CHAPTER 30

964 28 0
                                    


ATTEND

MAXELLA'S POV

MARIIN kong ipinikit ang mga mata at itinuon ko ang aking isip at atensyon sa tinapos na pininta.

Ilang minuto bago ko natapos ang ginawa. Tipid akong napangiti. Dalawang pinta na ang natapos ko. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

Napatitig ako sa lalaking aking ipininta.Nagdadalawa­ng isip pa ako kung ibibigay ko pa ba sa kanya ito o hindi. Maybe,on his birthday.A gift.But the problem is kailan ang kaarawan niya?

I frowned with that thought.

Tinakpan ko ang puting tela ang aking nagawa at inayos ang mga ginamit ko sa pagpipinta.

Tumingala ako at pinagmasdan ang bilog na buwan. Nasa may terrace ako at nakapagpalit na nang pantulog.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi at napapikit kasabay ng pag ihip ng hangin.

Aaminin kong natatakot ako. Habang tumatagal,hindi ko namamalayang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.Habang tumatagal unti-unti nang natunaw ang nagyeyelo kong puso.

Malalim akong napabuntong hininga.

Isang presensya ang naramdaman kong tumabi sa akin.

"Can't sleep?"

Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib habang nakahilig ang likod niya sa railing ng terasa,habang ako naman ay paharap na nakahilig,ang mga braso ko ang nakapatong sa ibabaw ng railing habang nakatingin sa kalangitan.

The terrace was big,but the space between us was only inches away.

Hindi agad ako nakakibo.

Naiilang ako lalo na't paulit ulit kong iniisip ang unang halik ko.

"I came here because I just want you to ready yourself." He's voice is serious. "We're going to your parent's anniversary's celebration."

Nawalan ng emosyon ang mukha ko.

"Hindi ako makapunta." Madiin kong ani.

Lumukot ang kanyang mukha. Maaninag ko ang mukha niya dahil sa maliwanag na sinag ng buwan. "You need to be there tomorrow."

Matigas ang pag iling ko."It's a bad idea.Ikaw na lang ang pupunta total ikaw naman ang inaya ni Zikiah."

"You're my wife so you must come with me." Matigas din ang sagot niya.Lumingon ako sa kanya at akmang sasagot nang makita ko ang reaksyon niya.He looked pissed.Nagtigis ang kanyang bagang.

I took a deep breath.Muling tumingala at tumitig sa buwan.

"Back when I was twelve years old. It's papa's birthday.I was so glad.Masaya ako dahil sa kauna unahang pagkakataon sa mansyon gaganapin ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.He throw a party. Kadalasan kasi gaganapin ang kanyang kaarawan sa beach sa ibang bansa,ngunit hindi naman ako makakasama. Mama and Zikiah did not agree with me. So papa told me that I should stay at home with maids.Marami silang ipapagawa sa akin upang hindi ako makakasama. And as a understanding child,weak,fragile. I obeyed.

"Kaya ganun na lang ang saya ko nang araw na iyon. Kahit pinagbawalan ako ni Taylor na lumabas sa kuwarto,sinuway ko utos niya. Wearing a simple dress, I run immediately to the garden where the party happened. And of course,most people are invited are elegant,wealthy,soph­isticated and arrogant. Everyone looked at me like I'm a mendicant. But I was too young back then. Didn't understand what their looking at. Hindi ko rin pinansin ang pagkairita ng ina ko nang magtama ang paningin namin.
Masaya kong pinagmasdan si papa habang nagsasalita sya sa harap ng mga sikat na negosyante,politiko,­mga tanyag na kaibigan niya.But the sadness hit me when my father introduced Zikiah. His 'only' daughter,he said."

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now