CHAPTER 67

829 23 2
                                    


   FLIRTING

"MOM? Are we gonna ride that errr.. 'flying object?"

Nangunot ang noo ni Zadkiel na tinanong ako.

I chuckled. "It's your father private seaplane, son." Pagtatama ko sabay sulyap sa private seaplane na pinagkakaguluhan ng mga agents. Di na chopper ang sasakyan namin pabalik sa syudad, private seaplane na, tsk, tsk. Iba talaga pag may pera.

"Oh. Nice." Nilipad ng hangin ang buhok ng aking anak kaya inayos ko iyun.

"Oyy, Razzer! Wag mo akong kalimutang imbentahan sa kasal mo 'ha! Nanigurado lang, dre!"

Rinig kong sabi ni Duke kay Razzer na nakangisi.

Ang bilis magkasundo ng mga ito, ah. Tsk, sabagay parehong mga baliw.

"Suss! No problemo, amego."

"Ako rin, tol! Daming chicks niyan, panigurado." Ani naman ni Darvin.

"Sisiw ka'mo!" Tawa ni Jared.

"UL*L! Palihabhasay pagkain ang nasa isip."

"Food is life, dude."

"Food rin naman ang chicks."

Nabatukan si Darvin ni Ael.
"G*go. Ang bastos mo!"

"Ikaw lang ang makitid ang utak, tomboy."

"Anong sabi mo?!"

Napailing na lang ako sa ingay nila.

"Hay! Sayang di ako makasama! Astig sana ng sasakyan. Amp."

"Another mission?" Baling ko kay Van na tumango.

"With Eudrix, of course." She grinned. Mas lalo itong pumuti sa suot na itim na vneck shirt lalo na't nasisinagan ng araw.

"Kina-reer mo talaga yarn, Van Vega. Hinay-hinay lang baka di ka saluin."

"Okay lang. May pakpak naman ako." Birong sagot nito.

"Angel ang peg, pftt!"

Tawa ni Ria. Ang pinakamatangkad sa kanila. Ito nalang ang sasama sa amin pabalik sa syudad dahil bibisitahin niya ang ina nitong si Donya Lucina Lerena Villaris na kapatid ng aking ama.

Napaayos ako ng tayo ng sa di kalayuan mula sa amin ay seryoso ang mukha na nag uusap sina Wyx, Eudrix, Axell at Azekelle. Wala man lang mababakas na reaksyon sa kanilang mukha.

Nang sa tingin ko ay tapos na sila sa pag uusap ay tinapik ni Wyx sa balikat ang nakakatandang kapatid.

Hmmm.. It's seem that the two of them was both okay now. Kabaliktaran naman sina Axell at Azekelle sa dalawang magkapatid.

Mukhang nagtatalo na naman. Kita ko ang pag-igti ng panga ng aking asawa. Di ba talaga sila magkakasundo? Tsk!

"Mom?"

Napabuntong-hininga na lang ako at muling binalingan ng tingin si Zadkiel na kuryuso ang mga matang nakatingala sa akin.

"Aren't we going, yet?" Tumagilid pa ang ulo nito.

"Excited, little man?"

Inayos ko ang suot niyang backpack na naglalaman ng mga kakailanganin niya. He looked cute wearing at it. Kaya di ko maiwasang mahinang pisilin ang matangos nitong ilong. "Adorable.*

"Let's go."

Di ko namalayan ang paglapit ni Azekelle sa amin. Bagama't nakasimangot ay lumambot naman ang mukha nito nang buhatin ang anak.

"Oyy! Mamimiss ka namin, dude!" Saad nila Duke, kay Zadkiel na tipid lamang na ngumiti.

"Pakiss nga, little boy!" Ani naman ng mga babaeng agents. Mukhang naiiyak na.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang