CHAPTER 1

2.9K 59 1
                                    


-The evil Sister-

MAXELLA'S POV

SAGLIT akong natigilan sa harap nang salamin. Makikita ang buo kong kabuuan mula ulo hanggang paa.

Nanatili paring walang emosyon ang aking mukha at kahit na ngumiti ako ay wala paring silbi. Tss. Walang silbi ang pagngiti ko kung sa kaloob-looban ko ay hindi magawang maging masaya.

Bumuntong-hininga ako at hinubad ang suot kong coat at tsaka pabatong itinapon sa kama. Napasalampak ako sa single sofa na naroon at napatitig nalang sa kisame.

Nanatili parin ang suot ko simula kanina. Itim na sando, fitted pants at boots. At wala akong balak magbihis dahil nakaramdam ako ng pagod.

Ipinikit ko ang aking mga mata at malalim na nag-isip. Hindi ko nalang namalayan na nakaidlip na pala ako.

Nagising na lang ako sa sunod sunod na pagkatok. Nakaramdam ako nang inis sa kung sino man ang taong istorbo sa tulog ko.

Salubong ang aking kilay na binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Zikiah na makikita sa mukha ang inis. Ang demonyo kung kapatid.

"Tsh." Singhal ko sa kanya. "Speak."

"What are you doing inside? Did you know how many times I knocked this damn door?" Inis nyang sabi sakin.

"Sinong tulog na tao ba ang makakaalam na may kumatok?" Sarkastiko na sagot ko naman.

Mas lalo pa syang nainis.

"You're so rude! I'm older than you! You should respect me!"

"May respeto lang ako sa taong may respeto."

"How dare you! Sinabi mo bang wala akong respeto?!" Gusto kong matawa dahil nangangalati na sya sa galit.

Umiling-iling ako. "May sinasabi ba akong wala kang respeto?"

"You're unbelievable! Talagang nagbago ka na." Sumeryoso ako.

"May dahilan kung bakit nagbago ang tao ngayon, sabihin mo sa akin ang sadya mo bago ko pa maisara ang pintong ito." Ang kaninang inis sa mukha nya ay biglang naglaho. Nakakalokong ngumisi siya at nagcross-arm.

Tss. Baliw na ang babaeng ito.

"Hindi mo man lang ba ako papasukin sa iyong silid?" Nakangising ani niya.

"Ako ba ang iyong sadya o ang aking silid?" Walang ganang sabi ko.

"Stupid. Malamang ikaw." Umirap sya na para bang nauubusan na nang pasensya.  "Oh well, nagpunta ako dito dahil gusto kong ipaalam sayo na ipinatawag ka ni Mommy at Daddy. Ngayon na." Mas lumawak ang ngisi nya at hinintay kung ano ang magiging reaksyon ko. Tumaas ang aking kilay.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo?Sana man lang hindi ka na sumugod dito upang ipaalam yong walang kwentang sinasabi mo. Kusa kong malalaman yan nang hindi nanggaling sayo." Sabi ko sa tono na nang-iinsulto.

"Anong walang kuwenta?! Dapat kang kabahan sa mga sinasabi mo, Maxella. Hmm...I wondered, why mom and dad call you.. Maybe.." Maarte itong nag isip isip.

Walang gana ko syang tiningnan. Hindi ko ipinakita sa kanya na naaapektuhan ako sa mga sinasabi nya. Siguradong hanggang tenga ang ngiti ng babaeng ito. Tsk.

She's my sister and even she's older than me nang dalawang taon, never in hell I would respect her.

Isa sya sa dahilan kung bakit ako nagdanas nang hirap at sakit.

"Ah! Maybe, they want to surprise you. A surprise that you will never forget in your entire life." She's smirk devilishly.

Hindi ako kumibo. Palihim kung naikuyom ang aking kamao.

"Getting mad? Cheer up, my dear sister. Be patient. Iyon naman ang ugali mo noon diba? Ang magpapakumbaba?." Saad nya at kontrabidang tumawa. Tumalikod na ako para i-lock ang pinto ng aking silid.

"Cat got your tongue? Poor you. Bear it in your mind, Maxella. Matapang ka na nga ngayon ngunit kailanma'y hinding-hindi ka mananalo sa akin. Ikaw parin ang uuwing luhaan at magdurusa." Nang uuyam na ani niya.

Madilim ang mukha ko na humarap sakanya. "Hinding hindi nga kita matatalo sa ngayon. Ngunit hintayin mo ang panahon. Na isampal ko dyan sa makapal monh mukha ang katotohanan na kaya na kitang pantayan at talunin."

Madiing sagot ko bago humakbang palayo sa kanya. Nakompirma ko lang na nagtagumpay akong inisin siya nang makita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagdilim at panliliksi ng kanyang mga mata.

Palihim akong napangisi at nakahinga nang maluwag.

Sino ngayon satin ang talunan?

***

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now