CHAPTER 55

706 23 0
                                    


  DILIM

MAXELLA'S POV

NAALALA kopa nong nasa parking lot ako nang bar. May tatlong k1nginang lalaking nagtangka sakin subalit hindi sila nagtagumpay kahit pa lasing na ako non.

Ngunit gayunpaman ay natamaan parin ako sa bala nang baril na hawak nila.

Tumatak ang hapdi at sakit nang bala sa aking balat na dahilan kung bakit may peklat ako may bandang balikat.

Posible kayang iisa lamang ang mga taong nasa likod nang mga nangyayari ngayun at nung makapasok ako sa buhay ni Azekelle?

Ano ang kailangan nila sa akin t*ngina?

Dinamay pa nila ang mga inosenteng tao kahit ako ang kanilang puntirya.

At higit sa lahat, sino ang taong p*matay aking ama?

L£tchugas. Talagang mababaliw ako sa mga katanungan sa aking isip. Napaigik ako nang bigla na lang kumirot ang aking sentido.

"You okay, Max? You look paled."

Pilit akong tumango kay Felecia.

"Rest now. Mananatili rito si Wyx at ang ibang tauhan ko rito. Baka rin anu mang oras ay uuwi na yun si Azekelle."

Kaya kong protektahan ang aking sarili ngunit di na lang ako umangal pa dahil sa mga oras na ito ay nasa panganib si Nisha Crotia, Ryrine at Zara.

Kahit pa man ang daming bumabagabag sa akin ay nang makaalis sina Felecia kasama si Helman at Razzer ay pumanhik muna ako sa aking silid dahil umikot na naman ang paningin ko.

Nahihilo ako.

Ayaw ko nang dumagdag sa alalahanin kaya nanatili akong walang kibo.

Hanggang sa di ko namalayang nakaidlip na pala ako dala ang mabigat na nararamdaman at mga katanungang naghahanap ng kasagutan...

...

THIRD POV

"ANG GALING mo talaga, Duke! Wala kang kupas sa sharpshooting!"

Tinapik ito ni Darvin AKA Darvian Walford sa balikat si Drake Crimson AKA Duke.

Nasa training center ang ilang assassins ng orgañisi o mas kilala sa Qué Descansé En Paz Orgañisi. Ang bawat isa ay nagsasanay sa paggamit ng baril.

"Bakit tahimik si Drix?" tanong ni Duke, ang tinukoy ay si Eudrix 'Suarez' Walyer na nanatiling nakaupo sa monoblock habang nakasandal sa dingding.

"Palagi namang ganyan 'yan. Ang alam ko katatapos lang ng misyon nya," sagot ni Darvin.

"Pumalpak ba?"

"Nagbibiro kaba? Isa siya sa mga assassing walang failed record sa dami ng mga hinawakan. Kaya paborito siya ni Netro na isa ring lifter eh,"

Ang Netro na tinukoy nila ay si Axell Laurelle Villaris na isa ring lifter sa organisasyong kanilang pinasukan.

Nagpanggap si Eudrix na walang naririnig. Subalit nilapitan siya ng tatlong kasamahan na waring hindi na nakatiis---sina Darvin at Duke.

"Hey dude. I heard that Lelouch Britania was literally eaten by fire. You really overdid it, man." Komento ni Duke.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatanaw ang mga mata sa malayo na tila may tinatanaw.

"Hindi pa kita makitang gumamit ng baril. Paano mo naisasagawa ang mga misyon gamit lang ang maikling espada na yan?" tanong ni Darvin.

Sa narinig ay bumaba ang tingin niya sa hawak na kaluban. "A sword can attack the opponent at the same time it can protect it's owner. A gun can't do the latter." Pabulong na sabi niya.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon