Chapter Sixteen

1M 21.5K 3.4K
                                    


 DAHIL sa sinabi ni Cadyuth-- Juice ko, ano kaya kung simulan na lang niya tawagin na Cad ang beking empleyado at huwag na lang dugtungan? Sa totoo lang, iba talaga ang dating sa utak ni Kira ang pangalan nito. It made her green, goodness!

 So, dahil sa sinabi ng beki, napag-isip isip ni Kira na baka nga isa siyang manhid. But how? Hindi naman siya manhid. Isa siya sa pinakamatalinong estudyante sa klase nila noong high school, ayon sa kanyang Math teacher.

 Pero sabagay. Tulad nga ng sabi ng kanyang adviser noon, hindi lahat ng problema ay nabibigyang solusyon ng kaalaman. Some problems are solved by human's feelings. Malakas ang kapangyarihan ng damdamin ng isang tao.

 Ayaw man niyang aminin sa sarili ngunit noon pa man ay nararamdaman na niya na may kakaiba sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Callan. Her heart's beating fast with the way Callan stared at her way back in high school.

 Subalit kahit nararamdaman niya ang kapirasong pagtingin na 'yon ng binata sa kanya, mas pinili niya ang ignorahin ito. She chose to ignore him, to ignore what she truly feels about Callan. Palagi niya sinasabi sa sarili na 'yon ang tama, iyon ang nararapat. Inilalayo niya ang sarili sa lalaki sa tuwing lumalapit ito. Inilayo niya ang damdamin sa binata at ibinaling ang atensyon sa ibang lalaki para makalimutan niya kung ano ang nagsisimula pa lang sumibol sa dibdib niya. Itinatak niya sa isipan na hindi si Callan ang uri ng lalaki na gugustuhin niyang mahalin. She always remind herself that to love him is to gamble.

 Alam niyang masakit ang magmahal kaya inisip niya na ang dapat niyang mahalin ay 'yong lalaking simple lang. Basta matalino, responsable at may pinag-aralan ay puwede na sa kanya.

 Kaya nang dumating si Jiro sa buhay niya at simulang manligaw sa kanya, walang kiyemeng sinagot niya ito.

 Malinaw pa rin sa alaala niya ang unang date nila bilang magkasintahan. Dinala siya nito sa isang kilala at mamahaling Italian inspired restaurant kung saan kumain sila at nagsaya. Jiro came from a wealthy family.

 She could tell that Jiro is also a good looking man. He's not supermodel handsome. Pero may katangian ito ng isang lalaki na parang laging bagong paligo. Hindi nakakasawa ang mukha, lalo na kapag ngumingiti ito. Lumalabas ang angking kakisigan.

 Ngunit may bahagi pa rin ng isip niya ang nagkukumpara sa lalaki kay Callan. Until now she still didn't understand kung paanong naikukumpara niya minsan ang dating nobyo sa mokong na 'yon. Yes, Callan was handsome. Alright. Very handsome.

 But he's not her type. He is not the kind of man who will take her seriously. Kung hindi niya alam ay kaliwa't kanan ang babaeng dinadala nito sa bahay nito. Isa itong pulis at mas lalo iyong nagpatingkad sa pagkalalaki nito, dahilan para mas dumami ang babaeng naaakit nito.

 Bago umuwi ay dumaan siya sa isang night bar. Then, she had a few drinks. Well, a little too much. Masyado kasi siyang napainom habang ang isip niya ay naglalakbay. Halos malunod siya sa mga isipin na may kinalaman kay Callan. Pinag-iisipan niya ng husto ang kondisyon na ibinigay nito sa kanya. Nakaakit ang lote na handa nitong ibenta sa kanya.. Ibigay pala sa kanya. Iyon ay kung papayag siya.

 Humugot si Kira ng malalim na buntong-hininga at hinilot ang sentido niya. Nagsisimula na umepekto sa kanya ang inumin. Nag-iwan siya ng bayad sa counter. Then, she started walking away. Mabibigat ang hakbang na dalaga na nagtungo sa parking area at saka sumakay sa kanyang kotse.

 Tahimik na nagmamaneho si Kira nang mapansin niya ang pagtigil ng isang kotse sa tabi niya. Sa hindi malamang dahilan ay bumaling ang tingin niya sa katabing kotse at gayon na lamang ang pagkabigla niya ng makilala ang nagmamaneho niyon.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon