Chapter Fourteen

964K 18.4K 1.7K
                                    

 "WHY ARE you looking at me like that?" magkahalo ang amusement at pagtataka sa boses ni Callan. "May nasabi akong hindi maganda sa pandinig mo?"

 Nakatanga pa rin si Kira kay Callan. She can't believe. Oh, God. She really can't believe it. Naunahan na siya ni Callan sa pagbili sa lote na binabalak niyang patayuan ng bar!

 "S-Seryoso ka talaga, Callan?"

 "Saan?"

 "Sa sinasabi mo.. 'Yong tungkol sa lote d'yan sa tabi. N-Nabili mo na?"

 He nodded. "Yes. Nakuha ko na nga ang titulo last week. At tinatapos ko lang ang pinakamahalagang operation sa trabaho ko, at saka ko pagtutuunan ng pansin ang tungkol sa bar. Madali na naman 'yon dahil nasa akin na ang titulo ng lupa."

 "Pero..."

 "Pero ano?" Amused na ngumiti ang lalaki. "Bakit parang hindi mo nagustuhan na nabili ko ang lote sa kabila?"

 "Because that's mine."

 Nagsalubong ang kilay ni Callan. Huli na para mapagtanto ni Kira na nasabi niya ang dapat ay sa isip lang niya.

 "Anong ibig mong sabihin?"

 "Ano kasi.. Ang lote din na 'yon ang binabalak kong bilhin 'pag nakaipon na ako."

 Sumilay ang isang makahulugang ngiti sa labi ng binata. "Ganoon ba? Puwede naman tayo maging magkasosyo sa bar na binabalak mo. In that way, hindi mo na poproblemahin kung saan ka pagtatayuan mo. At alam mo na din siguro na negosyo ng pamilya namin ang paggawa ng masasarap na alak, di ba?"

 Napatango si Kira. "Pag-iisipan ko muna ang tungkol d'yan."

 Nabigla siya ng kunin nito ang kamay niya at hawakan iyon. "Hindi ka magsisisi sa offer ko, Kira. I can promise you that i'll be a good business partner."

 HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Kira na nakasabay niyang kumain ng tanghalian si Callan. Ang lalaking halos buong buhay niyang kinaiinisan. At mas lalong hindi siya makapaniwala na inalok siya nitong maging business partner.

 Ipinilig niya ang ulo. Gusto talaga niya na siya ang makakuha ng lote sa tabi ng Shakira's. Buo na sa utak niya ang planong pagpapatayo ng bar. Pero hindi pa sapat ang ipon niya sa bangko para matupad ang planong 'yon.

 Nakakaakit ang alok sa kanya ni Callante. Kung wala lamang nakapagitan sa kanila, nakakasigurado siyang kanina pa niya itong tinawagan at pumayag na. Pero pareho nilang alam ng lalaki na may bagay na nakapagitan sa kanila.

 The next day, pumunta sa bahay niya ang lalaki. Humahalimuyak ang gamit na pabango ng lalaki nang bumungad ito sa pintuan. Para siyang inaakit ng amoy ng katawan nito at hinahalina sa isang nakakatuksong sedaksyon. Kinalma niya ang sarili at pilit nilabanan ang init na biglang dumaloy sa mga ugat niya. Inignora din niya ang lakas ng presensya nito nang sandaling 'yon. It's really hard not to admit that Callan is such a very sexy guy. Matindi ang pagpipigil niya sa sarili upang huwag itong pagmasdan at pakatitigan.

 "What do you need?" pilit pinakaswal na tanong ni Shakira sa binata. Hindi niya alam kung nananadya ba ang lalaking ito na hindi magsuot ng t-shirt o kaya sando. Oo, sanay na siyang nakakakita ng lalaking walang pang-itaas. Halos lahat naman ng nasa village nila ay walang pang-itaas tuwing lumalabas sa umaga ng kani-kanilang bahay.

 Subalit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit iba ang epekto sa kanya kapag walang pang-itaas si Callan. Or maybe, hindi ito tulad ng ibang lalaki na may bilbil o kaya di naman kagandahan ang katawan.

 Siguro, ganoon nga, sabi niya sa sarili.

 "Wala naman. Gusto ko lang malaman kung gising ka na."

Umangat ang kilay niya. "O, ngayon?"

 "Wala naman. Nakapag-almusal ka na ba?" tanong nito.

 "Hindi pa. Maliligo pa lang ako." Napakunot-noo na si Kira. "At teka nga, ano ba ang kailangan mo sa 'kin, Callan?"

 Ngumisi ang binata. "Kung sabihin kong ikaw ang kailangan ko, papayag ka ba'ng magpa-angkin?"

 Halos lumuwa ang mata niya sa sinabi ng lalaki. "Ano'ng kabaliwan ang pinagsasabi mo d'yan? Umalis ka na nga lang." Isasara na sana niya ang pinto ng humarang ito doon.

 "Wait." pigil nito sa kanya. "Hayaan mo akong kausapin ka."

 "Heh! Tigilan mo 'ko, Fontanilla!" Kung di pa niya alam, lalandiin lang siya ng lalaking ito. At hindi siya papayag na magpalandi. Kagagaling lamang niya sa isang relasyon na inakala niyang panghabambuhay. Kung maaari lang ay magpapahinga muna siya sa love life. Mahirap din ang buhay love life. Bukod sa masakit sa puso, nakakaagaw pa ng atensyon na dapat ay sa negosyo na lang niya ilaan.

 Pinigilan ulit ni Callan siya mula sa pagsasara ng pinto. Dahil mas malaki ito sa kanya at mas malakas, hindi niya nagawang pagsarhan ito. Naiinis na hinampas na lang niya ang matipunong dibib nito. Wow, infairness.. Masarap.

 Malandi! sigaw ng isang bahagi ng utak niya sa kanya.

 "Callan, ano ba?"

 "Mag-usap nga muna tayo. Bakit ba highblood ka agad sa akin? Di naman kita inaano d'yan, ah?"

 "Eh, ayaw nga kitang makausap. Ayaw rin kitang makita, masilayan at magunita."

 "Aba ang lalim natin, ah?"

 "Sadya!" angil niya. "Umalis ka na."

 Nagsalubong ang kilay ni Callan. "Bakit ba ang taray-taray mo pagdating sa akin? Pagkatapos mo akong matikman, susupladahan mo na ako?"

 Nag-init ng husto ang pisngi niya sa sinabi ng lalaki at hindi niya nagawang makaimik sa pagkabigla.

 He grinned at her. "And now, you're speechless. Nakakakonsensya ba, babe? 'Yong feeling na matapos mo siyang paligayahin, bigla ka na lang pagsusupladahan?"

 Napalunok siya. Tila biglang inukit sa isipan niya ang pangyayari ng gabing 'yon. Mula sa night bar papunta sa bahay nito.. The hot kiss they shared was intense, magical and enchanting. Ang paglingas ng apoy sa kanilang katawan habang nakakandong siya sa lalaki at tila sumasabay ang balakang niya sa isang malanding tugtugin.

 Mas lalong sumiklab sa kanyang isipin ang isang imahe. Si Callan, nasa ibabaw niya, walang saplot sa katawan at mariing nagpapakawala ng ulos sa pagitan ng hita niya. Pawisan ang kanilang mga katawan habang nagtatalik.. The image in her head was sweaty, hot, and hundred percent  pure animalistic lust.

 Damnation!

"T-Tigilan mo ako, Callan. Hindi ka nakakatuwa."

 "Yeah, i know." Parang pinaikutan pa siya nito ng mata. Nakamamatay ang tingin na ibinigay niya sa lalaki. Sa lahat ng lalaking nakilala niya, ito na yata ang lalaki na mahilig mang-asar at manira ng araw. Idagdag pa na isa itong pulis.

 "Wala ka na ba'ng ibang gagawin kundi sirain ang araw ko?"

 "Look, Kira. I didn't want to ruin your beautiful day. Bakit ko naman gagawin 'yon sa isang napakagandang dalaga tulad mo, di ba?"

 "Ah, gano'n? Kung iniisip mo na mabobola mo 'ko, hindi nagana sa akin 'yan. Alis."

 "Wait."

 "Kung di ka pa aalis ngayon, mapipilitan ako na ipabarangay ka."

 "Agad-agad?"

 "Oo, at wala akong paki kung isa ka pang pulis."

 Sa imbes na umalis ito sa harapan niya ay nginitian pa siya nito ng pagkatamis-tamis. "No. You wouldn't do that after you hear my offer."

 Kira rolled her eyes. "Alam ko na kung anong offer 'yan. But sad to say, napag-isipan kong huwag na makipagsosyo sa 'yo."

  Sumilay ang makahulugang ngiti sa labi ni Callan. "Well, that's not my offer,"

 Muli, parang magnet na nagsalubong ang kilay niya. "Eh, ano pala?"

 "Ibinebenta ko na sa 'yo ang lote sa murang halaga." wika nito dahilan para manlaki ang mata niya.

 "Totoo?" di makapaniwalang sambit niya.

He nodded. "But in one condition.."

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon