CHAPTER 59

711 25 1
                                    


To leave Or To stay?

THIRD POV

" ... It's make a sound like a thunder... It's makes me feel like a rain... And like a fool who will never see the truth... I keep thinking something's gonna change..."

Patuloy na pumainlanglang ang kanta na iyun sa Private Room kung saan nakaconfine si Maxella nang ilan pang mga araw.

Di kasi pumayag si Azekelle na i-discharge sya lalo na't hindi pa masyadong naghilom ang mga sugat nya at nag alala rin ito sa kalagayan ng baby.

Tinupad nga ni Azekelle ang kahilingan ni Maxella. Kahit mahirap ay dumestansya ito rito---sa gabi lamang ni Azekelle malalapitan si Maxella kada tulog ito na ikinapagtataka na nila Razzer.

Pero syempre,mahigpit narin ang seguridad sa naturang hospital na pagmamay ari rin pala ni Azekelle.

"But there's a danger in loving somebody to much...
  And it's sad when you know it's your heart you can't trust...
There's a reason why people don't stay where they are...
Baby, sometimes love just ain't enough..."

Pumikit na lamang nang mariin si Maxella habang sumabay---with feeling pa si Razzer na bored na bored na kaya nagpatugtog na lang nang sad song sa cellphone.

"Bw£set. Lumabas nga kayo!" inis na turan ni Maxella.

"Bakit Lady Boss?"

"Ang sakit sa tenga ng kanta kaya sa labas kayo kumanta."

"Amp, sungit."

Hininaan na lang ni Razzer ang volume sa cp nya at nagtanong kay impy£rno kung bat ito tahimik.

"Wala. Inaantok lang."

Bored na sagot ni Helman ngunit naglalaro sa isipan ang pinag uusapan ni Azekelle at Maxella.

Di sinadyang naring nya kasi ang 'pakiusap' ni Maxella sa Boss nila at may pangamba sya sa maaaring mangyari.

Samantala, inis na binagsak ni Felecia ang pinto nang may nagdoorbell pero wala namang tao nang buksan nya.

"D*mn, pinagtitripan ata ako."

Pumanhik na lang muna sya sa kuwarto nang anak at di mapigilan ang mapangiti nang makitang nakatulog ito sa carpeted na sahig dahil sa paglalaro.

Napailing na niligpit nya ang kalat nito at di niya maiwasan ang mapangiwi nang buhayin nya ang anak para ilipat sa kama nito.

"Bigboy kana nga."

Bulong niya at hinaplos ang buhok nito.

Dati naghihirap pa siya syempre hindi madali ang tumatayong bilang ama't ina rito. Kung wala lang sila Azekelle ay baka matagal na siyang sumuko.

Di na niya gusto pang balikan ang nakaraan. Ang importante ay masaya na siya--- masaya nga ba?

Muling may nagdoorbell dahilan sa pagbalik ni Felecia sa kasaluyukan. Di na nya sana papansinin at sa halip ay kinumutan ang anak at pinagmasdan ang payapa nitong mukhang natutulog. Subalit patuloy parin sa pag doorbell ang taong iyun.

"Can you fvcking stop---"

Literal na nalaglag ang panga ni Felecia nang sa pagbukas niya ng pinto ay bumungad ang isang matikas na lalaking di niya inasahang nakatayo sa harap niya.

He's tall with clean cut hair and dark piercing eyes. He stood with the pride and refinement of someone who had a title.

Bumaba ang titig ni Axell sa katawan ni Felecia at saka pa lang siya nahimasmasan ng napagtantong tanging maikling short at sando lamang ang suot niya at hindi sya nakasuot ng bra!

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon