Chapter Seventeen

1M 20.5K 2.1K
                                    


 KUNG hindi pa yata tumawag kay Kira ang kanyang ina, hindi niya maaalala na mahal na araw nga pala. Masyado siyang nakatutok sa mga naging pangyayari sa buhay niya at nakalimutan na niya na may balak nga pala siya na umuwi sa Palawan para makasama ang mga magulang sa araw na 'yon.

Abot-abot ang paghingi niya ng paumanhin sa kanyang ina sa nasira niyang pangako habang kausap ito sa telepono. "Ma, sorry talaga. Nawala sa isip ko na uuwi nga pala dapat ako."

"Ayos lang 'yon, 'nak. Naiintindihan ka naman namin ng papa mo. Alam rin naman namin na masyado ka pang abala sa negosyo mo. Basta 'wag mo kakalimutan alagaan ang sarili mo d'yan, ha? Wala kami ng Papa mo para tingnan ka o alagaan ka."

She smiled. "Yes, Ma. Thank you."

"At huwag mo na rin papakaisipin pa 'yong loko-loko mong dating kasintahan. Ang mga ganoong tipo ng lalaki, ibinabaon sa hukay," may halong pagbibiro na sabi ng ina niya.

Natawa si Kira. "Mas matindi ka pala, 'Ma. Ibabaon talaga sa hukay." Palabiro talaga talaga ang ina niya. Palibhasa lumaki ito na masiyahin kahit hirap ang buhay.

 Her mother's name is Reina, and her father is Rico. Ang love story na yata ng mga magulang niya ay pinakamagandang story na narinig ni Kira. Nagkakilala ang mga ito dahil sa pagiging emplayado sa mga Fontanilla. Naging malapit na magkaibigan muna bago maging magkasintahan. Kaya siguro kahit gaano pa ang hirap na naranasan nila, hindi ang mga ito basta-basta nag-aaway. Kapag may sakit nga noon ang papa niya, nakikita niya kung gaano nagpapanic ang mama niya sa sobrang pag-aalala.

Handa itong magpuyat mabantayan lang ang papa niya hanggang sa bumuti ang pakiramdam.

Ang mga magulang niya ay naging dahilan upang mapagtanto niya na hindi kailanman kailangan ng kayamanan para maging masaya ang isang pamilya. Hindi kailanman naging batayan ng isang masayang tahanan ang karangyaan ng isang bahay. Ang kahulugan ng tahanan ay malayong-malayo sa kahulugan ng bahay. Dahil ang isang bahay na puno ng pagmamahal ay maaaring tawaging tahanan. Ngunit kapag ang isang bagay ay walang pagmamahalan sa mga nakatira doon, hindi iyon matatawag na tahanan.

Pagkatapos niyang makausap ang ina sa telepono ay nagtungo na siya sa banyo para maligo. Habang naliligo ay pinag-iisipan niya kung pupunta siya ngayon sa Shakira's o hindi. Pakiwari ni Kira ay wala siyang gana na lumabas ngayon ng bahay.

 Parang mas gusto niyang humiga buong maghapon at magbasa ng romance books o manood ng romantic movies. Hindi naman siguro masama kung magpahinga muna siya ng isang araw. Tutal may pumalit na naman kay Amy bilang manager at si Cad na ang naging assistant niya sa kanyang opisina.

Nasa kalagitnaan siya ng pagliligo nang marinig niya ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ng dalaga, lalo na ng marinig niya ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Kira, open the goddamned door!" galit na galit ang tinig ng lalaking 'yon habang binubugbog na yata sa pagkatok ang pinto niya.

Jiro? Lihim na sambit niya nang makilala ang boses nito. Nagdadalawang-isip si Kira kung lalabasan ba niya ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang kailangan sa kanya ng lalaking iyon o kung ano na naman ang gusto nitong sabihin sa kanya. Tapos na sila ng lalaki. Ang kataksilan nito ang mismong tumapos ng relasyon nila. So, what the heck was he doing here?

Mabilis na inabot niya ang tuwalya at itinapis sa katawan, saka lumabas ng banyo.

"Kira, lumabas ka d'yan! Kausapin mo ako!" galit na sigaw ni Jiro mula sa labas.

Napaurong siya sa takot. Kahit ano pa ang tapang niya, kinakabahan pa rin siya lalo na kapag may isang lalaking galit na galit na magsisisigaw sa harap ng bahay niya.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon