CHAPTER 38

845 19 0
                                    


TAKOT

RAZZER POV

NAGMAMADALI akong sumunod kay Ryrine nang mag walk out ito. Mabilis lamang ang hakbang niya hanggang sa makarating kami sa may parking lot.

"Baby, sorry na please."

Hinuli ko ang pulupulsuhan niya. At pinigilan siyang humakbang ulit.

"Huwag mo akong kausapin, Razzer Crotio." Tumigil siya sa paghakbang. Nanatiling nakatalikod mula sa akin.

Napakamot ako sa batok. Galit nga. Takte paano na'to?

"Baby,let's talk."

Napasimangot ang mukha nya nang hinarap niya ako."Hindi mo ako madadala sa jonaxxboy mong linya."

Sabi ko nga. "Sorry na kasi. Tinulungan lang naman namin si impy£rno. Kasi problemado. Alam mo namang mabait akong tao kaya ayun."

"Puwes hindi nakakatawa ang paraan na ginawa mo,Razzer. Kung ikaw kaya ang i-prank namin?"

Kalmado ang tinig nya ngunit nakataas ang isang kilay. Nakacross arm pa.

"Baby, wag namang ganyanan." I pouted. Hirap talaga kapag anghel ang ginalit mo. Tiklop na lang ako.

"At kailan kapa natutong mag-prank?"

"Eh wala na kaming maisip,baby." Mas humaba ang nguso ko.

"Wag kang ngumuso. Para kang bading."

Ouch.Sa gwapo kong ito?

"Baby,sakit mo namang magsalita. Gusto mo bang makatikim nang langit galing sa akin?Aray!"

Napangiwi ako nang kinurot niya sa tagiliran."Tumahimik ka nga!"

Di kona lang mapigilang mapangisi nang pumula ang kanyang pisngi."Baby?"

"Ano?!" Tinakpan niya ang mukha niya. Amp ang cute. Pfttt.

"Penge favor." Nag puppy eyes pa ako para effective. "Pwede advance na lang natin honeymoon natin?"

"Gusto mo bang di kita patatawarin?!"

Mas lalong pumula ang pisngi niya.

Natatawang umakbay ako sa kanya."Ito naman di mabiro. Lab you,baby. Forgive me please? Penge kiss." Ngumuso pa ulit ako.

Di ko na lang mapigilan ang mapangiti nang sumilip ang ngiti sa kanyang labi.

"Patatawarin lang kita kung may progress na si Helman at Zara. Sayang naman ang luha namin kong mahuhulog lang sa wala."

Takte. So kung di magkabalikan si Helman at Zara. Di na ako patatawarin nang baby ko? Fvck.

Para akong asong sunod na sunod sa amo. Eh mahal ko siya eh kaya gawin kong lahat patawarin niya lang ako.

"Anong nangyari,Zara? Ba't yan nakahiga sa sahig?" Nag aalalang ani ni Baby nang balikan namin sila.

"H-He fainted."

Sagut ni Zara kaya di ko mapigilan ang tumawa nang isinalaysay ni Zara ang dahilan kung bat nahimatay ang gag0.

Napatago na lang ako sa likod ni Ryrine nang masamang-masama ang titig ni Zara sa akin.

"Pasalamat ka talaga,Tanner. Nandiyan si Ryrine kundi tumba kana ngayun sa sapak ko." Banta ni Zara.

"B-Baby, call 911."

Natatawa kong anas. Napailing na lang si Ryrine.

"ANIMAL KA TALAGA, CROTIO!"

May biglang nagmartsa papunta sa akin.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon