CHAPTER 19

1.1K 35 0
                                    


AKO NALANG SANA

WYX POV

NAGYAYA sa amin si Helman na magbar matapos kaming patalsikin ni Azekelle sa di malamang dahilan.

Psh.Alam kong ayaw lang niyang makita namin siyang under kay Maxella.

Napailing-iling ako.

"May date ako ngayon.Past muna ako."

Hinablot ni Razzer ang susi ni Helman at tsaka tumakbo sa nakaparadang SportCar na pag aari ni Helman.

Napaawang ang labi ni Helman at hindi agad nahabol si Razzer dahil sa mabilis na kilos nito.

"Hihiramin ko muna itong baby mo,Belarus.Isasauli ko lang ito pag gasgas na."

Nakakalokong paalam ni Razzer na nakasakay na sa kotse.

"Fvck!Not my new car,man!Or I'll fvking sue you I swear,fvcker!"

Hindi nakaprotesta si Helman nang magmiddle finger si Razzer at pimaharurot ang kotse.

"Loko yon." Natatawa ani ko at tsaka pinatunog ang aking sasakyan.Walang nagawa si Helman kung hindi ang mapailing.

"Ang laki na nang utang ng kuripot na yon.Ang mahal pa naman ng gasolina ngayon."

Nawewerduhang tiningnan ko siya."Seriously,hindi pa 'yon nagbabayad?Magkano naman ang utang niya sayo?"

"One hundred pesos.Two hundred na ngayon."

Napahilot ako sa sentido."Mandurugas ka talaga."

Binuksan niya ang backseat nang aking sasakyan saka ngumisi.

"I'll take that as a compliment,Bud."

"Back off,Belarus.I'm not your driver for your fvking information."

Agap ko nang mapagtantong ginawa ako nitong driver.

At the Bar...

SUMALUBONG sa amin ang maingay na musika,halo-halong amoy tulad nang sigarilyo o yosi at mga kilalang tao na narito.

"Hi Wyx.."

Tipid akong ngumiti sa isang babaeng hapit ang suot nitong red dress na nakasalubong namin.

"Hey Baby.You look so stunning.." Bati ni Helman at tiningnan nito ang babae mula ulo hanggang paa."And sexy.."

Tumawa ang babae saka yumapos kay Helman."Wanna high tonight?Hmm?"

Napakagat sa labi si Helman."Sorry but..." Tumingin sa akin ito sa akin,humingi nang tulong.

"Tsk." I hissed saka nakapamulsang nilagpasan sila.

Nang nasa bar counter ako ay sumenyas ako sa bartender.

Kilala na niya ako rito kaya tumalima ito.

"Hard drink?"

"Whiskey."

Tumango ito.

Tumango lang ako sa mga kakilalang binabati ako.Sinipat ko ang tingin at napag alamang alas otso na pala nang gabi.

"Here,man."

"Thank."

Agad akong lumaghok at tsaka inilibot ang paningin.

May isang grupo na mga babae ang nakatingin sa aking direksyon.

Ngumiti sila nang malagkit sa akin nang mapalingon ako sa kanila.

Ipinilig ko ang aking ulo saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin.

Nawalan ako ng interest sa mga babae na makikita ko sa mga bar.Aaminin kong isa akong babaero.Ngunit noon yon.Hindi na ngayon.Simula nong mahulog ako sa isang babaeng--na alam kong hindi naman masusuklian ang pagmamahal ko--ay nawalan ako nang ganang tumingin sa mga babae.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now