Chapter Sixty Three (Part 1)

517K 10.5K 741
                                    


"I'M JUST really wondering kung ano ang dahilan at umuwi ka kaagad sa Pilipinas."

 Umangat ang isang kilay ni Callan at naaaliw na tumingin sa kanya. "Hon, hindi ko na yata mabilang sa daliri ko kung ilang beses mo na 'yang sinabi mula pa kanina. Sabihin mo lang kung ayaw mo na akong makita pa."

 "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Tatlong araw kang hindi tumatawag at nagpaparamdam sa akin, tapos bigla ka na lang susulpot na parang kabuti. Syempre, hindi ko naman maiwasan ang magtaka, di ba?"

 Sa imbes na sumagot, nginitian lamang siya ni Callan. Frustrated na tumahimik na lang si Kira. Kung mayroon lamang siguro siyang abilidad na mapasok ang isip ni Callan at mabasa ang mga iniisip nito, siguro kanina pa niya nalaman kung ano ang pinaplano nito. Pinag-suot pa siya nito ng puting bestida na hanggang tuhod. Maganda ang tela niyon na bumagay sa kutis niya. Halata na rin ang maliit na umbok sa tiyan niya.

 Ilang sandaling namayani ang nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse.

 Hindi na siya nakatiis at muling nagtanong, "Saan mo ba ako dadalhin?"

 "Secret," sagot ng lalaki habang seryosong nakatingin sa daan.

 "Bwisit. May pasecret-secret ka pang nalalaman."

Maikli at paos na tumawa si Callan. Inirapan niya ito. Mayamaya ay tumigil ang sasakyan sa compound ng munisipyo. Nagsalubong ang kilay ni Kira. "Ano'ng gagawin natin dito?"

 Pinagbukas siya si Callan ng pinto at inalalayan sa pagbaba. Nakita ni Kira ang pagkasabik sa asul na mga mata nito habang nakatingin sa mukha niya. Naghahalo ang pagmamahal at paghanga doon.

 "Callan, naguguluhan ako. Ano ba ang ginagawa natin dito? Puwede ba'ng magpaliwanag ka muna bago mo ako tunawin ng titig mo?" nawawalan na ng pasensya na tanong ni Kira.

 Humugot ng hangin si Callan at nagsimulang magsalita. "Alam kong mabilis ang mga nangyayari sa atin, Kira. Alam ko rin na hindi boto sa akin ang mga magulang ko at aware din ako na mayroon din tensyon na nagaganap sa 'yo at kay Mommy," tumigil ito at hinaplos ang pisngi niya. Madamdaming na kumislap ang mga mata ng binata.

 "Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga magulang natin at tutol sila sa kung ano ang mayroon tayo ngayon. They don't want us to be together. But one thing is for sure, hindi ako makakapayag na maging dahilan iyon para putulin nila kung ano ang iniiangatan natin. Ikaw lang ang gusto kong mahalin, Kira. Ikaw lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Ikaw lamang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. I can't imagine myself living without you. You're my life, Kira. And will always be."

 Namasa ang mga mata ni Kira sa madamdaming pahayag ni Callan. And then, she found herself crying. Mahigpit na niyakap siya ni Callan at nagsalita sa tenga niya. "Hindi ko sinabi 'yon para umiyak ka."

 "I just can't help it. Nahihirapan din kasi ako. Hindi ko alam kung anong problema nila sa atin, kung ano ang ginagawa natin na hindi nila magustuhan."

 "Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. But i don't care about them. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ikaw, ang magiging anak natin at ang makasama ka sa hinaharap. That's i brought you here."

 "W-What do you mean?"

 "I mean, i want to marry you. I want to share my life with you forever."

Napatanga siya.

 "I'm sory hindi ko agad sinabi sa 'yo ang plano ko. Tiniis ko ang tatlong araw na hindi ka tawagan para mapaghandaan ko kung ano ang mga planong gagawin ko pagbalik dito sa bansa. At para na rin tanungin ka." Dinukot nito sa isang bulsa ang maliit na kahon.

Binuksan nito iyon at ipinakita sa kanya ang isang mamahaling engagement ring. Nagningning sa tama ng sikat na araw ang kulay asul na batong nakadisenyo sa singsing.

 Lumuhod si Callan sa harap niya at tumingala sa kanya, "Will you marry me, Kira Martinez?"

Muling tumulo ang mga luha niya sa kasiyahang pumuno sa dibdib niya. "Yes! Yes I'll marry you!"

 Tumayo si Callan at isinuot ang singsing sa daliri niya. Then, he hugged her and kissed her passionately. Puno ng pagmamahal na tinugon niya ang halik ni Callan. Habol-habol niya ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

 "We'll get married as soon as possible. Pero okay lang ba sa 'yo ang civil marriage?  Sa sitwasyon natin ngayon, ito muna ang kaya kong ibigay sa 'yo. Gusto ko lang na makasiguradong akin ka na. Akin lang," may diin sa huling pahayag ni Callan at hindi niya maiwasan ang mapangiti ng todo.

 "As long as you will be my husband, walang problema sa akin," sagot ni Kira.

He kissed her again. Mabilis na naproseso ang pagpapakasal nila ni Callan sa huwes. Madali silang nakakuha ng marriage license at nakapag-set na sila ng appointment sa judge. Si Themarie at ang kaibigan ni Callan na si Andrew ang tumayong witness nila ng araw ng kanilang kasal.

 Masaya si Kira. She was finally married to Callan. Hindi na siya mangangamba pa. Tila naglaho na parang itim na ulap ang mga alalahanin niya. Wala nang makakahadlang pa sa kanilang dalawa. At alam niya, magiging masaya ang pagsasama nila ng binata.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon