Chapter Thirty

914K 16.6K 1.5K
                                    


"CALLAN, are you staying here for dinner?" sigaw ni Kira mula sa kusina. Kasalukuyan siyang naghahanda para sa pagluluto ng hapunan nila. Bagaman naririnig niya na bukas ang TV, walang tugon mula sa binata.

 Bakit kaya hindi sumasagot ang kumag na 'yon?

Lumabas siya sa kusina at nagtungo sa sala. Nakita niya itong prenteng nakaupo sa couch at nakatutok ang mga mata sa harap ng TV.

"Callan, dito ka ba—" Natigilan si Kira ng makita ang pinapanood ng binata. "Dragon Ball Z?"

 Napanganga siya. Hanggang ngayon pala ay fan na fan pa rin ito ng anime na 'yon? "P-Pinapanood mo pa rin 'yan?" Natatandaan niya noon na madalas niya itong nakikitang nanonood ng anime sa bahay ng mga ito kapag sinasamahan niya ang kanyang ina sa pagtatrabaho. Kasama sa mga paborito nitong anime ay Ghost Fighter.

 Bahagyang tumango si Callan, hindi maalis-alis ang tingin sa palabas. "Old habits die hard," maikling wika nito.

 Pigil ni Kira ang matawa ng malakas. "Ang tanda-tanda mo na para manood pa ng ganyan! Seriously, Callan? Anime pa rin ang pinapanood mo hanggang ngayon?"

 "Yeah. What's the problem with that?"

 "Wala lang." At hindi na niya napigilan ang tawa. Napaupo siya sa tabi nito habang tumatawa. Maang na napatingin sa kanya si Callan. Salubong ang kilay nito.

 "Oh, boy. Don't give me that look!"

 "Why not? You're teasing me." He glared at her.

Mamamatay na yata si Kira sa kakatawa. "Come on! Kahit sino naman matatawa. Isang matipuno at machong pulis ang hanggang ngayon ay nanonood ng anime!" She burst out laughing hard. Ang babaw na yata ng kaligayahan niya ngayon.

 Callan frowned. "Fine," he said. Pagkatapos ay pinatay ang TV at tahimik na lumabas. Napatigil siya sa pagtawa. Ay, teka.. Nagtampo ang mamang pulis? O baka naman nahiya sa kanya dahil tinatawanan niya ito?

 Bumuga siya ng hininga at napangiti. Babalik na sana siya sa kusina para magluto nang muling pumasok sa bahay si Callan.

 "O, nagbalik ka. Manonood ka ulit ng Dragon Ball Z?" panunudyo niya.

He matched her grin. "No. I'm gonna watch a romantic movie with you. Tutal hindi na nga pala tayo teenagers pa. Enough of anime, right?"

 Hindi alam ni Kira kung bakit parang kinabahan siya sa sinabi ni Callan. Base sa ngisi nito, tila may binabalak itong hindi kaaya-aya.. Isinalpak nito ang movie at nagsimula na iyong magplay.

 "Come here, hon." Hinila nito ang kamay niya at umupo siya sa tabi nito. Umakbay ito sa kanya at binigyan siya ng makahulugang ngiti. "Bakit hindi ka na tumatawa ngayon?"

 "Eh, ano pa ang tatawanan ko? Teka, ano bang movie 'to? Magluluto pa ako ng hapunan natin."

 "Don't bother. Puwede naman akong umorder mamaya sa malapit na fast-food chain. For now, just enjoy the show." Hinalikan nito ang noo niya. Pagkatapos ay inihilig siya nito sa balikat at tahimik na nanonood sila. Napangiti na rin siya. He was really sweet. Ngunit paglipas ng ilang minutong panonood ay nagtitili si Kira. Malakas na humalakhak si Callan.

 "Walangya kang lalaki ka! Akala ko romantic, 'yon pala bold!" Pinaghahampas niya ito ng unan. Tatawa-tawang umilag ang lalaki.

 "That's what you get from teasing me, hon!"

 "Letse! Patayin mo nga 'yan!" Sa susunod hindi na niya ulit ito tutuksuhin. Dahil sa panunukso niya sa binata sa panonood ng anime, pinanood siya nito ng p0rn!

 "Ayaw ko nga. Matapos mo akong pagtatawan kanina."

 "Callan!" sigaw niya dito. Nag-iinit ang pisngi niya sa mga ungol na naririnig niya mula sa palabas. "Ang lakas-lakas ng sounds! Nakakahiya sa kapitbahay!"

 Bahagyang hininaan nito ang volume. Ngunit malinaw pa rin sa pandinig niya ang malakas na ungol ng babae at ang tunog ng pagsasalpukan ng dalawang katawan. Jusmiyo, aatakihin yata siya ng wala sa oras! "Callan, patayin mo na nga 'yan. You're not funny!"

 "Hindi naman talaga ako funny? I'm hot!" sinundan nito 'yon ng halakhak.

She glared at him. "I'm serious, Callan. Kapag hindi mo pa pinatay 'yan, ako mismo ang magpapatay niyan. At hindi ka na makakatuntong ulit dito sa bahay ko."

 "Problema ba 'yon? Puwede naman kitang dalhin sa bahay ko kung di mo na ako papasukin dito."

 "CALLAN!"

 "Okay, okay! Masusunod na mahal kong reyna." Pinatay na nito ang TV at kinuha ang bala nito ng p0rn. Ngumisi ito sa kanya pagkatapos. Nakapameywang na tinaasan niya ito ng kilay.

 "Ano na naman?"

 "Wala ka pala, eh. Isang bala ka lang." ang tinutukoy ay ang isinalang na X-Rated Film.

 "Sus. Manyak ka. Tanda-tanda mo na nanonood ka pa ng porn?"

 "Bakit, alangan namang bata ang manood ng ganoon?"

 "Heh!" Umupo siya sa couch. "Paano 'yan, nagugutom na ako. Tinatamad na ako magluto. Bili ka na ng makakain natin."

 "Say please?"

 "Arte mo naman. Ipapaalala ko lang sa 'yo, ha? Tungkulin ng mga boyfriend na pagsilbihan ang girlfriend nila. Palibhasa, sanay na sanay ka na ikaw lagi ang pinagsisilbihan, eh. Sa akin, di puwede 'yang mga da moves mo. Ginusto mo akong maging girlfriend, magpakahirap ka ngayon."

 Napangiti si Callan at tumabi sa kanya. "Ibig sabihin ba niyan, tinatanggap mo na ako bilang official boyfriend mo?"

 "Bakit, may choice pa ba ako?"

 Umiling ito, kapagkuwan ay niyakap siya ng mahigpit. "Wala ka ng choice, hon. You're mine now.. Just mine." Inilibing nito ang mukha sa leeg niya at pinaghahalikan siya doon. Hindi niya napigilan ang pagngiti at pagyakap dito. Hinila siya ng binata hanggang sa mapaupo siya sa kandungan nito. She could not help shuddering as he took deep breaths of her scent.

 "Callan... Stop distracting me!"

 Parang batang humagikhik ito sa leeg niya. "Is it working?"

Pairap na tiningnan niya ito at kinurot ito sa tgiliran. "Puro ka talaga kalokohan! Bumili ka na ng kakainin natin."

Ngumisi ito. "Bakit pa bibili? Puwede naman nating kainin ang isa't isa? Ikaw lang, sapat na."

"Callan!" Nag-iinit ang pisngi na bulalas niya. She felt his maleness stirred and she wanted to groan. He pressed her body to his. Naramdaman niya ang katibayan ng pagnanasa sa pagitan ng hita nito. "Uh, Callan.. B-Bitawan mo na ako." pagtanggi niya kunwari. She licked her lips innocently.

"Uh-huh." Napakagat labi ito at napatitig sa mga labi niya, pababa sa dibdib niya. Nakasandong itim lang siya at base sa kislap ng mga mata nito, lubos itong nasisiyahan sa nakikita.

"Eyes up here," she snapped. Nginisian siya nito.

She rolled her eyeballs. "Kung di mo pa ako pakawalan ngayon, ibe-break agad kita. Sige ka." seryosong saad niya.

Mabilis pa sa alas-kwatro na pinakawalan siya nito. "Tatakutin mo pa ako. Bibili na nga."

Napangisi siya. Kahit nakangiti ito, nasilip pa rin niya ang kaunting takot sa kulay asul na mga mata nito. Hinalikan muna siya nito sa labi at umalis na.

Nangingiting tinanaw niya ang binata.

Hmm... Sino nga naman ang makakapagsabi, kaya pala niyang mapa-Andres de Saya si Callan?

The thought sent shivers down her spine. Hindi niya maitago ang kilig sa ngiti hanggang sa makabalik si Callan at magkasabay na kumain sila habang nagkukwentuhan sa kung-ano anong bagay.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon