Chapter Thirty Seven

774K 13.2K 558
                                    


 NAGLALARO ang pilyong ngisi sa labi ni Callan habang minamaneho nito ang black Subaru Forester. Hindi niya alam kung saan siya balak dalhin ng kumag at hindi rin naman niya makuhang magtanong. Ang isip niya ay nakatuon pa rin sa ginawa nitong kalokohan kanina. How could she forget that? Hinalikan siya nito sa tapat ni Hunt. And it wasn't just a simple kiss. Nakipag-french kiss ito sa kanya habang naroroon pa sa tapat nila ang kaibigan niya na may gusto sa kanya.

Hindi kahihiyan ang naramdaman niya. Sa ginawa kasi ng nobyo, tila nagising ang buong kamalayan niya. Niyanig ng halik ni Callan ang mundo niya.

Nang tapusin nito ang halik ay wala na si Hunt sa harap nila. Ang papalayong kotse na lang nito ang tanging natawan niya. Naputol ang pag-iisip niya nang magsalita si Callan.

"Still thinking of my kiss?"

Tinapunan niya ng mataray na tingin si Callan. Nakakaloko lang na ngumisi ito. Frustrated na bumuga siya ng hininga. "Alam mo, hindi mo dapat ginawa 'yon," sabi niya kapagkuwan. "Isipin mo na lang kung ano ang iniisip ni Hunt sa ginawa mo. Hindi sa nahihiya ako, but you should think first."

"What's wrong with that? You're my girlfriend, you're mine and I don't think it's his business if I kiss you." Kumikislap sa kapilyuhan ang kulay asul na mga mata nito. Hindi ito nakatingin sa kanya, pero pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kapilyuhang nakalarawan sa mukha nito.

Hindi na siya nagkomento para hindi na humaba ang usapan nila tungkol kay Hunt. Ngunit parang gusto pa rin nilang pag-usapan ang tungkol doon dahil nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Mabuti na rin 'yong nakita niya na wala na siyang pag-asa pa sa 'yo. He better stop daydreaming about you."

"Callan, he's my friend."

"I know. But he likes you."

Napalunok siya. "O-Ofcourse, he likes me. Kakasabi ko lang sa 'yo, di ba? Magkaibigan kami, malamang ay gusto naming ang isa't isa kaya kami nagging magkaibigan. May magkakaibigan ba na hindi gusto ang isa?"

Inihinto ni Callan ang sasakyan sa isang tabi. Seryosong tumingin ito sa kanya. Walang kahit anong bakas ng kapilyuhan sa mukha nito nang oras na 'yon. Hinawakan nito ang baba niya at matamang tinitigan. "Hon, listen. Gusto ka niya katulad ng pagkakagusto ko sa 'yo. He wanted you. Lalaki ako, Kira. Alam ko ang tingin ng isang lalaki sa isang babae na gusto nito. And with the way Hunt looks at you, gusting-gusto ka niya. Nakikita ko ang pagnanasa sa mga mata niya habang nakatingin sa 'yo. Mabuti pa kung huwag ka na makipagkaibigan doon. Putulin mo na ang koneksyon mo sa kanya."

Namilog ang mata ni Kira. "Don't say that!"

"Bakit hindi? Iyon ang totoo." Naningkit ang mga mata ni Callan. "Are you defending him?"

"No!"

"Kung ganoon, bakit parang ayaw mong pakinggan at tanggapin ang mga sinasabi ko? May gusto sa 'yo ang lalaking 'yon. Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo nararamdaman 'yon?"

Mariin siyang napapikit. Kung alam lang nito, nararamdaman din niya kung ano ang nararamdaman ni Callan. But she still respect Hunt, at kahit anong mangyari kaibigan pa rin niya ang lalaki. Ayaw pa rin niyang masira ang pagiging magkaibigan nila ni Hunt.

"You know what, Callan. Ang mabuti pa, huwag na lang natin pag-usapan ang tungkol kay Hunt. Huwag mo na lang pakialaman ang pagiging magkaibigan namin ni Hunt. Not because you are my boyfriend, papakialaman mo na ang pribadong buhay ko." Matamang pinagmasdan niya si Callan. "Wala ka pang karapatan na diktahan ako na tapusin ko na ang friendship namin ng isang tao na pinagseselosan mo." Kahit hindi ito umamin, alam niya na iyon ang totoo. Nagseselos ito kay Hunt. Halatang-halata iyon sa mukha nito kanina.

Napatiim-bagang si Callan. 



 WALA silang kibuan ni Callan pagkatapos n'un. Nagpatuloy lamang ito sa pagmamaneho. Napansin niya na kanina pa silang bumabyahe. Wala pa rin siyang ideya kung saan sila pupunta. Nang hindi siya makatiis ay nagtanong na siya,

"Saan ba tayo pupunta?"

Hindi sumagot ang binata. Parang wala itong narinig, pinalagpas lang yata sa magkabilang tenga ang sinabi niya.

Tumikwas ang kilay niya at pinagmasdan ito. "You're silent treatment is not going to affect me, Callan."

Hindi pa rin ito umimik. Nagsimula na siyang makaramdam ng inis. Was he making her feel guilty now?

Tinitigan niya ito. Mukhang desidido itong hindi siya kausapin. Hah! Kung 'yon ang gusto nito puwes ibibigay niya!



PINANATILI ni Callan ang tingin sa unahan at binabagtas ang daan papunta sa bahay bakasyunan sa Laiya. Wala pang kaalam-alam ang dalaga na doon ang tungo nila ngayon gabi at doon sila mag-stay. Maybe one week of vacation.

Pagkatapos na pagkatapos na maisarado ang kaso na tinututukan nila ni Diego McIntosh, humingi muna siya ng leave sa trabaho. Plano niya na magbakasyon sa San Juan kasama ang dalaga.

Pigil niya ang sarili na sumulyap sa dalaga. Alam niya, kapag tiningnan niya ito ay sasalubungin lamang siya nito ng masamang tingin.

She was mad at him. Okay, it was his fault. Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng selos. Noon pa man ay alam na niya na si Hunt ang isa sa matalik na kaibigan ni Kira. That bastard was her girlfriend's only male bestfriend. Nakikita na niya ang mga ito noon sa unibersidad kung saan nag-aral ang dalaga.

Malinaw na hindi pagkakaibigan lang ang inaalok ni Hunt sa nobya. May gusto ito kay Kira. Sa klase pa lang ng pagtingin nito sa nobya niya at pakikipag-usap nito, alam na niya kung ano ang gusto ni Hunt. He wanted her.. He wanted Kira to his.

Napatiim-bagang siya.

Hindi na niya napigilan ang sarili na lingunin si Kira. Base sa pagkakapikit ng dalaga, mahimbing na itong natutulog. Nakaramdam siya ng kapayapaan sa dibdib nang makita ang maganda nitong mukha. Mahimbing na natutulog.

Ganoon marahil ang mukha ni Sleeping Beauty noong nakatulog ito. Beautiful, sultry and seduction. Bahagyang nakabuka ang mamula-mulang labi nito at tila nanghahalina ng bawat lalaki na makakita dito na halikan ito.

Possessiveness rise within him. He couldn't help feel the jealousy rise within him. Kung mayroon mang lalaki na may karapatan na humalik dito, siya lang 'yon. Hindi si Hunt o kahit si Jiro na dating nobyo nito.

Mali si Kira. Dahil nobyo siya nito, may karapatan siyang pakialam kahit ang pribadong buhay nito. Ganoon kapag mahal mo ang isang tao. Kailangan mong alamin kahit ang maliit na detalye ng buhay nito.

Natigilan si Callan. And when did he become so cheesy? Holy f-ck.

Binuhay na lang niya ang radio ng kanyang sasakyan para mapatigil siya sa malalim na pag-iisip. May thirty minutes pa bago sila makarating sa pupuntahan.

I turn my cheek music up

And I'm puffing my chest

I'm getting ready to face you

Can call me obsessed It's not your fault that they hover

I mean no disrespect

It's my right to be hellish

I still get jealous...

Muli niyang tiningnan ang dalaga sa tabi. Sumilay ang ngisi sa labi niya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niya mamaya na itinanan na niya ito?

Nakangising ibinalik niya ang tingin sa daan.

'Cause you're too sexy, beautiful

And everybody wants a taste

That's why (that's why)

I still get jealous...

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon