Chapter Fifty One

492K 10.6K 522
                                    


 UMALIS din ang mga magulang ni Kira pagkatapos nilang mag-almusal. Callan offered them a ride, but her mother refuse.

 Hindi na siya nagtaka pa. Hindi maganda ang daloy ng mga pangyayari. Something is not right. May mga tanong sa isip niya na hindi masagot-sagot.

 Bago tuluyang umalis ang mga magulang niya, nakita pa niya na saglit na kinausap ng ama niya si Callan. Seryoso ito, pero hindi niya masasabi na ayaw nito kay Callan.

 "Anong sinabi sa 'yo ni Papa?" tanong ni Kira kay Callan nang magkasolo na ulit sila nito. "Ipinagbilin ka na niya sa akin," sagot nito.

 Umangat ang kilay niya. "You mean?"

 "Sabi niya, ingatan ko ang kanyang anak at ang apo niya."

Tumango siya. Too bad hindi sila masyadong nakapag-usap ng Papa niya. Parehong magugulo ang isipan nila. "Hindi ba siya galit sa 'yo?" tanong niya kapagkuwan.

 "Bakit siya magagalit sa 'yo? Sa 'yo siya galit."

 "Bakit naman sa akin siya magagalit? Wala akong ginagawang masama."

 Ipinagkrus nito ang matipunong braso sa dibdib at diretsong tinitigan siya. "Isinekreto mo sa kanya ang tungkol sa atin. Pati ang pagbubuntis mo sa anak natin hindi mo pa rin ipinapaalam sa kanya. May karapatan siyang magalit sa 'yo dahil bilang ama may karapatan siyang malaman ang mga totoong nangyayari sa anak niya. But you didn't let him know that. You didn't let your parents know your condition." Daig pa nito ang kanyang Papa na mag-sermon.

 Hindi tuloy niya naiwasan ang pagtaas ng kilay. "Sinesermonan mo na ba ako n'yan?"

 Naningkit ang mata ni Callan. "Oo."

 "Okay. Tapos ka na?" Tatalikuran na sana ni Kira ang binata ngunit hinagip nito ang braso niya. Naiiritang tiningnan niya ang binata. "What?"

 "I believe you have something to explain to me."

 "Wala akong dapat ipaliwanag, Callan. I'm not in a good mood kaya please, papasok muna ako sa kwarto."

 "Okay. Let's go to your room, then."

 "Ano? Wala ka bang duty ngayon?"

Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Duty? Nah. Ikaw lang ang gusto kong duty-han."

 She almost rolled her eyeballs. "What i mean is... Hindi ka pa ba papasok sa trabaho mo?"

 "How about you? Hindi ka rin ba papasok sa work mo?" balik tanong ni Callan. Umangat ang kilay ni Kira at pinameywangan ang binata.

 "Nope. Negosyo ko naman 'yon at hawak ko ang sarili kong oras. So, kahit di ako pumasok, may kikitain pa rin naman ako. How about you, Mr. Fontanilla?"

 Mayabang na ngumiti si Callan. "Do you really want me to answer that?"

 "Bakit hindi?"

 "Well, ayoko naman magtunog mayabang kung sasabihin ko sa 'yo na kahit di ako magtrabaho ngayon, tulad mo may kikitain pa rin ako. Mas malaki nga lang."

 "Yabang." Inirapan niya ito.

 "And aside from the business that i owned, i also have you, Kira." Hinagilap nito ang beywang niya at sa isang iglap, tila isa siyang maliit na ibon na nakakulong sa pakpak ng isang malaking agila. He caged her between his powerful arms, her face buried into his chest.

 Nalanghap niya ang panlalaking amoy ni Callan, nakakaakit at masarap langhapin.

 "You need to explain." bulong nito sa tenga niya.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon