Chapter 51 - Unexpected Incident

478 16 0
                                    

Enjoy Reading Guys ^__^

*************

" Unexpected Incident "

- Daniel's POV -

Pagkatapos ng nangyaring pag-uusap namin ng mga magulang ko ay hindi na naging usapan pa sa mga lumipas na araw ang nangyari pwera na lamang kung may mga taong nagrereport kay Dad tungkol sa kumpanya. Bumabalik na din sa normal ang lahat ng kaganapan dito sa bahay lalong lalo na si Mom. Naging tulala ito sa mga nakaraang araw at nawawalan ng gana kumain pero unti unti namang bumabalik ang kanyang sigla ng marinig niya mula kay Dad na nasasagot na ang kinakaharap nilang problema ngayon.

Nasabi ko na din kay Tito Lionel ang tungkol sa napag-usapan namin ni Dad at parehas sila ng payong binigay sa akin at yun ay ang sabihin ang lahat ng mga nangyayari ngayon kay Shayne dahil siya na mismo ang nakapagsabi sa akin na walang kaalam alam si Shayne na nagtatrabaho siya sa kumpanya namin. Nangako ako kay Tito Lionel na hanggat maaga pa ay sasabihin ko ang lahat lahat sa anak niya. Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong umuwi sa bahay at dumiretso sa kwarto. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay agad akong humiga sa kama at ipinantakip ang kanang bisig sa aking mga mata.

" 8pm na! Nagagawa na kaya ni Shayne ang mga questionnaires at ang mga score sheets ? " Iyan ang katanungang umiikot sa aking isipan pagkahigang pagkahiga ko sa kama. Isinantabi ko pansamantala ang reponsibilidad ko. Ginamit ko ang kanang bisig ko para takpan ang aking mga mata at makapag-isip isip.

Natapos ko na kasi ang lahat ng mga drafts para sa mga advertisements na gagamitin namin sa B.A Week at nasa iniimprenta na ang lahat ng ito at yung pinapagawa ko na lamang kay Shayne ay hinihintay ko. Nakikita ko naman na sinusunod niya ang sinabi ko sa kanyang huwag muna sumama sa anumang lakad nila ni Nicko at unahin niya muna ang mga dapat niyang gawin. Masakit man para sa akin na makita silang magkasama pero iyon ang nararapat at kailangan ko din pakisamahan si Nicole dahil alam ko na alam na niya kung ano ang pinag-usapan namin ng pamilya ko at siya rin ang may pakana ng lahat ng mga nangyayari ngayon.

Kung tutuusin nga, harap harapan kong sinasaktan ang babaeng mahal ko pero kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya pinipilit na huwag maapektuhan sa mga nakikita niya at ang pinakamasakit sa lahat ay ang mga dapat na pag-aasikaso na pinapakita ko kay Nicole ay sa kanya ko dapat ginagawa kagaya na lamang ng paghatid sundo ko sa kanya, makadate at gumawa ng mga alaalang alam kong dadalhin namin hanggang sa maging kami.

Matapos lang talaga ang lahat ng ito, pupunan ko ang lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya at mas una kong pag ay kung paano niya tatanggapin ang lahat ng ito. Alam ko na may mga pagkakataong gusto na niya ako makausap pero sadyang mapait ang tadhana at napipigilan niya si Shayne sa gustong gawin nito.

" Makamusta nga yun at baka nagtatampo na at para macheck na din ang progress ng quiz bee." Inalis ko ang kanang bisig ko mula sa pagkakatakip nito sa mga mata ko at ginamit ito para hanapin sa side table ang phone ko. Nang makita ko na ang hinahanap ay bumangon ako at naupo sa kama.

Iyan lang muna ang magagawa ko sa ngayon, ang tawagan siya at ang panaka panakang tingin sa kanya habang nagkaklase. Napatingin ako sa wallpaper ko. Isang litrato ng nakangiting Shayne ang nakikita ko. Hindi niya alam na madami akong stolen pics niya dahil na rin sa tulong ni Kiro na nakita ko nung isang araw na lihim na sinusundan si Shayne at kinukuhanan ng litrato. Dito ko na din nalaman na inutusan siya ni Nicko para gawin ang lahat ng iyon. Nang tanungin ko siya kung bakit siya inutusang gawin ito, hindi siya sumagot at sa halip ay tumakbo palayo.

Dinayal ko mula sa screen ang numero niya at agad na gumawa ng tawag. Mabuti naman at nagriring ito at alam ko na sa mga oras na ito ay nasa bahay na siya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay sinagot na din niya ang tawag. Agad na nagrehistro sa mukha ko ang saya na ang ngiti ko pa nga ay lagpas lagpas na sa tenga.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now