CHAPTER 10

1.2K 39 0
                                    


-NIGHTMARE-

KASABAY nang pagbuhos ng ulan ay ang pagbagsak nang mga luha ng labing-isang taong gulang na si Maxella.

Nagmamakaawang umiling siya na tumingin sa mga mata na galit na galit na Doña .

"Mom,she made a plan to steal my boyfriend! Mellisa saw her almost hugging and begging what's mine. And what's hurt the most is Ivan break-up with me because of her!"

Humikbing saad ni Zikiah na mas ikinagalit ng Doña .

"IS IT TRUE,MAXELLA?!"

Dumadagundong sa sala ang sigaw nang Doña.

Hindi makakibo si Maxella dahil sa takot.Hindi niya alam kong paano magpaliwanag. Alam niyang kahit na sabihin niya ang totoo ay hindi parin siya paniniwalaan ng ina.

"ANSWER ME!"

Napaintad siya at napahikbi. Gusto niyang depensyahan ang sarili ngunit wala siyang lakas na loob na sumagot.

Mahina siya at sanay api-apihin nang mga taong dapat ay magmahal sa kanya.

"See,mom? Hindi siya makasagot..silent means 'yes'.."

Napaiwas nang tingin ang mayordoma na naroon nang makita ang pagsilay nang ngisi sa labi ni Zikiah nang hablutin ng doña ang braso ni Maxella.

Awa ang makikita sa ginang habang nakatingin sa nagmamakaawang maamong mukha ni Maxella. Gusto nitong tumulong ngunit wala itong magawa.

"N-Nasasaktan po ako..." Daing niya nang bumakat ang kuko nang ina sa kanyang braso.

"You deserve it,Bastarda! Ang bata-bata mo pa,mang-aagaw kana at sa kapatid mo pa! How could you do that to your own sister!?"

"H-Hindi po yan t-totoo.."

"LIAR!" Kinaladkad siya nang ina palabas nang mansyon kahit na umulan nang malakas. "Kailangan kang maturuan nang leksyon!"

Alam niya ang gagawin nang ina sa kanya kaya ganon na lang ang pagmamakaawa niya rito.

"M-Ma,please h-huwag po.."

Pilit niyang bawiin ang kanyang braso ngunit mas hinigpitan nang Doña ang pagkakahawak at pilit siyang hinila palabas sa itim na gate.Palabas sa mansyon.

"Kailangan kang magdusa upang magtanda ka!"

Walang awa siya nitong sinarhan nang gate na yari sa metal.

The tears blurring her vision.

Wala siyang pakialam kahit na basa na siya.Patuloy siyang sumigaw,nagsusumamo.

"Ma!Buksan nyo po ito!Please nagmamakaawa ako!Hindi po totoo sinasabi ni Ate.Bakit ba palagi niyong paniniwalaan ang mga kasinungalingan wala namang katotohanan?B-Bakit ba pinaramdam niyo sa akin na wala akong kuwentang anak?!M-Ma n-nasasaktan rin ako..n-nasasaktan a-ako..."

Nanginginig ang kanyang labi at muling lumabas sa kanyang bibig ang hikbi.

Napasandig siya sa gate at napadausdos.Napatingala siya sa madilim na kalangitan.

Pagod na pagod na siya.Pagod na siyang maparusahan sa mga binibintang na hindi naman niya kayang gawin.

Mas lalong lumakas ang ulan.Basang-basa na si Maxella at nanginginig na dahil sa lamig at takot.

Hindi parin tumigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.Wala na siyang magagawa pa.Hindi siya makakapasok sa mansyon hangga't hindi lumilipas ang gabi.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu