CHAPTER 8

1.3K 35 2
                                    


-TIGHT-

MAXELLA'S POV

NAGISING ako dahil hindi ako mapakali.Hindi ako komportable sa hindi malamang kadahilan. Nang mapadako ang aking kamay sa ibabang bahagi ng likod ay saka ko lang naalala ang dahilan.Napabalikwas ako nang bangon bago ininspeksyon ang kubre kama.

"SH1T!"

Napatakbo ako patungong banyo nang wala sa oras. Ang problema,wala akong mahagilap na sanitary napkin doon. Kung bakit naman kasi nakalimutan kong mag-stock niyon bago ako lumapit dito sa mansyon.

Napansin ko ang kung anong nakadikit sa isang bahagi ng full-length mirror na roon.

"Sorry.Hindi ko alam kung anong brand ang bibilhin ko.Something came up.Be right back.And one more thing,take a rest. Stop being stubborn."-Your Hubby.

Hindi ko alam kong anong maramdaman nang mapadako ang pansin sa ibabang bahagi nang salamin. Naroon at nakatambak ang halos lahat na yata ng brands ng sanitary napkins sa supermarket.

Napangisi ako nang lumitaw sa isip ko ang imahe nito na litung-lito sa pamimili habang nag-uumapaw sa iba't ibang klase ng napkin ang pushcart.

"Tss.Binili na yata niya ang lahat ng napkin sa buong Manila."

Muli kong naalala ang pag-aasikaso nito sa akin kanina nang sumpungin ako ng dysmenorrhea. Sa bahay nila,dalawang tablet ng mefenamic pa ang kailangan ko bago ako mapakalma. Paano,talagang napakasakit ng dinaranas ko sa tuwing dinadatnan ako.

Pero iba kanina. All I needed was Azekelle beside me and everything felt okay. And it was all because of him.

My lips curved into smile. Habang dumampot ng isang pack ng napkin saka isinara ang pinto ng banyo.

Ngunit saglit akong natigilan nang may napagtanto.

Wait..Am I smiling?

...

"YES?"

Tinapatan ko ang pagtaas ng kilay ng receptionist ng Wellsor Building nang tawagin ko ang pansin nito para magtanong.

"I'm looking for the CEO of the Wellsor Empire." Tipid na sagot ko sa kanya.

Lalong umangat ang kilay ng receptionist. Sinipat nito ang aking kabuuan.

I was wearing six-pocket pants and a black v-neck tshirt.

"Do you have an appointment with Mr.Wellsor?" Mataray pang tanong nito.

"I don't. And I don't think an appointment is necessary."

Inirapan ako nito saka binulungan ang katabing receptionist.

"Can you fvking tell me where's the office of the CEO?"

Hindi ko na napigilang sumbatan sila. Sinasayang lang nila oras ko.Kingina.

"Name?"

"Maxella Alfonso-Wellsor."

Madiin kong sagot dahilan kung bakit napatanga ang mga ito sa akin.

"Then?" Iniabot lang nito sa akin ang isang susi saka itinuro ang isang pinto di-kalayuan sa elevator.

Hindi ko na sila tinapunan ng tingin at tinahak ko ang pintong itinuro nito. Ang akala ko ay iyon na rin mismo ang opisinang hinahanap ko. But it turns out to be a private elevator. Iisa lang din ang floor na naka-indicate doon.It was the 59th floor.

"Cool." Bulong ko nang pindutin ang button.Nilalaro nang aking isang kamay ang hawak na susi habang pinagmamasdan ang pagpapalit-palit ng numero sa floor indicator.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon