CHAPTER 57

649 21 0
                                    

CHAPTER 57
   RAGE

THIRD POV

RAMDAM ni Maxella ang panlalamig sa katawan. Kung nakatayo lang sya ay malamang, natumba na sya dahil sa nanghina ang kanyang dalawang tuhod.

Ramdam nya rin ang pamamanhid sa katawan. Ang mga libo-libong parang karayom na tumutusok sa kanyang dibdib.

Napasinghap siya upang makasagap ng hangin. Habang ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa nakakalulang flat-screen TV. Gusto nyang magpumiglas upang wakasan ang isang bagay na gumising sa kanya sa katotohanan. 

Subalit bukod sa nakatali ang kanyang mga kamay ay hindi nya rin maigalaw ang sarili.

Napako lang sa screen ang paningin nya habang pinanood ang mga ginawa ni Azekelle lingid sa kaalaman nya.

Nagplay pa doon ang isang clip kung paano nito p*tayin sa isang Tortured Room ang isang taong bugbog sarado at walang laban.

Nablangko pa lang ang utak nya at halos hindi magsink in sa kanyang utak kung gaano pala kawalang puso at kabrutal ang isang taong minahal nya.

Ibang tao ito sa nasabing clip. Ibang-iba. Parang hindi na nya ito makilala. Iba na ang awra.

Ngunit ang tanong, matatanggap ba nya sa puso nya ang madilim na pagkatao nito? Mababago ba ang kanyang pananaw at tatanggapin ang buo nitong pagkatao? O kamumuhian nya rin ito katulad ng pagkamuhi nya sa mga pumatay ng tao?

On the other hand, Tracy Davis can't help to smirk when she saw how shocked she was while staring blankly on the screen.

She pause the video clip for a while and laughed.

"Cut na muna. Di pa lang iyan ang malalaman mo ngayun, Maxella. Kaya wag ka munang manghina."

Sinadya nitong sipain sya sa binti upang gisingin sya mula sa pagkakatulala.

"Opss, hindi ako magsosorry dahil sinadya ko talagang sipain ka."

Nanatiling walang kibo si Maxella at bumilis ang paghinga. Tila ang puso nya ay nasa karera.

Kumirot ang binti nya dahil sa sipa ng bruha ngunit hindi parin iyun mapapantayan ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Nakakaawa ka, Maxella. Pinagkaitang malaman ang katotohanan. Dapat nga pasalamatan mo ako dahil sinabi ko sayo ang totoo." Sumeryoso ang boses nito. "Alam mo rin bang pinakasalan ka lang nya dahil magagamit ka rin nya laban sa ina mo?"

Alam na nya iyun subalit dahil nabulag sya sa nararamdaman nya ay ibinaon nya sa limot.

"Crap! Kinikilala mong ina pala."

Doon sya nag angat ng tingin. Nagkunwari pang gulat na gulat ang bruh@ sa reaksyon nya.

"Ibig sabihin, di mo rin alam na di ka tunay na Alfonso?!"

"A-Anong sabi mo?"

Napapalatak na lang ang babae at napailing iling. "H£ck! Saklap ng buhay mo! Di mo talaga totoong magulang si Donya Quencina at Don Alejadro, Maxella.

Inampon ka nila at inilayo sa totoo mong pamilya. Pinagkaitan nang pagmamahal at kinuha sa kamay ng iyung mga magulang kumbaga."

"Enough."

Nagtigis ang bagang ni Maxella at pilit na nagpupumiglas sa kinauupuan nang pumasok ang sopistika at d€monyong donya na walang iba kundi si Donya Quecina.

"D*MN YOU! SABIHIN MO SA AKIN KUNG SINO ANG MGA MAGULANG KO?!"

Dahil sa galit nya at pagpumiglas ay naramdaman nyang lumuwag ang pagkakatali ng namamanhid nyang mga kamay.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon