CHAPTER 3

1.6K 42 0
                                    


-GRAY EYES-

MAXELLA'S POV

PINAGMASDAN ko ang aking kabuuan sa salamin. Isang simpleng itim na dress na may manggas at above the knee ang haba ang suot ko. Hindi masyadong hapit sa akin ito kaya komportable na ako.

Simple lamang ang suot ko ngunit feeling ko ibang tao na ang makikita ko sa salamin. Hinayaan kong nakalugay ang mahaban at itim kung buhok at walang make up kahit na lipstick man lang. Pinaresan ko rin ang suot ko nang black over-the-knee boots.

Natural nang mapupula ang aking labi, ang matangos kong ilong at ang mga mata kong walang reaksyon ngunit nakatago ang iba't ibang emosyon.

Sa ilang taon nang lumipas, simula nong binago ko ang aking pagkatao. Ngayon ko lang ulit napagmasdan ang buo kong kabuuan ng matagal. Saglit lang akong titingin sa salamin pagkatapos ay mag-isip isip.

Nagbago na rin ang aking pananamit. Kadalasan ay coat at fitted pants. Hindi katulad ni Zikiah na nagsusuot ng damit na kulang sa tela.

Ngayon lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sapilitan eh, tsk. Pero komportable ako.

Tinapunan ko nang tingin ang wall clock. Pasado alas-singko na nang hapon. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit panay ang katok nang sinuman sa pinto ng aking silid.

Marahas ko iyong binuksan. Tumuwid naman nang tayo si Taylor nang magtama ang aming paningin.

Kumunot ang kanyang noo na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ngunit mababasa sa kanyang mga mata ang paghanga.

"We should go now, Milady. They're already waiting on the dining area."

Magsalita pa sana siya ngunit humakbang na ako at nilampasan siya.

Magkakrus ang aking braso habang tinahak ang daan patungong dining area. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano kaya ang magiging papel na gagampanin ko kaharap ang Mr. Wellsor na iyan.

Nasa hagdan palang ako, bumaba. Agad na napatingin sa akin ang aking ama. Gusto kong mapangisi nang magtigis ang kanyang bagang pero pinigilan ko.

Inexpect nyo ba na aking susuotin ang nasa kahon na ibinigay ni Taylor? The hell. Never. Masyadong revealing ang damit na iyon.

"She's here." Madiing saad ng Don.

Saglit akong napatigil sa paghakbang nang muling nagtama ang aking mga mata sa kulay abo na mga mata.

Umangat ang sulok nang aking labi nang masilayan ko ang mukha nang lalaking walang buhay ang kanyang mata na nakatitig sa akin.

"Biatch.."

Nabaling ang aking tingin kay Zikiah na nanliksi ang mga mata na tumingin sa akin. Umangat ang aking kilay sa kulay nang suot niyang floral dress. White color while me black. Nice. Acting like an angel. Pero ang Totoo demonyong anghel.

...

THIRD'S P.O.V

SAGLIT na namayani ang katahimikan. Taas-noo at pormal na nakaupo ang Don at Donya sa magkabilang dulo ng hapag-kainan.

Samantalang kaharap naman ni Maxella ang lalaking nababalot ng kakaibang awra.

Binasag ni Attorney Tan ang katahimikan. Katabi niya si Mr. Wellsor na wala parin imik.

"I didn't expect that this fierce and beautiful woman is your daughter, Don Alejadro." Ani ng Attorney na ang tingin ay nasa kay Maxella.

Talagang hindi inaasahan nang abogado na may isa pa palang anak ang Don at Doña. Ang alam lang nang lahat ay si Zikiah Queste Alfonso lamang ang unija-hija ng pinakasakim na negosyante sa buong mundo.

Hindi maisawasang makaramdam ng interes ang huli kay Maxella.

Feisty.. gorgeous... fearless.. and fierce woman.. anang nasa isip ng Attorney.

Kumunot ang noo ni Maxella nang maisip kung ano ang ginawa nang Attorney ngayon dito. Sa tantya niya base narin sa tindig nang nito ay magkaedad lamang ito at si Zikiah.

Tumikhim ang Don. "Mr. Wellsor, my pleasure to introduce you to this woman infront of you..." Panimula ng Don at bumaling kay Maxella na pinagtuunan ang pagkain at parang walang pakialam sa nakapalibut sa kanya.

Napairap na lang si Zikiah nang kahit anong titig niya kay Mr. Wellsor ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Habang nakatitig si Zikiah rito, nasa isip nya kung paano nya ito makukuha. She likes him so much. Ito ang kanyang tipong lalaki na gustong maangkin. Hair in loose pompadour style, lips were firmly shut and his gray eyes were staring..hazardously. His muscles flexed as he crossed his arms on his chest.

Ngunit ganon nalang ang pagkairita ni Zikiah nang muling nagsalita ang ama habang nakatitig kay Maxella.

"Maxella, meet Azekelle Walter Wellsor. He's one of the most successful billionaire's in business world. The owner of Wellsor Empire. So be nice at him and shows some respect."

Nag-angat nang tingin si Maxella at muling nagtama ang paningin nila nang lalaking nagpabilis muli nang tibok sa kanyang puso.

Nag-iwas sya ng tingin at nangunot ang noo nang makaramdam ng panghihina sa titig nito.

"And Mr. Wellsor and Attorney Tan. Meet my daughter. Maxella Alfonso. Alam ko na hindi nyo inasahan na may isa pa akong anak. Well, we keep it secretly because she didn't want the whole world knows about her."

Tsk. Talaga?

Iyon ang nasa isip ni Maxella habang nagsasalita Ang ama. Hindi na lang siya umimik--kahit gusto na nyang umangal.

Tumango si Mr.Wellsor.

Tumaas ang kanyang kilay sa naging tugon nito. Naisip rin niya kung bakit ang ama lang niya ang nagsasalita. Pipi ba ang lalaking Ito? Ni hindi man lang niya narinig maski tikhim nito. Tsh. Nasa isip niya.

Iritadong inilapag ng doña ang kurbyertos. "Alejadro, sabihin mo na sa kanila ang desisyon mo. And tell our daughter what's going on here. My patients can't wait any longer and you know that."

Bumaling ang lahat sa Don. Na seryoso ang mukha.

"Quecina and I made a decision to take your offer ..."

Nanatiling nakikinig si Maxella sa idenaklara nang Don. May isang ideya siya na tumatak sa isip niya kung bakit naroon ang isa sa makapangyarihang tao dito.

"I expected your decision, Don Alejadro." Malamig at malalim ang tinig ni Mr. Wellsor dahilan kung bakit Napapikit ng mariin si Maxella. Buong akala niya pipi ito. Ngunit sadyang tahimik lang talaga ito.

"Attorney Tan. Ready the papers. I will marry her according to our deal."

"Marry?"

"What?"

Sabay na saad ni Zikiah at Maxella.

Tumayo naman ang Donya. "Zikiah, darling follow me. I will explain it to you. We will be right back. Excuse us."

Hindi nakatingin si Maxella sa papalayong ina at kapatid. Nanliit ang kanyang mga mata na tinitigan ang ama. Hindi siya manhid kaya madali niyang napagtatagpi-tagpi ang pangyayari. Something is wrong.

"It seems that you're daughter doesn't have any idea about the deal, Don Alejadro." Basag ng Attorney sa katahimikan at may inilabas na papeles sa folder na nasa harapan nito at inilapag iyon sa mesa at itinulak papalapit sa kanya.

Mariin ang titig ni Don Alejadro kay Maxella. May pagbabanta.

"Maxella, sign the papers now. It's a marriage contract. You're going to marry Azekelle Walter Wellsor. Whether you like it or not. End of our conversation."

***

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now