SPECIAL CHAPTER

867 20 1
                                    


(WYX AND NISHA CROTIA)

BAHAGYANG nilipad ng hangin anf buhok ni Nisha Croatia habang nanatili siyang nakatago sa dalampasigan.

Nag- aagaw dilim na ang kalangitan at sa lumamig ang hangin na dumampi sa kanyang balat.

Rinig pa niya ang mga tawanan ng nagkakasiyahan at di kalayuan. Napadaing na siya nang nangibabaw talaga ang tinig ng kangang baliw na kambal at si Helman.

Ngunit sa gitna ng kasiyahan.. di niya magawang sumaya. Ewan niya ba ba't ang lungkot-lungkot ng puso niya gayong maayos na ang lahat.

Naabot na niya ang pangarap niyang maging isang sikat na fashion designer kaso bakit parang may kulang?

"Lalamigin ka rito."

Isang baritono ang boses ang nagpapaintad sa kanya. Nag init ang pisngi niya nang hubarin ni Wyx ang suot na coat para ibalot sa kanya para di siya lamigin.

"D- Di ko kailangan 'to!" Akmang isasauli niya ang coat kay Wyx ng samaan siya nito ng tingin.

"Suotin mo yan o susuotin mo?" May banta sa boses nito.

Tiklop siya pagkarating sa lalaki. Kaya pigil na mapapikit na lang niyang isinuot ang mabangong coat nito.

Oh, how she misses his scent..

"Why do you care?" Pinilit niyang wag mautal.

Bahagyang nataranta ang kalooban ng lumapit ito sa kanya at tumabi. Nakapamulsa na itong sumeryoso.

"Ang ganda ng paligid, pinapangit mo. Tsk."

Napairap na lang siya para pigilan ang maluha. Saglit na namayani ang katahimikan.

"I'm so proud of you.." Marahang anas ni Wyx. Nasa karagatan parin ang tingin. " Baby, you finally made it."

Tuluyan ng nalaglag ang pinigilan niyang mga luha. "I'm sorry for l- leaving you, Wyx."

"Naiintindihan ko.. pangarap mo ang kalaban ko, Crotia. Kaya sino ako para pigilan ka?" Paos na saad ni Wyx dahilan kung bat mas lalong sumakit ang puso niya.

"D- Di naman talaga ako aalis kong.. kong di lang dahil sa mga maling akala eh!" Pinigilan niya ang mapahikbi.

"What? You think I cheated on you? Is that the reason why you fvcking broke me up?" Ginulo ni Wyx ang buhok. "Ang baba ng rason mo, Nisha Croatia.." Umigti ang panga nito at napailing. "Alam mo namang di ko yan magagawa sa'yo. Ikaw lang ang ... babae sa buhay ko."

Kinagat niya ang pang iibang labi. Ang baba daw pero gabi- gabi kaya niya iyun iniyakan! Muntik na nga siyang magsuicide!

"Alam mo namang natrauma na ako dun dahil sa past relationships ko, Wyx!" Napahikbi na siya. "Kaya tatanggapin ko ang galit mo. Kasalanan ko naman eh. Imature kasi ako.."

Marahas na napabuntong hininga na lang si Wyx at pinaharap siya. Marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"Shh.. Baby, tahan na.. di na ako galit."

Mas lalo siyang napahikbi at di mapigilan na yakapin ito ng mahigpit. "Wyx.."

Naramdaman niya ang paghaplos ni Wyx sa buhok niya. "Sa sobrang tindi ng pagmamahal ko sa'yo.. di ko magawang magalit sayo."

Napasinghot siya. "Mahal na mahal rin kita, Wyx.. Tanggap kita kahit na marupok ka.."

Isinubsob niya ang mukha sa matigas na dibdib nito. Bahagyang pumikit.

"Tsk. Talaga? At talagang may pahabol pa, ha." Sumilip ang ngiti sa labi ni Wyx.

"Oo nga! Kung ayaw mong maniwala. Edi don't."

"Akala ko.. may iba kana.. kaya nga ngayon lang ako naglakas loob na lumapit sayo kasi takot akong.." Napapikit na lang ito ng mariin. Bumilis ang paghinga.

Bahagya siyang kumalas mula sa pagkakayakap at sinilip ang mukha nito. "Wala ng iba kaya pakalasan mo na ako.." Wala nang hiya na saad niya. Di na niya kaya pang mawalay ito sa kanya. "Ang gwapo mo na kaya!" Hinawakan niya ang panga ng lalaki. "Saka Doctor na at ang loyal pa! Sino ang di maiinlab sayo?" Titig na titig siya sa kulay asul na mga mata nito na pumungay.

"Liligawan pa ulit kita, Nisha Croatia."

Umismid siya rito. "Pwede namang ligawan mo ako kahit na kasal na tayo."

Tuluyan nang napahalakhak si Wyx sa naging reaksyon niya.

Sumimangot tuloy siya. "Anong tinatawa -tawa mo dyan, haber?" Suplada niyang ani pero lumambot ang puso nang makita ulit itong tumawa dahil sa kanya.

"Woman.. you really driving me crazy.."

Napasinghap na lang siya nang mapangahas na kumabig sa batok niya ang palad nito at sa isang kisapmata, sinakop na ng mga kabi nito ang kanyang mga labi.

Gulat man, namalayan na lang niyang pumalibot ang mga braso rito at sumabay sa mapusok at malalim na halik ng lalaki.

Napahalinghing na lang siya ng nagsimulang kumilos ang mga kabi ni Wyx.. ginagagad ang galaw ng mga labi niya.. ninanamnam ang tamis na inihahatid sa kanyang buong pagkatao.

"Baby.."

Parehas silang habol ang hininga ng bumitaw sa isa't isa.

"Hmm?" Lasing na lasing niyang untag.

"Tara sa kuwarto.."

"Anong gagawin natin sa kuwarto?"

"Mag- usap." Ngisi nito. May kakaibang kislap sa mga mata.

Napahagikhik na lang siya. "Ay bet ko yan, love!"

Napatawa na lang si Wyx at walang sabi- sabing binuhat siya. "Itatali na kita, Nisha Crotia.."

Sumiksik siya sa leeg nito.

"Handa na akong mapatali basta ikaw.. Uvewyx. ."

                            ***

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now