Epilogue

718K 14.6K 1.9K
                                    


 MAY NGITI sa labi na pinapanood ni Kira ang masayang pagtakbo-takbo ng apat na taong gulang na anak nilang si Gazul habang tila isang prinsipe sa suot nito. Fairytale ang theme ng birthday party nito. Natutuwa siyang pagmasdan ang anak habang nakikipaglaro ito sa mga kapwa bata sa malawak na hardin ng mansyon. Parang kailan lang buhat ng isilang niya ang panganay nila ni Callan.

Hindi niya maiwasan ang mag-init ang mata. Tandang-tanda pa niya noong isilang nya si Gazul. Tanda niya kung paano siya umiyak. Parang natanggap niya ang pinakamagandang regalo sa kanyang buhay. Noon niya mas napatunayan kung gaano kasarap ang maging isang ina.

"Are you happy?" bulong ni Callan sa kanyang leeg habang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Napangiti si Kira sa tanong ng asawa. Kumalas siya sa yakap nito at humarap dito. Nakalarawan sa mukha ni Callan ang kasiyahan. Ang pagiging kuntento sa buhay may asawa.

"Yes."

Ngumiti ang asawa nya "Kung ganoon, para saan ang mga luhang 'yan?"

Natatawang pinisil ni Kira ang ilong ng asawa. "Sira! Tears of joy 'yan, ano ka ba!"

Hinapit siya nito sa beywang, at masuyong hinalikan nito ang kanyang labi. "Masaya rin ako, hon. Parang kailan lang." Tumango siya. Oo, parang kailan lang mula nang sinubok ng problema ang relasyon nilang mag-asawa. Noon, inakala nya na hindi sila para sa isa't isa. Ngunit ngayon, naniniwala na siyang sila talaga ang nakatadhana para sa isa't isa.

Napakalas siya ng yakap kay Callan nang marinig niya ang pagtawag sa kanila ni Gazul. "Ma! Pa! Nandito na po sina Lola!"

"O, nandito na pala sina Mama." Magkaakbay na sinalubong nila ang kanilang mga magulang na halos magkasabay lang pala na dumating. Nauna pa sa kanila si Gazul na sumalubong sa mga ito. Halata ang saya at excitement sa mukha ng bata nang makita nito ang parehong lola't lolo. Walang kasingganda ang naging ngiti niya nang makita na nag-uusap ang kanyang inang si Reina at ang byenan niya habang hawak sa magkabilang kamay si Gazul.

Maliwanag ang mukha ng mga ito. Totoo ang ngiting nakapaskil sa mga labi. Hanggang ngayon ay natatandaan pa rin niya ang naging emosyonal na paghaharap ng mga magulang niya at ni Callan. That four years ago. Isang buwan bago idaos ang magarbong kasal nila ng asawa ay madamdaming nagkapatawaran ang kanilang mga magulang. Nabigyan ng tuldok ang lahat ng nangyari sa nakaraan, nagkaroon ng kapayapaan sa puso ng lahat..

"Kumusta ka, hija?" nakangiting tanong ng ina ni Callan nang yakapin siya. "You looked so pretty and healthy. Alagang-alaga ka ng anak ko, ah."

"Bakit nga parang tumataba ka anak?" sunod na yumakap sa kanya ang ina. "Iniiwanan ka na yata ni Callan sa kusina, eh."

Nagtawanan ang mga dalawang ginang at nagawa pang mag-apir. Natutuwa siyang makita ang closeness ng dalawa. Nakikita talaga ni Kira ngayon kung paano katotoo sa puso ng mga ito ang pagkakaroon ng kapatawaran at paglimot sa nakaraan. Kahit ang Papa niya at ang ama ni Callan ay nakikita niya kung paano mag-usap. Pagkatapos ng nangyari, naging magkaibigan ang mga ito. At para sa kanya, iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay nila.

Saglit siyang iniwanan ng mga ito para tulungan ang mga katulong na mag-ayos ng pagkain para sa mga bisita.

Lumapit sa kanya si Gazul. "O, anak. Pawis na pawis ka na." Pinunasan niya ang noo nito. "Gusto mo na ba magpalit, ha?"

Ngumuso ito at nakita niya ang disgusto sa kulay asul na mga mata nito. Her son's eyes reminds her of a blue gem. "Maglalaro pa kami nina Lolo, 'Ma."

"Hindi. Magpapalit ka muna."

Umiling ito at sumimangot na. Lumapit ang kanyang ama kasama ang ama ni Callan. "Mamaya muna palitan si Gazul, anak. Hindi naman siya amoy pawis, eh."

"Oo nga, hija. Mabuti pa hayaan mo na kami muna ang bahala kay Gazul. Kanina pa daw kaming hinihintay n'yan, eh. Ano nga apo?" Hinawakan ni Daddy Frei sa balikat ang anak n'ya at ngumiti. Dahil nakuha ni Gazul ang mga katangian ni Callan, parang nakuha na din nito ang lahat ng katangian ng isang Fontanilla pagdating sa pisikal na aspeto.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon