Chapter Thirty Two

838K 16.4K 1.5K
                                    


 ISANG GABI, sinundo siya ni Callan mula sa bahay niya para kumain sila sa labas at mamasyal. Buong araw itong nasa trabaho at siya naman ay nasa bahay. Kasalukuyan pa siyang nagpapahinga ng dumating ito.

 Maghapon din siyang naglaba. Bukod kasi sa mga damit niya na nagtambak na, nagpalit pa siya ng kurtina at bedsheet. Noong isang araw pa niya naisipan na palitan ng kulay asul ang dating kulay dilaw na kurtina niya sa bintana sa kuwarto at sa sala. Kahit ang bedsheet niya ay pinalitan din niya ng ganoong kulay.

 She had no idea what she ate lately. Bigla-bigla ay nawiwili siya sa color blue. Gustong-gusto niyang bumili ng mga kulay asul na bagay sa mall o kaya sa supermarket.

 "Katatapos mo lang maglaba?" tanong ni Callan habang nagmamaneho.

 She nodded. "Nakakapagod, pero successful naman." Gumamit siya ng washing machine. Hindi puwedeng hindi dahil isinama na rin niya sa labahin ang mga tubal ni Callan. Nang makita niya kung gaano kakalat ang tubal nito sa bahay ng binata, siya na mismo ang nagprisintang labhan ang mga 'yon.

 Boys will always be boys, nasabi niya sa sarili. She couldn't blame him. Sa dami ng trabaho nito, malamang ay wala na itong oras na pagtuunan ng pansin ang mga labahin nito.

  Napansin niya ang pagngisi ni Callan.

"Anong iningingisi mo d'yan?" kunot-noong tanong niya.

"Pati ba briefs ko, nilabhan mo?" may halong panunuksong tanong nito.

 "Oo. Iyon ba ang dahilan ng pagngisi mo?" Nag-init ang pisngi niya ng lumuwang ang pagkakangisi ni Callan.

 "Langya ka talaga! 'Wag kang mag-alala. Hindi ko pinagnanasahan ang mga brief mo. Basta ko na lang 'yon isinalang sa washing machine pagkatapos kong hawhawan. Kung iniisip mo na nanakawin ko 'yon, aba'y mahiya ka naman sa akin! Matapos kitang pagmalasakitan?"

"Calm down, honey. Wala pa akong sinasabi, ang haba na agad ng depensa mo. Hindi naman ako nag-iisip ng masama, ah?"

Napapahiyang iniiwas niya ang mukha nito. "Hindi ka nga nag-iisip ng masama. Nakakaloko ka naman ngumiti. Hmp!" Inirapan niya ang binata.

Malakas na humalakhak ang binata. "You really looked prettier when you're blushing, hon."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi ka talaga patas lumaban." Dahil sa tuwing nag-aasaran sila ng binata, lagi na lamang siya nitong idinadaan sa pambobola. At normal na babae lamang si Kira, marunong din kiligin sa mga simpleng banat ni Callan.

 "Saan ba tayo pupunta? Kanina pa ako nagugutom, eh."

"Kumain ka ba ng tanghalian kanina?"

"Oo, pero kaunti lang. Baka bigla akong lumubo, eh."

 Nagsalubong ang kilay ni Callan at parang hindi nagustuhan ang sinabi niya. "Hindi mo dapat tinitipid ang pagkain mo. Huwag mo pagdamutan ang sarili mo pagdating sa pagkain dahil lang sa ayaw mong tumaba."

"Bakit naman? Di ba, kayong mga lalaki ayaw n'yo sa chubby o sa mataba?"

"Who told you? Hindi lahat ng lalaki ay ganoon kababaw."

"Sus. May mga lalaki kaya na kapag nawala na ang magandang shape ng partner nila, iniiwan nila o di kaya naghahanap na ng iba na mas seksi. Those horny bastards."

He grinned at her. "Well, i'm not one of those h0rny bastards. I maybe h-rny sometimes, but i don't cheat."

Umangat ang kilay ni Kira. "Talaga lang? So, what happened between you and Millen before?"

"Millen?"

"Yes, you're ex-girlfriend. Hello? Hindi naman siguro ganoon ka na katanda para hindi mo maalala ang dati mong nobya." Malinaw pa rin sa kanyang alalaala ang nakita niyang paggawa ni Callan at Millen ng "milagro" noon sa loob ng classroom nila.

"Ah, yes. I could still remember her. Pero anong kinalaman niya sa usapan natin?" painosenteng tanong ng binata. She rolled her eyes at him.

 "Maang-maangan ka pa."

"Hindi nga. What about Millen? 'Yong tungkol pa rin ba sa nangyari noon ang tinutukoy mo?"

 She nodded. "Yes, that's why i think you cheated on her."

"Huh? I didn't. Naging magkarelasyon kami ni Millen. Pero hindi ko siya niloko, hindi ako pumatol sa ibang babae habang kami. But that doesn't mean, minahal ko siya ng sobra. I'll be honest here. Niligawan ko lang siya noon dahil maganda siya. She was sexy and wild and adventerous. That's it." anito, parang ipinagtatanggol ang sarili at todo paliwanag pa sa kanya.

"Then, bakit sinasabi niya na nagtaksil ka? And the funny thing was, ako pa talaga ang pinagbibintangan niya."

 Bumuntong-hininga si Callan. Kapagkuwan ay itinigil ang kotse sa isang tabi.

"Because i'm tired of being with a girl that i don't love. Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil hindi tama na patuloy ko siyang paasahin na mahal ko siya."

 May nabasa siyang kung anong estrangherong damdamin sa mga mata ni Callan nang tumitig ito ng tuwid sa kanya. "Bago pa man maging kami ni Millen, may mahal na akong ibang babae. Gusto ko siyang ligawan. Pero naisip ko, hindi ako makakabuti para sa kanya. Masipag siyang mag-aral. Unlike me. Makakaabala lang ako sa kanya kung liligawan ko siya, kukulitin at magpapa-cute. I don't think her parents will be happy to know if i court her. Kaya pilit kong ibinaling sa ibang babae ang pagkagusto ko sa kanya."

"But i was wrong. Kahit na pilit kong ibaling ang atensyon ko sa ibang babae, siya pa rin ang lagi kong napapansin. Siya pa rin ang laging sumasagi sa isip ko sa tuwing kasama ko ang mga babaeng 'yon."

Napalunok si Kira at maikuyom ang mga palad. Pakiramdam niya ay nagkakaroon ng kakaibang init ang atmospera sa loob ng kotse nito.

"Kung ganoon, tama lang naman siguro si Millen sa sinabi niya sa 'yo. Y-You're a cheater."

 Hindi natinag sa pagtitig sa kanya si Callan. "Yes. Maybe, i am a cheater for them. Dahil habang sila ang karelasyon ko, ibang babae naman ang minamahal ko."

 Tila may namuong bara sa lalamunan ni Kira at inutusan niya ang sarili na tumikhim. Hindi niya maintindihan kung bakit titig na titig sa kanya si Callan, na para bang para sa kanya ang mga sinasabi nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila narinig niya ang boses ni Themarie na umalingawngaw sa isip niya.

"Well, masaya ako para sa inyo ni Callan, Kira. Finally, nagpakalalaki na ang mokong na 'yon at hindi na nagpakatorpe pa sa 'yo. Nagawa ka rin niyang ligawan."

"Would you like to know her name, Kira?"

"Ha?" Parang nabingi na yata siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

 "Gusto mo bang malaman kung sino 'yong babaeng 'yon?" tumatagos sa kanya ang mainit na titig nito.

Umiling ang dalaga at pilit na nginitian ito. "M-Maybe, some other time... But now.. Gusto ko munang kumain. Anyway, saan ba tayo pupunta?" pag-iiba niya ng paksa sa usapan nila.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now