CHAPTER 13

1.1K 36 0
                                    


WHY AM I HURTING?

THIRD POV

NAPATIGIL si Maxella sa kanyang ginawa.Napatitig siya sa kanyang ipininta.

Maraming senaryo ang sumulpot sa kanyang imahinasyon subalit tanging ito lamang ang kanyang napagtuunan nang pansin.

Madilim ang kalangitan.Ang buwan na nagsisilbing liwanag nang paligid ay natatakpan nang ulap.Isang babaeng nakaluhod,natatakpan ang kanyang kalahating mukha nang kanyang mahaba at itim na buhok.Ang ulan ay sumabay sa kanyang pagtangis.At ang paligid ay nagpapahiwatig sa madilim niyang mundo.

Iyon ang senaryo na kuhang kuha niya.

Wala sa sariling napangiti sya.
Umihip ang malamig na hangin.Itinigil niya muna ang pagpipinta at pumasok sa loob.Nasa may veranda kasi siya,nagpapalipas nang oras.

Nang sipatin niya ang oras sa wall clock ay pasado alas-singko na na nang hapon.Buong araw siyang hindi lumalabas nang silid.May maliit na ref naman sa loob nang silid kaya hindi sya nalipasan nang gutom.

Itinali niya muna ang buhok niya bago lumabas para pumanhik sa kusina upang magtimpla nang kape.

Akala niya ay siya lang ang tao sa mansyon.Dahil palagi namang nasa trabaho si Azekelle.Hindi niya alam na May bisita na naman pala.

Sa Living Room ay nakatambay sina Razzer,Ryrine,Helman,Zara at Nisha.Samantalang nasa chamber naman ang iba.

Nagmo-movie marathon ang mga babae habang naglalaro naman nang chess sina Razzer at Helman.

"C'mon,just give up man.You can't beat me." Ngisi ni Razzer.

"Oh sh*t.Dinadaya mo ba ako,Tanner??"

Inosente lang na tumingin si Razzer kay Helman."Bakit mo naman nasabing nandaya ako?"

"Can you two shut your mouth?Kalalaki niyong tao,ang lakas nang boses niyo." Saway ni Nisha.

"Your hurting my feelings,Babe."
Sagot naman ni Helman.

Napairap na lang si Zara na nakatutok sa pinanood na action movie."O.A" bulong nya ngunit narinig naman nila.

"Yes!I won.Baby?"

"Hmm.." Sagot ni Ryrine na nasa tabi nito.Nakapikit habang nakasandal sa balikat ni Razzer.

Ngumisi si Razzer at humawak ang kanyang kanang kamay sa beywang nang nobya."Want to claim my prize now." Bulong nito.

"Huh?" Napadilat ito.

Ngumuso naman si Razzer sa reaksyon ng nobya."You forgot our deal?"

Napahalukipkip na lang si Helman at hindi na nakaprotesta sa pagkatalo.Tumayo siya at tumabi sa coach kung saan nakaupo si Zara.Sa single sofa naman nakaupo si Nisha na wala na sa t.v Ang atensyon.

"What did you say?"

"What?" Nagtatanong na napalingon si Zara kay Helman.Halos mawalan siya nang hininga nang sa paglingon niya ay ilang hibla na nalang ang layo nang mukha nila sa isa't isa.

"G-Gusto mo bang masapak?"

Lumayo nang kaunti si Helman.Natatakot na baka bigyan siya nito nang flying kick.Katulad noon na sumubok siyang halikan ito.

"Ngayon nga lang kita nakita,ang init-init pa nang ulo mo.May regla ka ba?"

"Aba't.."

Mabilis na nakaiwas at napalayo si Helman nang susuntukin na sana siya ni Zara.

"Chill,amazona."

"Pambihira.Chill mo mukha mo,you pervert!"

"Mukhang magkakaroon na naman nang World War |||" bulong ni Nisha na napatigil sa pagtatype sa cellphone.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon