CHAPTER 23

1K 21 0
                                    


 
  BE CAREFUL

MAXELLA'S POV

TAHIMIK ako habang nag gogrocery kami. Nahulog ako sa malalim n pag iisip. Dahil sa daming gumugulo sa aking isipan.

Ipinilig ko ang aking ulo.

"Tired?"

Malalim ang boses na tanong niya.

"Kinda."

"Just wait me here."

Siya na ang nagtulak sa pushcart.

"Why?"

"Ako na ang pipila sa counter."

Tumango na lang ako saka umupo don sa waiting area. Feeling ko nadrain ako  sa daming katanungan sa aking isipan..

Shit.

Hinilot ko ang aking sentido nang kumirot ito.

Nagpahinga ako sandali doon nang mahagip nang aking tingin ang isang batang umiyak di kalayuan mula sa kin.

May nagtulak sa akin na lapitan ito. Sa tantya ko ay nasa limang taong gulang ang batang lalaki.

"Hey, kiddo"

Bumaling ito sa kin. Ang mga magandang pares na mga mata nito na parang pamilyar sa akin ay tumitig sa akin na para akong sinusuri.

Iniluhod ko ang isang tuhod ko para magpantay ang mukha namin.

"Bakit ka umiyak?"

Malumanay ang aking boses na tanong ko. Umangat ang aking kamay para haplusin ang blonde nitong buhok.

Hikbi lamang ang sagot nito.

"Nawawala kaba?"

May nabasa akong pag alinlangan sa mata nito.

"Don't be afraid little buddy. I will never hurt you."

Ngumiti ako. Nagbaba ito nang tingin.

"Hey, ano to? "

I pulled a trick. Upang mabawasan ang takot na naramdaman nito.

Inilapit ko muli ang aking kamay malapit sa tainga nito, hinaplos ang buhok nito. Na animo may kinukuhang bagay roon. Unti unti kong ibinuka ang nakasarang kamay at ipinakita rito ang sampung piso.

Nanlaki ang mga mata nito sa pagkamangha. Ngumiti ako at parang umaliwalas ang paligid. Walang tatalo sa isang batang paslit.

Nag taas ito ng tingin at nagtatanong ang mga mata kung paano nangyari iyon.

"Magic," I said. "You want more?"

Nakita ko ang pagkislap sa mga mata nito. "W-Want m-more.."

Inalis ko ang luha sa pisngi nito. "But first, tell me.Where's your parent?"

Bago pa man ito makasagot ay isang baritonong boses ang nagpalingon sa akin.

"Why are you here, Felexel?"

Hawak ni Azekelle ang handbag na pinaglalagyan ng mga groceries.

Nagulat na lang ako nang bigla na lang tumakbo ang batang lalaki sa direksyon ni Azekelle.

"Daddy!" Agad na yumapos ang maliit na mga braso nito sa binti niya.

I stunned. Parang may sumabog sa kaloob looban ko.

"A-Anak mo?"

Kunot noong tiningnan niya ako. Binuhat niya ang bata--na nagsimula nang humikbi--gamit ang isa niyang kamay.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon