Chapter Thirty Three

851K 16.3K 1K
                                    


SHE COULDN'T sleep that night. Kanina pa siyang inihatid ni Callan mula sa restaurant and bar na pinuntahan nila. Halos isang oras lamang siya nagsaya roon. Ngunit agad din siyang inihatid ni Callan sa bahay dahil may biglang dumating na trabaho dito.

 Hanggang ngayon ay laman pa rin ng isip niya ang mga sinabi ni Callan kanina. Naghahalo-halo ang mga emosyon sa dibdib niya. She was confused..

 So confused.

 Habang binabalikan niya ang naging pag-uusap nila ng binata, umaalingawngaw naman sa isipan niya ang boses ni Themarie. Dahilan upang mas lalo siyang hindi makatulog. She wanted to know the truth. Nagsisisi ang dalaga na hindi pa niya kanina pinakinggan na sabihin ni Callan kung sino ang babaeng tinutukoy nito. Sa halip ay iniba pa niya ang paksa.

 Maybe she was afraid.

 Natatakot siya na baka mali siya ng hinala. Baka mag-assume lang siya sa isang bagay, tapos malalaman lamang niya na nagkamali lang siya ng akala. Sino ba ang masasaktan kung sakali? Siya rin. Masasaktan siya dahil umasa siya.

 Kung may namamatay sa maling akala, meron ding nadudurog ang puso sa maling pag-asa.

 Naaalala niya 'yong nangyari noon na inaya siya ni Callan sa JS prom. Halos umasa na siya noon na kaya siya ang inaalok nito na maging prom date ay dahil may gusto ito sa kanya. Ngunit ang malaman na ginamit lang siya ng binata para mahiwalayan nito si Millen. Labis siyang nadismaya kay Callan. But maybe, he was still immature that time kaya wala itong pakialam kahit may masaktan ito basta makuha ang gusto.

 ".. Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil hindi tama na patuloy ko siyang paasahin na mahal ko siya. Bago pa man maging kami ni Millen, may mahal na akong ibang babae."


 Gusto na niyang isipin na siya ang babaeng mahal nito noon pa man.. Pero kailangan din niyang itatak sa isip na kung siya ang babaeng tinutukoy nito, bakit ngayon lang?

 Bakit ngayon lang ito ngparamdam? Natatandaan niya nang mag-"i love you" ito sa kanya sa telepono. That's not enough for her. Madaling sabihin 'yon. Kulang ang mga paliwanag nito at marami pa siyang gustong marinig sa binata.

 Bumuga siya ng hangin at pinipilit na pawiin ang nararamdaman na paghapdi ng sikmura. Bumaba siya ng kama at nagtungo sa kusina. Mabuti pa ay magtimpla siya ng gatas. Baka makatulog na siya kapag nakainom na siya no'n.


 Nang sumunod na araw, habang tinutulungan niya ang mga staff niya dahil maraming customer sa Shakira's ng araw na 'yon. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Hunt.

 "Puwede ka ba mamaya, Kira?" tanong nito. "Yayayain sana kitang magkape mamayang hapon. And have a little chat with you."

 "Err.. Free naman ako mamayang hapon."

 "So puwede ba tayong magkita mamaya sa dating pinupuntahan natin?" Ang tinutukoy nito ay ang Sweet Cafe. Tuwing wala silang klase noon, lagi siya nitong niyayaya doon at nililibre. She missed the old times. Masarap din kasing kasama si Hunt at matagal-tagal na rin niya itong hindi nakakakuwentuhan.

 "Sure." pagpayag ni Kira. Balak sana niya itong dalawin sa opisina nito. Hindi pa niya ito nakikita mula nang ihatid siya nito kagabi at hindi niya maipagkakailang nami-miss na niya agad ito.

 May panibago itong kaso na hahawakan. Alam niyang mas magiging abala ito sa kanya. Pero siguro, makakatulong sa kanya kung muna ito makikita. Sa itinakbo ng usapan nila kagabi sa kotse nito, naguguluhan pa rin siya.

 Bandang alas-singko ng hapon ng makipagkita siya kay Hunt. He was wearing a simple V-neck shirt. He looked so boyishly handsome as he stared at her.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon