma."

"And why not? Sinusuway mo na ba ang utos ko?"

"Why not? Hindi na ako bata, 'Ma. I have my own mind. Ikaw, desperada ka na ba talaga na ipakasal ako sa ibang babae? You want me to marry a woman who doesn't even know how to cook? Isang babaeng hindi marunong tumayo sa sarili paa at umaasa lang sa pera mula sa mana niya? Isang babaeng pagpapakasarap lang sa buhay ang gusto?"

"How dare you, Callan!" Narinig niya ang matinis na boses ni Britanny.

Nag-ipon siya ng lakas ng loob at muling hinarap si Mrs. Fontanilla. Pinatapang niya ang mukha at sinalubong ang galit na mga mata ng ginang. "Ano ba talagang ayaw n'yo sa akin? Alam ko nang hindi n'yo talaga ako gusto. Mabuti pa kung tapatin n'yo na ako ngayon din."

Nagsiklab sa galit ang mukha nito. Pulang-pula ito. "Itinatanong mo pa talaga 'yan? Bakit wala ka bang alam sa pinaggagawa ng ina mo?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano ba'ng kinalaman ni Mama sa problema mo sa akin? Wala akong natatandaan na ginawa n'yang kasalanan sa iyo at sa pamilya mo. Mabuting tao ang ina ko kumpara sa 'yo!"

Umangat ang kamay nito upang sampalin siya, ngunit nahagip ni Callan ang braso ng ina. "Slap my wife and i'm going to forget that you're my mother."

Nagulat siya sa sinabi ni Callan.

"Wife?" Nanlaki ang mata ng ginang. "Nagpakasal na kayo ng babaeng ito?" Bumaba ang tingin nito sa kamay ni Callan at pagkatapos ay tumingin din sa kanyang palasingsingan. Napahawak si Kira sa braso ni Callan. Alam niyang hindi na nila kailangan pang sagutin ang tanong nito.

Napasinghap din si Britanny. Nakita niya ang sakit na bumakas sa mukha nito habang nakatitig sa kanila ni Callan. Tumalikod ito at tumakbo palabas ng bahay niya.

"Huli na para paghiwalayin mo kami, 'Ma." Inakbayan siya ng asawa at tila nagmamalaking iniharap sa ina nito. "Yes, i married her. Alam ko'ng dadating tayo sa puntong 'to. I know how much you dislike Kira. But you don't know how much i love her and how much i want to keep her. Kung narito ka para paghiwalayin pa kami, ako na ang nagsasabi, Ma. Please stop. She's pregnant and we are both happy."

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon