Chapter Sixty Six

441K 10.1K 990
                                    


 TINITIGAN ni Kira ang pirasong papel na nakita niyang nakapatong sa ibabaw ng side table ng kama niya. Nakalagay doon na may umalis na ito at hindi na siya nagising para makapagpaalam.

 Ilang araw na silang ganoon. Sa sofa ito sa sala natutulog. Mula nang makuhanan siya ay parang nakapagtayo siya ng pader sa pagitan nila. Oo, nakakapag-usap sila. Nagsasalo pa rin sila sa pagkain. Pero hiniling niya dito na gusto muna niyang mag-isa sa silid niya. Pinagbigyan siya nito. Nirespeto nito ang desisyon niya at hindi na nakaipagdebate sa kabila ng pagiging mag-asawa nila.

Anim na araw.

Anim na araw na siyang tila walang buhay na humihinga. Madalas siyang napapatulala. Kinakausap siya ni Callan, pero ang isip niya ay nakatuon sa araw na nalaglag siya sa hagdan. Paulit-ulit na ipinapaunawa sa kanya ng asawa na wala siyang kasalanan sa pagkawala ng anak niya. Ngunit hindi pa rin niya matanggap.

She lost her baby. Hindi siya nag-ingat. Aksidente ang nangyari, pero nananatili pa rin sa kanyang isipan na kasalanan niya 'yon.

Nanginginig na humugot siya ng hininga at pinilit burahin ang namumuong sakit sa dibdib niya. Muli siyang humiga sa kama at ipinikit ang mga mata. May isa pa siyang hindi maalis sa isip.

Iyon ay ang mga rebelasyong binitawan ng ina ni Callan. Pilit 'yong gumugulo sa isipan niya. 'Yong magigising na lang siya sa gabi at mapapaisip siya ng malalim. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na nagsisinungaling ito. Alam niyang hindi magagawa ng kanyang mama ang ganoong bagay. Ang magtaksil sa papa niya at magkaroon ng bawal na relasyon sa ama ni Callan. Parang hindi lubos maisip ni Kira na totoo ang sinabi ni Mrs. Fontanilla.

Ang ina niya at si Mr. Fontanilla, nagtaksil at nagkaroon pa ng anak? Parang dinudurog ang puso niya sa tuwing umaalingawngaw ang boses ng ginang. Naninikip ang dibdib niya at tila nakakalimutan niyang huminga.

Pero naisip din niya.. Hindi naman siguro ganoon na kadesperada si Mrs. Fontanilla at gagawa na lang ng isang kasinungalingan para paghiwalayan sila ni Callan. Hindi nito 'yon sasabihin kung walang bahid ng katotohanan.

Nagsimulang magpatakan ang mga luha niya. Siya ngayon ang nasasaktan. Wala siyang kasalanan sa ginawa ng kanyang ina, pero ramdam niya ang tila karayom na tumutusok sa dibdib niya.

Bakit? Bakit nito nagawa ang bagay na 'yon? Hindi ba ito nakuntento sa pamilya na meron sila noon? So many questions.. Marami ding panunumbat ang naiisip niya. Pero sa ngayon nanghihina pa siya. Parang wala siyang lakas na harapin ang lahat ng 'yon.

Kailangan niya si Callan.

Kailangan niya ang asawa niya sa kanyang tabi.

Parang gusto niyang batukan ang sarili. Itinaboy-taboy pa niya ito kung kailan mas kailangan niya ito. Dinampot niya ang kanyang cellphone para tawagin ang lalaki. Napatigil lang siya nang marinig niya ang pag-doorbell sa labas ng bahay.

Tumayo siya at sumilip sa bintana. Nakita niya ang papalayong taxi. Inayos muna niya ang sarili bago pagbuksan ang hindi inaasahang bisita.

"Anak.." Bumungad kay Kira ang namumutlang mukha ng ina niya. May bahid ng pag-aalala. Sa likod nito ay ang kanyang ama na si Rico. Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang mga magulang. Umupo ang mga ito sa sofa at ganoon din ang ginawa niya.

 "Napabisita kayo." kasinglamig ng yelo ang boses ni Kira.

 "Nabalitaan namin ang nangyari sa 'yo, 'nak." sabi ng kanyang ina. "Tinawagan kami ni Callan kahapon."

 Walang duda doon. Biglang nawala kahapon ang cellphone niya sa side table ng kama. Pero pagdating ng gabi ay nakita niya ulit na nakapatong doon. Nakakapasok pa rin naman si Callan sa kanyang kwarto. Mag-asawa pa rin sila at kahit parang wala siyang gana ng ilang araw, hindi siya nito iniiwan. Kinailangan lang ito ngayon sa trabaho kaya pumasok na ulit ito.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now