Chapter Eleven

1M 19.1K 1.6K
                                    

  

 NAKASANAYAN na ni Kira ang gumising ng maaga. Four thirty pa lang ng umaga ay nakabangon na siya sa kama niya at malinis na ang kanyang kwarto. Kumakain muna siya ng umagahan bago lumabas ng bahay at magsimulang mag-jogging. She have a healthy lifestyle. 

 Hindi siya tulad ng ibang babae na tanghali na gumigising. Siya talaga ay gumigising ng maaga para bago mag-alas siyete ay nasa daan na siya patungo sa Shakira's. Maaga sila nagbubukas. Sa mga oras kasi na 'yon ay may pumupunta na sa kanila for breakfast. Kaya ang mga empleyado niya ay kailangan na madaling-araw pa lang ay nandoon na. Iba-ibang klaseng putahe ang sine-serve nila.

 Si Amy noon ang nagmamanage ng restaurant niya sa tuwing hindi siya nakakapunta agad. Ngayon na alam na niya ang lihim na relasyon ni Amy sa boyfriend niya, sa tingin niya ay wala na itong rason pa para magtrabaho sa kanya. Hindi na rin niya ito maituturing pa bilang isang kaibigan. Kung hindi lang siguro siya nagtanga-tangahan. Baka matagal na niyang nalaman na ang ahas ay wala sa gubat, kundi nasa tabi lang niya.

 Nang umagang iyon ay nilinis agad niya ang kuwarto niya at pagkatapos ay nagtungo sa kusina para mag-init ng tubig na pang-kape niya. Napakunot-noo siya ng marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay niya habang naghihintay siyang kumulo ang pinaiinitan niya. Tumingin siya sa hugis bilog na orasan na nakasabit sa dingding malapit sa TV niya. The clock showed that it was five-thirty seven in the morning.

 Para malaman kung sino ang kumakatok, nagtungo siya sa pintuan at binuksan iyon. Gayon na lamang ang pagkabigla niya nang makita si Callan. Muntikan na siyang pangapusan ng hininga.

 Nakasandong itim ito na humahapit sa maskulado nitong pangangatawan at basketball shorts ang pambaba nito. Pawisan ang lalaki at parang kaybango pa rin nitong titigan. She tried not to stare at him. Itinatak niya sa isip na hindi siya dapat magpadala sa nakakaakit na pisikal nitong anyo. Pero 'tang-na lang, he could make her stare at him.

 Itinaas ni Kira ang kilay, paraan upang pagtakpan ang nararamdaman na paghanga sa lalaki.

 "Good morning, Kira." nakangiting bati nito, napakatamis ng ngiting iyon at napakahirap balewalain.

 "Anong kailangan mo?" kunwari'y iritang tanong niya.

 "Uh, puwede ba'ng makahingi ng mainit na tubig?"

Tuluyan na talagang umangat ang kilay ni Kira. Napansin niya ang mug na hawak nito. "At pumunta ka pa talaga dito para manghingi ng mainit na tubig? Hindi ba puwedeng magpakulo ka ng sa 'yo?"

 "Naubusan na ng laman ang---"

 "Ang mga palusot mo talaga." Gusto niyang isipin na pumapara-paraan lang ang lalaking ito. Pero bakit naman nito gagawin 'yon? Para namang napakaganda niyang babae. "Ang lapit-lapit ng coffee shop. Puwede ka namang pumunta doon tutal nag-jogging ka na rin naman."

 Nagkamot ito ng batok. "Gipit ako ngayon, eh. Ang mahal pa ng bilihin."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Lokohin mo pa ako!" Mas mayaman pa sa kanya ang lalaki.

 Natawa ito. "Pasuyo naman, honey."

 "Don't call me honey. One night stand can't change that i'm still taken."

 "Taken by who? By your cheating ex-boyfriend? Ang boyfriend mo na ipinagpalit ka sa isang babae na nangyaring kaibigan mo?" nang-uuyam ang ngisi nito.

 Her jaw clenched, and she tried not to look affected by his words. "Wala kang pakialam kung isang taksil ang boyfriend ko. Baka nakakalimutan mo, isa ka ring taksil na boyfriend, di ba?"

 Napakunot-noo si Callan. "What are you talking about?"

Napangisi si Kira. "Ang bilis mo naman makalimot, Callan." Nakataas ang kilay na tinitigan niya ang mukha nito. His blue eyes looked so confused. Base sa ekspresyon ng mukha nito, malinaw na hindi nito naaalala ang pangyayaring 'yon.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon