CHAPTER 2

1.8K 42 0
                                    


-Her side-

MAXELLA'S POV

NAKARAMDAM ako ng kaba nang abot tanaw ko na ang pinto ng silid ng aking mga magulang.

Pero pilit kong iwinaksi sa aking sistema ang kaba dahil alam kung maging dahilan na naman ito para maging mahina ako.

Hindi na ako nag-abalang kumatok nang tuluyan na akong nasa harap ng pinto. Pumasok ako nang blangko ang tingin. At diretsong naglakad sa gawi ng aking mga magulang.

"Nakalimutan mo na bang kumatok bago pumasok, Maxella?."

Sumbat agad ng aking ina sa akin. Sopistikada itong nakaupo sa single sofa na naroon at may hawak na wine glass.

"Hindi ako nag abala pang kumatok, walang silbi kung kakatok pa ako kung inaasahan nyo namang papasok ako."

Nanatili akong nakatayo sa kanilang harapan samantalang sila ay nakatingin sa akin na para akong tauhan.

Tss. Kailan ba nila ako itinuring bilang sarili nilang anak.

"Maxella." Maawtoridad na saad nang aking ama. "Show some respect. She is your mother."

Hindi ako sumagot.

Hindi nila ako masisi kung bakit hindi ko sila kayang respetuhin. Kailanma'y hindi naging mabuti ang trato nila sakin. Trinato nila ako hindi bilang isang anak kundi bilang isang katulong o kapaki-pakinabang.

"Talagang lumakas na yang loob mo na sumagot-sagot sa akin. Kung hindi ka lang namin kailangan, matagal na kitang itinakwil sa pamilyang ito."

Galit na sabi sakin nang aking ina.

Nagtigis ang aking bagang nang maramdaman ko ang kirot sa aking dibdib sa kanyang mga binitawang salita.

Talagang napakadali sa kanya na sabihin ang mga salitang iyon nang walang pag-aalinlangan.

"What do yo want from me, then?." Malamig kong anas.

Sumimsim muna siya bago nagsalita. "I want you to wear a decent and formal suit. Not your jeans, Maxella. Mamaya darating dito si Mr. Wellsor at gusto kong magmukha kang pormal. H'wag mong pairalin ang pagiging matigas ang ulo."

Pinag-krus ko ang mga braso ko at nagsalubong ang kilay na tumitig sa kanya.

Ano kaya ang kanilang nakain at gusto nila akong iharap sa Mr.Wellsor na yan? Ni minsan hindi nila ako ipinakilala bilang myembro ng pamilya dahil baka makagawa ako nang kahihiyan.

"Anong gusto nyo, magsuot ako ng gown? Tch." Hindi ko ipinahalata sa kanila ang sarkastiko kung saad. " I can wear a formal and decent suit without your advice, Don Alejadro."

Galit na tumayo sya mula sa kanyang pagkakaupo. "Mierda! Talk back again and you will regret it, stupida!." Hindi ako natinag sa sigaw nya.

Nanatili akong nakatayo sa harap nilang dalawa at walang bakas na reaksyon ang makikita nila sa aking mukha.

"Get out of our sight now before my gun shoot you! And don't you dare, disobeyed or embarrassed our family infront of Mr. Wellsor, Maxella!"

Darn it!

...

NANG nasa aking silid na ako, gusto kong magwala at manakit ng tao dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

Paulit ulit sa aking isipan ang mga katagang binitawan ng aking ina kanina.

Ilang beses ko nang marinig iyon mula sa kanilang bibig ngunit tila hindi parin nasanay ang aking sistema.

Muntik na akong manghina kanina habang nasa harapan ko sila.
Ngunit buti na lang napigilan ko.

Dahan-dahan akong napaupo sa gilid nang kama at napahilamos ng mukha.

Oo. Malakas ako sa kanilang paningin. Wala silang makikitang emosyon at reaksyon sa aking mukha. Ngunit kasalungat sa kaloob looban ko ang kanilang makikita.

Nasasaktan ako sa tuwing trinato nila ako na parang basura sa kanilang paningin. Nasasaktan ako dahil hindi ko maramdaman sa mga taong nakapaligid sakin ang salitang pagmamahal.

Pinilit ko ang sariling maging malakas. Maging matatag. At huwag ipapakita sa kanila na mahina ako tulad noon. Dahil kung patuloy kung paiiralin ang pagiging mahina, gagawa sila ng hakbang upang ako ay maibaba hanggang sa hindi ko na kayang umahon pa.

Muling nagtigis ang aking bagang nang maramdaman ko ang paninikip sa dibdib.

Hindi na bago sa akin ang pakiramdam na iyon. Kaya wala akong magawa kung hindi ang huminga nang malalim.

Nasa ganon akong posisyon nang may biglang kumatok. Matamlay kung binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Taylor.bAng kanang kamay ng Don.

Pormal na nakatayo ito at suot ang purong itim na uniporme.

"Speak". Malamig kong sabi.

"Don Alejadro command me to give you this."

Walang gana kong tiningnan ang may kalakihang kahon na inabot nya sa akin. Kinuha ko naman ito at agad kong nahulaan ang laman na iyon dahil magaan ito.

"You should wear it, milady, before Mr. Welsor's arrive".

***

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora