CHAPTER 40

860 22 2
                                    


SAME ABOUT YOU

WYX POV

DALAWANG araw na mula nong madischarge si Azekelle sa hospital ay naging busy ulit kami.

Hindi na nagstay doon si Azekelle nang matagal kahit na di pa magaling ang sugat niya. Psh. Alam kung wala lang yun sa kanya dahil mas malala pa sa bala nang baril ang naranasan niya. Nagpagamot lang talaga si Azekelle dahil kay Maxella.

Napailing na lang ako na bumangon. Nakatulog pala ako dahil sa pagod galing sa misyon. Nasa condo ako at nag iisa. May condo rin kasi ang mga gago.

Nang sipatin ko ang orasan ko ay pasado alas kuwatro na pala nang hapon.

Hinubad ko ang suot na v neck tshirt ko at pumasok sa banyo upang maligo.

Tanging ripped jeans lang ang suot ko nang makalabas sa banyo.

Nakasabit sa aking leeg ang puting tuwalya nang lumabas ako nang aking silid.

Napakunot nalang ang aking noo nang may biglang mag doorbell.

Sigurado akong ang mga gago na naman ito. Psh. Manghihingi nang pagkain. Nasa iisang building lang kasi ang condo namin kaya wala akong takas sa mga iyun.

"Damn! Puwede bang magluto kayu---"

Nahinto ang sasabihin ko nang sa pagbukas ko sa pinto ay hindi ang mga gago ang inaasahan ko.

"What are you doing here?"

Sumeryoso ang aking mukha. Nag iwas si Crotia nang tingin nang bumaba ang tingin niya sa katawan ko.

"Ah...eh.."

Tumaas ang aking kilay. "Ano?"

"Shit..puwede bang magdamit ka!"

Kumunot ang noo ko.

Tumalikod na lang ako at walang kibo na pumasok ulit sa aking silid para magdamit.

Suot ko na ang simpleng blue tshirt nang lumabas ulit ako sa silid.

Nasa sala na siya at parang di mapakali na nakaupo sa sofa.

Anong nangyari sa babaeng ito?

"Bakit ka narito?"

Ulit kong tanong sakanya.

Bigla siyang napatayo sa gulat.

"May problema kaba, Crotia?"

Umiling siya.

"Dapat ikaw ang tanungin ko,Wyx. M-May p-problema ba tayo? I mean may nagawa ba akong kasalanan?"

Frustrated na tanong niya.

Umiwas ako ng tingin nang magtama ang aming paningin.

"Bakit mo naman yon nasabi?" Kaswal na tanong ko.

"Feeling ko iniiwasan mo ako eh! Ano ba kasi ang nagawa kong kasalanan?!"

Nakasimangut na ani niya.

Napailing na lang ako at pumanhik sa kusina upang magluto.

Kailangan kong dumistansya sa kanya..nahihirapan na rin ako,fvck!

Pero pano ko sya iiwasan kong sunod na sunod sya sakin?

"Umuwi kana,Crotia."

"Wyx naman eh!"

Napapadyak pa ito. Napailing ako at hinanda ang lulutuin ko.

Tigas ng ulo nang babaeng ito.

"Anong lulutuin mo?"

Lumapit pa sya sa akin at sinilip ako.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora