Chapter Thirty One

1M 18.7K 2.1K
                                    


"KAYO na ba ni Callan, Kira?"

 Napalingon si Kira sa manager ng Shakira's na si Themarie. Kararating lamang niya doon at tinatanaw niya ang paglayo ng sasakyan ni Callan. Hinatid kasi siya ng binata doon dahil nasira ang kotse niya. Ito na daw ang bahala sa pagpapaayos ng kanyang sasakyan.

 "Huh? Bakit mo naman naisipan mag-usisa bigla sa love life ko?"

Nakangiting tinapik siya nito sa balikat. "Kasi blooming ka."

 She snorted. "'Yon lang? 'Pag blooming ba ang isang babae, may boyfriend na agad?"

 "Hindi naman sa ganoon. Puwede din naman na inspired lang ang isang babae kaya mukha itong blooming. O di kaya ay may bagay na mga nagpapasaya sa kanya."

 "Yeah, right. Inspired lang ako."

Hindi niya mapigilan mapangiti nang maalalala na naman si Callan. Wala sa plano niya ang magpahatid sa binata, ngunit nagpumilit ito na ihatid siya nito. Hindi na siya nag-inarte pa. Almost one week na itong natutulog sa bahay niya at wala siyang reklamo doon.

She love spending nights with him. Naroon nanonood sila ng pelikula sa kanyang sala habang magkatabi sa sofa niya. Nakaakbay ito sa kanya habang siya ay nakaunan sa balikat nito. Nakaramdam siya ng kakuntentuhan sa mga simpleng bagay basta kasama niya ito.

 "Yes, you are, Kira. Inspired ka kay Callan. Inlove pa." walang halong panunukso sa boses nito.

Tuluyan ng nagsalubong ang kilay niya. "How can you say that?" Ngumisi ang kaibigan. "Kira, kahit naman yata tanga, madaling mahuhulaan na may relasyon na kayo. 'Yong tinginan n'yo sa isa't isa bago siya umalis, pak na pak!"

 Nag-init ang pisngi niya. Hindi niya namamalayan na may pagkakataon na nagkakatitigan sila. She love staring at his blue eyes. Kaya siguro minsan kahit nakapikit na siya ay tila nararamdaman pa rin niya ang mga mata nito na nakatitig sa kanya.

 "Well, masaya ako para sa inyo ni Callan, Kira. Finally, nagpakalalaki na ang mokong na 'yon at hindi na nagpakatorpe pa sa 'yo. Nagawa ka rin niyang ligawan."

 "Ha?" Nagtatakang napatingin siya sa kaibigan. "Anong ibig mong sabihin?"

 "Ay, di ba, noon pa yatang high school tayo nagbabalak manligaw sa 'yo ang lokong 'yon? That's what i heard from Andrew and Calvin before kapag nag-uusap sila sa likod ng gymnasium. I'm such a stalker 'no?" tatawa-tawang sabi nito.

 Napatulala si Kira. Hindi niya nagawang makapagsalita hanggang sa umalis na si Themarie sa harapan niya para simulan ang pagta-trabaho. Naiwan siyang naguguluhan.

 Tinangka siyang ligawan ni Callan noong high school? Really? Napailing siya.

That's hard to believe.

Ipinagpalagay na lang niya na mali ng narinig si Themarie noon. Dahil imposible na may gusto na sa kanya noon ang binata gayong papalit-palit ito ng magagandang girlfriend.

 Nang hapon na 'yon ay bumisita si Callan sa Shakira's. Naka-uniporme pa ito at halatang isiningit lamang ang pagpunta doon.

 "O, akala ko ba naka-duty ka?" natarantang tanong niya sa biglang pagpasok nito sa opisina niya. Hindi pa siya nakakapagsuklay ng maayos o kaya nakakapaglagay ng polbo at lipstick. Hindi niya alam kung kailan siya huling naging concious sa itsura niya.

 Nagulat ang dalaga nang abutan siya ni Callan ng isang pumpon ng bulaklak at kahon ng tsokolate. "Ano 'to?" nabiglang tinanggap niya ang inabot nito.

 Puno ng tamis na ngumiti sa kanya ang binata. "That's for you, hon."

 "For me?" Nagalak siya. Hindi niya alam kung paano magrereact. "Di ka na sana nag-abala pa." Kumislap sa tuwa ang mata niya at sumilay ang ngiti sa labi niya.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon