CHAPTER 60

767 22 1
                                    


Flashed

THIRD POV

SAGLIT na nakaidlip sina Razzer at Helman. Di na nila napigilan ang ipinikit ang mga mata dahil sa sobrang pagod at kulang sa tulog.

Kaya hinayaan na lang muna ni Maxella ang mga ito na magpahinga at lumabas sa rason na may pagkain siyang gustong kainin.

Tsaka ilang araw na rin siyang hindi nakapaglakad-lakad. Kaya na niya ang sarili niya at bumalik na ang kanyang lakas.

Di na muna niya aabalahin ang mga ito. Si Azekelle naman ay matapos nang pag uusap nila kagabi ay tinupad parin niyo ang hiling niya non. Na dumistansya na muna ito.

Bago siya lumabas ay hinubad niya ang hospital dress ng simpleng pants at white tshirt.

Alam niyang pinagbawalan siyang lumabas ni Azekelle subalit matigas ang ulo niya at sinuway ito.

Tsaka gusto kasi ng anak niya ang kumain ng hilaw na mangga. Susko. Ganito ba talaga ang buntis? Walang makakapigil kapag naglilihi?

Hindi siya napansin ng security guard nang makalabas sya sa exit kasi may tinulungan itong babae na bigla na lang nahimatay.

Nakahinga ng maluwag si Maxella nang makalabas. Tagumpay nyang natakasan ang mga bantay nyang naka men all black ang peg.

Ngayun, saan siya maghahanap ng nagtitinda ng mangga. Nagpalinga-linga siya.

"Baka nasa tabing-daan lang..." Bulong niya sa sarili.

Napatingin tuloy saglit sa kanya ang dumaang babae ngunit walang pakialam siyang nagpatuloy. Kahit mainit at tirik na tirik ang araw. Buti na lang di traffic. May mga mangilang-ngilang sasakyan ang patungo sa kanila kanilang destinasyon. May mga sariling mundo ang mga tao.

Bigla na lang nahagip ng kanyang mga mata ang isang tindahang nagtitinda ng mangga! Kapag sinuswerte ka nga naman. Kaso kailangan mo pang tumawid. Nasa may kabilang tabi kasi ito ng kalsada--di kalayuan mula sa kanya.

Napalunok si Maxella. Natakam tuloy sya. At akmang tatawid siya nang may biglang humablot sa kanyang braso na pumigil sa kanya.

Akmang magpugmiglas siya nang nanuot sa kanyang ilong ang pamilyar na pabango nito.

"What do you think you're doing? Trying to escape? No. I'm not let you fvking leave me, Maxella."

Umigti ang pangang paasik na anas ni Azekelle sa pag aakalang aalis siya.

Pinantayan ni Maxella ang masama nitong tingin. "Tumabi ka nga, naglilihi ako ng mangga. Baka maupakan kita."

Azekelle's lips parted. "What the fvck?"

"Yeah. Let me go."

"No way. It's too dangerous for you and for our child."

"Anong dangerous? UL*L! Iyun ang gustong kainin ng anak mo!" Iritadong angal niya.

May dumaang di mawari na emosyon sa kulay abong mga mata nito. "Really? Our baby want to eat---wait what he want?"

"Hilaw na mangga," saglit na napakunot ang noo niya. "Paano mo nalamang 'he' ?"

Nawala ang matalim na tingin nito at napalitan ng kislap. "Father's instinct? And besides, I'm make sure that it's a 'he' when I entered you, my wife. The lunat1cs taught me what the exact position--- uh, fvck!"

Napadaing na lang si Azekelle at nang hampasin nya ito sa matigas na braso.

"Puro ka kalokohan. Ituloy mo pa ang sasabihin mo, sapak na talaga ang aabutin mo."

He frowned. At hinimas ang nasaktang braso nito. "So scary." Bulong nito.

"Ang mas mabuti pa ay bilhan mo na lang ako ng mangga. Tinatamad na akong tumawid." Bored na napahalukipkip si Maxella.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon